TGW: CHAPTER 14
LORRAIN POV
PAPUNTA AKO sa opisina ni Darius. Nakalimutan niya kasing dalhin ang baon niya. Alam ko namang kaya niyang bumili ng makakain niya ngunit pinaghirapan ko pa kasi 'tong lutuin. At saka minsan nakakalimutan na niyang kumain sa saktong oras.
Binayaran ko muna ang taxi bago ako pumasok sa loob. Hindi na ako kailangan pang harangan ng guard lalo na at kilala na niya ako dahil madalas ako rito.
Tumango ako sa kaniya at ngumiti bago ko pinindot ang last floor ng makasakay ako sa elevator. Pagkabukas palang ng pinto ay ngumiti ako sa bagong sekretarya niya. Ngunit halata sa mukha nito ang pamumutla.
"Nand'yan ba siya sa loob?" Alam kung alam na niya kung sino ang tinutukoy ko.
"O-opo may ka-kasama po siya." Tumango naman ako bilang sagot.
Baka 'yong kapatid nito ang kasama niya sa loob. Saka ako pumasok pero nakita ng dalawang mata ko na may nakakandong na malanding babae sa hita ng boyfriend ko.
Okay kalma alam ko na kung anong gagawin ko. Minsan ko naring naisulat ang scene na 'to sa story na gawa ko.
Gulat na napatingin sa 'kin si Darius, bago niya tinulak ang babae saka siya tumayo at lumapit sa 'kin bago niya ako niyakap.
"Magpapaliwanag ako."
"Mamaya na." Inaangat ko ang pagkain na dala ko. "Kain mo na tayo," saka ako ngumiti.
"'Di ka galit?" Umiling naman ako bilang sagot kahit sa kaloob looban ko gusto ko nang ihulog 'yong babae sa building na 'to.
Mukha naman siyang nabunutan ng tinik sa sagot ko saka niya ako pinaupo sa swivel chair niya rito sa opisina. Napatingala ako at tiningnan ang babae. Halos manlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino ito.
"Nica?"
"What are you doing here Hannah?" galit niyang tanong sa 'kin.
"Diba dapat ako magtanong niyan?" malamig na sabi ko at tumayo, "Anong ginagawa mo rito sa opisina ng boyfriend ko," madiing sabi ko sa salitang boyfriend.
"Boyfriend mo?" gulat na tanong nito sa 'kin at ngumiti ng plastik, "May papatol pala sa 'yo? Na kahit—"
"Umalis ka na rito!" inis na pagputol ko sa sasabihin niya.
"So? Hindi niya alam?" Natutuwa siya sa nalaman at hinarap si Darius. "Love." Malandi niyang hinaplos ang braso ni Darius, "Alam mo bang hindi ka niya mabibigyan ng—" Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ng sinampal ko kaagad siya. Gulat siyang napatingin sa 'kin habang hawak ang pisnge niyang sinampal ko. Nanlaki pa ang mata ni Darius dahil sa ginawa ko bago siya lumayo kay Nica para naman mabawasan ang inis na naramdaman ko. "How dare you!" malakas na sigaw ni Nica dahil sa ginawa ko sa kaniya.
"Now dare me! Kung nalandi mo dati ang ex boyfriend ko. Tandaan mo 'to my step sister. Hinding hindi mo malalandi si Darius at hindi mo siya maaagaw sa 'kin dahil ako mismo ang papatay sa 'yo pag nangyari iyon!" galit na sigaw ko sa kaniya.
"Babe calm down." Naglakad palapit sa 'kin si Darius at hinaplos ang likod ko para pakalmahin ako.
Kinalma ko ang sarili ko at umupo nalang. Pinalabas na niya si Nica, lumabas naman ito na ipagpapasalamat ko pero alam kong hindi pa rin iyon titigil.
Alam na alam ko na ang daloy ng bituka niya at alam kong may binabalak 'yong step sister ko. Anak siya sa labas ng Daddy namin ni Ate Miya. Mabait ang pakikitungo namin sa kaniya, pati rin siya.
Ngunit hindi ko alam na nakikipagplastikan lang pala siya sa 'min. Mabait lang siya 'pag kaharap niya si Mommy at si Daddy pero kapag ako lang mag isa, nakikita ko na ang tunay na ugali niya.
Hindi ko alam kung anong pakikitungo niya kay Ate Miya. Kasi halos ako ay takot sa kaniya pag nag seryoso siya. Meron siyang mga mata na wala kang makikitang kahit na anong emosyon sa kaniya. Meron rin siyang mga tainga na kahit nasa malayo ka ay naririnig ka niya lalo na 'pag paparating ka. Alam niya rin kung may pangarap na mangyayari o darating.
Siya ang pinakamaswerte sa 'min. Pero ang tanging sagot niya lang 'pag sinabi kong napaka swerte niya ay. Tinuruan nila ako at nagpursigi ako hindi ito blessing na simula no'ng pagbata ako ay nandito na ito dahil nagkaroon lang ako ng ganitong pakiramdam dahil Agent ako. 'Yan ang laging sagot niya. Tanging ako lang ang may alam kung anong trabaho ni Ate kung bakit napakayaman niya.
Iyong si Nica naman naiingit sa kayamanan na meron si Ate Miya. Kaya minsan na rin nitong naisipang siraan si Ate dahil akala niya na ang perang mayroon si Ate ay bigay nila Daddy. Ang hindi niya alam ay pinaghirapan rin ni Ate ang pera na iyon. Nahiya siya kay Ate o nahiya 'ata siya kay Daddy ng malaman niyang ang perang meron si Ate ay pinaghirapan pala nito at hindi pinamana.
"Ang tahimik mo naman." Nabasag ang pag iisip ko ng magsalita si Darius.
Tapos na rin siyang kumain. Dahil sa malalim kong pag-iisip ko 'di ko namalayan na nakaupo na pala ako sa hita niya.
"I'm thinking," sagot ko sa kaniya.
Tumango lang siya at hindi na nagtanong pa o nag ingay mukhang binigyan niya ako ng privacy para makapag isip.
At dahil sa pag iisip ko hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.
° • °
DARIUS POV
HINDI KO ALAM kung ano ba talaga ang dahilan ni Nica kung bakit siya nandito sa opisina ko. Bigla nalang siyang kumandong sa 'kin at sinabihan akong gusto niyang makipagbalikan. Ngunit huli na para sabihin ko sa kaniyang may girlfriend na ako dahil bumukas ang pinto at pumasok doon si Lorrain.
Akala ko sasampalin niya ako o magagalit siya tulad ng sa mga nababasa ko. Ngunit mahinahon lang siya at ang ikinagulat ko ay magkapatid pala sila ni Nica I mean step sister daw sabi niya. Gusto ko sanang magtanong kaya lang mukhang malalim ang iniisip niya dahil kahit nga lang nakaupo na siya sa hita ko ay hindi niya napansin at patuloy siya sa pagtulala.
Naramdaman ko ang mabibigat na hininga niya sa leeg ko. Kaya nasasabi kong nakatulog siya. Agad akong umayos ng upo habang nakapulupot pa rin ang braso niya sa leeg ko at nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Wicked ng walang katok sa opisina ko. I mean si Miya ang kapatid ni Lorrain. Talaga ngang hindi ko pa nakikilala ang pamilya niya dahil sunod sunod ang surpresa niya sa 'kin. Nagulat ako ng malaman na ate pala niya ang pinakamagaling na Agent na si Wicked at step sister niya pa ang ex ko.
"Naparito ka?" tanong ko sa kaniya.
Walang ingay siyang umupo sa sofa habang naka dikwarto at seryosong nakatingin sa akin. Sinubukan ko siyang basahin pero wala rin akong nakuha kaya tumigil na rin ako.
"Nakita ko si Nica... Anong ginagawa niya rito? Siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan at lulukuhin ang kapatid ko, Mr. Sanchez."
"Nagulat din ako na nandito siya—"
"Diretsuhin mo 'ko. Seryoso ako rito," halata nga, "Nakita ko kung pa'no nadurog ang kapatid ko ng maghiwalay sila ni Ralph dahil kay Nica. Alam kong wala akong karapatan na magkwento ngunit isa lang ang sasabihin ko sa 'yo. Kahit isa ka pa sa pinakamayaman sa buong mundo. Wala lang 'yan sa 'kin kasi walang kwenta ang yaman mo kung patay ka na."
Nakakatakot siya aaminin ko. Pero mahal ko ang kapatid niya at hindi ko siya kailanman sasaktan. Pangako ko iyan.
But I am impressed at the same time. Ganito pala maging ate si Wicked.
°•°•°•°
SCRIPTINGYOURDESTINY
YOU ARE READING
Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||
RomanceTGW || ✓ || Golden Bullet Series Little Demons (Darius Jake Sanchez) Sabihan man siyang bakla ng mga kapatid niya at pagtawanan man siya ng kaibigan niya o asarin ngunit wala siyang pakialam. Gusto niya at mahilig siyang magbasa ng mga libro na ang...