TGW: CHAPTER 25
LORRAIN POV
Hindi ko lubos maisip na siya ang may gawa ng mga ito. Sa halos dalawang taon ay nakita ko ulit siya sa harapan ko. Ngunit ang dating pagmamahal na nararamdaman ko rito ay bigla na lang naglaho.
Kaba ang nararamdaman ko habang kaharap ko siya. Kinabahan ako sa p'wedeng mangyari sa 'kin, sa amin ni Ate Nica.
Ito ba na ba si Ralph? Ito ba ang lalaking minahal ko?
Napangiti ako nang makita ang boyfriend ko na suot ang toga niya. Graduate na rin kami sa wakas. Tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko mapigilan ang maging emosyonal dahil sa hirap ng pinagdaanan namin sa college ay nalampasan namin ito ng magkasama.
"Tapos na rin." Inangat niya ang baba ko at pinatingin sa kaniya, saka siya ngumiti at tinuyo ang luha na nasa pisnge ko.
Humalik siya sa nuo ko bago niya ako inakbayan.
Ngayon na, ngayon na ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Ralph.
Nang marating namin ang bahay ay pinagsiklop niya ang kamay namin, ramdam ko ang panginginig ng kamay niya kaya bahagya ko itong pinisil para kumalma siya.
Masaya akong sinalubong ng mga magulang ko pero nawala ang ngiti sa labi nila ng makita kung sino ang kasama ko.
"Sino siya?" May mapanuring tingin ni papa.
Pinisil ko lalo ang kamay ni Ralph bago sinagot si Papa. "Boyfriend ko po."
Naalala ko ang sinabi nila sa 'kin noon na p'wede na akong mag boyfriend kapag nakagraduate na ako.
Lumapit sa 'min si Ate Nica na may ngiti na nakaukit sa labi nito. Nakipag beso siya kay Ralph at kinikilig niya akong niyugyog. "Ang g'wapo ng boyfriend mo," nawala ang kaba na naramdaman ko dahil sa sinabi niya.
Bahagyang tumango si Ate Miya na para bang sinasabi niyang tanggap niya ang desisyon ko.
"Siya po si Ralph, boyfriend ko po." Akala ko magagalit sila sa 'kin, buong puso nilang tinanggap si Ralph.
Naging masaya ang pagsasama namin ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana.
"May sumpa ang dugo ng pamilya natin. Kada pamilya, ay may isang anak ang hindi magkakaanak." Ramdam ko ang kaba sa sinabi ni Papa.
"Matagal na sa henerasyon ng pamilya natin ang sumpang ito. Mabuti nalang talaga hindi ako napagpasahan ng sumpa. Gusto lang sana naming malaman ng mama mo kung sino sa inyong tatlo ang hindi magkakaanak. Hindi si Miya iyon, dahil minsan na rin siyang nabuntis. Nica, Lorrain, handa ba kayong sumama sa 'min sa hospital." Binalot ng kaba ang puso ko pero tumango ako at pumayag.
Tuluyan akong nanghina nang malaman na ako ang natamaan ng sumpa.
Gusto kong makasama si Ate Miya, pero alam kong meron din siyang problema. Hindi ko alam kung pa'no ko dadalhin ang sumpang 'to.
"Gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka." Malambing akong niyakap ni Ralph at binulong ang hiling niya na kailanman ay hindi ko matutupad.
Hindi ko siya mabibigyan ng anak, kaya hindi kami makakabuo ng pamilya.
Tanga mo Lorrain, ikaw lang pala ang hindi makakabuo. Pero si Ralph p'wede pa.
Pero hindi ko kayang pakawalan ang lalaking mahal ko. Pero gusto ko siyang maging masaya at matupad ang pangarap niya.
"Bakit ka ba nagkakagan'yan? Ginagabi ka na sa pag-uwi, hindi mo na ako madalas kausapin! Ano bang problema? May problema ba tayo?"
"Problema? Meron! Meron tayong problemang dalawa! Alam mo Lorrain, ang tanga mo." Hindi ko kailanman naisip na masasabi niya sa 'kin ang salitang 'yan. "Ginamit lang kita. Hindi kita mahal. Si Nica ang totoong mahal ko." Ang salitang binitawan niya na nagpadurog sa 'kin
Ginamit lang niya ako para magkalapit silang dalawa ng kapatid ko.
Gulong gulo ang isip ko, guhong guho ang puso ko. Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Tumakas ako.
Tumakas ako sa reyalidad at namuhay sa imahinasyon ko.
Ginigising na ako ng reyalidad at kailangan ko ng harapin ito.
Ang multo sa nakaraan ko ay binalikan ako.
Pero tama nga naman, mabuti na rin na ang nakaraan ko na ang lumapit sa 'kin. Dahil gusto ko nang tahimik na mundo, kasama ang mapapangasawa ko.
Ngunit kapag ba hinarap ko sila, talagang matatapos na ang lahat ng ito? Lahat ng sakit na nararamdaman ko ay tuluyan na bang mawawala at maglalaho?
"Sinungaling ka!" Napaigtad ako sa malakas na sigaw ni Ralph.
Kaharap niya ngayon si Ate Nica at sobra sobra ang galit na makikita sa mga mata niya.
"Ginawa ko lang iyon dahil gusto ko na mahalin mo ako," naiiyak na pag-amin ni Ate Nica.
"Hindi mo lang ba ako inisip? Sinira mo ang buhay ko, kaya tatapusin ko ang buhay mo ngayon."
"Sandali!" pagpigil ko kay Ralph ng makita kong nakatutok ang baril niya sa nuo ni Nica. Napunta sa 'kin ang atensyon ni Ralph at naging maamo ang mukha niyang kanina ay galit na galit na nakaharap kay Ate Nica. "A-Anong nangyayari? Ano 'to? Magpaliwanag kayo, wala akong maintindihan."
"Dahil sa kaniya kaya ka nawala sa 'kin. Nagsinungaling siya sa 'kin Lorrain," puno ng lungkot ang mukha nito. "Ang sabi niya hindi ka p'wedeng magkaanak. Hindi mo 'ko mabibigyan ng pamilya. Pero binaliktad niya ang lahat. Siya ang hindi makaanak, sobra ang inggit na naramdaman niya sa 'yo kaya sinira niya tayo!"
"A-Ate Nica." Hindi ako mapaniwala sa narinig. Pero tama nga naman, iyan ang kayang gawin ni Nica. Napaka makasarili niya
"Naiinggit ako sa 'yo! Nasa 'yo ang lahat! Kayamanan, masayang pamilya, kaya mo pang bumuo ng pamilya. Ako hindi! Ako ang nakakuha ng sumpa!" sigaw ni Ate Nica.
"Pero sapat iyan para sirain ang buhay ko!" galit na sigaw ko sa kaniya.
"Hindi mo 'ko masisisi, ang sama ng mundo sa 'kin!"
"Lorrain," pagtawag sa kaniya ni Ralph. "Bumalik ka na sa 'kin. Mahal ko pakiusap, bumalik ka na." Lumuhod si Ralph sa harapan ko.
"Babe!" Naagaw ang pansin namin sa sigaw na 'yon.
Lumabas si Darius sa pinagtataguan niya. Nababasa ko sa mukha nito ang galit nang makita si Ralph, pero pagmamakaawa ng tumingin siya sa 'kin.
"Please, bumalik ka na sa 'kin." Ramdam ko ang kamay ni Ralph sa hita ko. Halos tumayo ang lahat ng balahono ko sa pandidiri.
Dahan dahan akong tumango. "B-Babalik ako sa 'yo. M-Mahal pa rin kita." Hinawakan niya ang pisnge ko at hinaplos ito dahil sa naging sagot ko.
Ayaw kong tumingin kung nasaan man ngayon si Darius. Pero taksil ang mga mata ko at tumingin kay Darius. Namumula ang mata nito habang nakatingin sa 'kin.
Panay ang tawag ni Darius sa 'kin.
Ngunit na kay Ralph ang atensyon ko. Mahigpit niya akong niyakap at ramdam ko ang pagkalas niya sa tali.
Tatapusin ko na ang lahat ng 'to.
°•°•°•°
SCRIPTINGYOURDESTINY
YOU ARE READING
Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||
Storie d'amoreTGW || ✓ || Golden Bullet Series Little Demons (Darius Jake Sanchez) Sabihan man siyang bakla ng mga kapatid niya at pagtawanan man siya ng kaibigan niya o asarin ngunit wala siyang pakialam. Gusto niya at mahilig siyang magbasa ng mga libro na ang...