TGW: EPILOGUE
LORRAIN POV
Napangiti ako habang nakatingin sa taong naghihintay sa 'kin sa dulo ng altar. Sa dinami-rami ng nangyari, hindi ko aakalain na sa simbahan pa rin pala ang bagsak namin.
Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko nang makita ko si papa at si mama na sumalubong sa 'kin. Naging maayos kami at tanggap nila ang pagmamahalan namin.
Napatingin ako kay Miya na tipid na ngumiti sa 'kin, napanguso ako dahil mukhang mas maganda pa siya sa bride. Mukhang naintindihan niya ang reaksyon ko dahil bahagya siyang natawa.
Pinulupot ko ang kamay ko sa braso ni Papa at nagsimula na ulit kaming maglakad kasabay ang malamyong musika
Nakita ko ang panggigilid ng luha ni Papa habang ako ay pinipigilang 'wag maluha lalo na at baka masayang lang itong makeup ko. Malalagot ako sa make-up artist ko.
"Ingatan mo 'tong anak namin." Inihinto niya ako sa harapan ng groom ko.
"Opo, Papa." Nagmano siya kay papa.
Inilahad niya ang braso niya at hindi naman ako nagdalawang isip na ipulupot roon ang kamay ko bago ako ngumiti sa kaniya.
Pareho kaming nakatingin sa pari habang nakikinig sa seremonya.
"Darius Jake Sanchez, do you take this woman to be your thy wife, to live together in the holy bonds of matrimony? To love her, comfort her, honor and keep her, in sickness and in health and forsaking all others, keep thee unto her so long as ye both shall live?"
"I do father." Nakangiting sagot ni Darius at ramdam ko ang pagpisil niya sa palad ko.
"Hannah Lorrain Algoso, do you take this man to be thy wedded husband, to live together in the holy bonds of matrimony? To love him, comfort him, honor and keep him, in sickness and in health and forsaking all others, keep thee only unto him so long as ye both live?"
"I do." Hindi ko lubos maisip na aabot kami rito sa sobrang daming nangyari bago kami ikinasal.
Nang tuluyan na niyang maalis ang pagkakatali sa 'kin ay tumayo ako, hinila niya naman ako payakap sa 'kin. Ramdam ko ang paghalik niya sa nuo ko bago kami tumingin kay Nica na nanlumo, patago akong sumilip kay Darius na ngayon ay siya naman ang nakatali.
Nahuli siya at itinali ng mga tauhan ni Ralph.
Palihim akong napangiti ng mapansin kong gumagalaw ang kamay ni Darius sa likod niya. May ginagawa ito para matanggal ang tali.
Tinuon ko ang pansin kay Nica para hindi mahalata ni Philip ang ginagawa ni Darius.
"I'm sorry Lorrain, sorry sa lahat ng ginawa kong kasamaan sa 'yo. Nabulag ako sa galit at inggit ko sa 'yo. Ito na yata ang karma ko sa lahat ng kasamaan na nagawa ko. Parang huli ko na yatang napansin ang mga mali ko. Hindi ko na mababago pa ang mga pagkakamali ko sa 'yo. Kaya sana patawarin mo 'ko," paghingi niya ng tawad. Kita ko ang pagtulo ng luha niya, dahil hindi niya iyon matuyo dahil nakatali siya.
Magkadikit ang upuan ni Darius sa upuan ni Nica kaya napatingin ako sa likuran nilang dalawa. Kinakalas na ngayon ni Darius ang tali ni Nica.
Napatigil siya sa pag-iyak, nanigas si Nica sa inuupuan niya ng maramdaman ang kamay ni Darius.
Gulat na napatingin si Ate Nica sa 'kin. Kumindat ako sa kaniya, napabuga siya ng hangin bago mas lalong lumakas ang iyak niya.
"I'm sorry Lorrain," mahinang sabi ni Ate Nica.
"Bakit nakatayo sa gilid mo si Lorrain?! Hindi ba nakatali rin 'yan?" Napaigtad si Lorrain dahil sa malakas na sigaw na iyon.
YOU ARE READING
Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||
RomanceTGW || ✓ || Golden Bullet Series Little Demons (Darius Jake Sanchez) Sabihan man siyang bakla ng mga kapatid niya at pagtawanan man siya ng kaibigan niya o asarin ngunit wala siyang pakialam. Gusto niya at mahilig siyang magbasa ng mga libro na ang...