TGW: CHAPTER 2
DARIUS P.O.V
Maingay, naghalo halo ang mga baho, masakit sa mata ang iba't ibang kulay sa loob ng bar. Mag-isang umiinom, ayaw kong yayain si Sky dahil bakasyon niya ngayon sa trabaho. Kahit na kakatapos lang ng misyon niya kaya siguradong bagong s'weldo iyon ay hindi ko na lang siya tinawagan. Lumipas ang dalawang taon simula no'ng nangyari ang hiwalayan namin, may parte sa puso ko na nasasaktan pa rin. Ngunit ang ikinalito ko, hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. Nawalan na ako ng gana magbasa ng libro, ayaw ko nang umasa pa.
Nilimitan ko ang sarili sa pag-inom, ayaw kong umuwing lasing dahil wala akong driver. Nagtungo lang ako rito sa GB Bar para magpaantok. Ayaw nang mga Kuya ko na may alak siyang makikita sa ref o kahit saang parte ng bahay namin. Banned na ang beer o kahit na anong klaseng alcohol sa bahay.
Kung may gusto man raw kaming inumin na alak ay pumunta kami sa isang bar dahil hindi bar at inuman ang bahay namin.
Nag drive na ako pauwi at tinungo kaagad ang k'warto ko nang makarating ako. Nagising nalang ako kinabukasan dahil sa ingay ng phone ko. Padabog kong sinagot ang tawag habang nakapikit.
"Tigilan mo 'ko Arellano siguraduhin mo talagang importante 'yang sasabihin mo," inis singhal ko sa kaniya.
"Uuwi ngayon ang kapatid ko Sanchez hindi ako makakasundo sa kaniya close naman kayo diba? Pwede bang ikaw mo na ang sumundo sa kaniya?" Kumunut ang nuo ko sa sinabi ni Wyeth.
"Ayaw ko nga." Pinatay ko na ang tawag. Nagtungo ako sa banyo at naligo. Nang matapos na ako sa pag-aayos sa sarili dumiretso ako sa airport para sunduin si Daphne.
Dalawang taon at kalahati siyang nanatili sa kung saang lupalop ng mundo man siya nagtago. Hindi rin naman ako nagtanong kung bakit bigla siyang naglaho dahil halata namang may iniiwasan siya.
"Lover Boy!" Hinanap ko ang tumawag sa 'kin. Nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng highwaist jeans at sky blue croptop. May suot pa siyang heels habang tumatakbo papalapit sa akin.
Ibinuka ko ang braso para salubungin ang yakap niya. Patalon siyang yumakap sa 'kin, mabuti na lang at mabilis ko siyang nasalo kung hindi baka nadapa ito. Mapagalitan pa ako ng mga Kuya niya.
"I miss you Kuya DJ," nag pa cute pa siya sa 'kin.
Nag iwas ako ng tingin kasi alam ko na ang ibig niyang sabihin. Magpapalibre siya ng libro. At allergic na ako sa amoy ng libro ngayon.
"Bibigyan nalang kita ng pera." Kinuha ko ang bagahe niya at nilagay sa likod ng kotse.
Rinig ko ang tunog ng takong niya kaya alam kung nakasunod lang siya sa 'kin. Nang nailagay ko na ang maleta niya sa back compartment ay pinagbuksan ko siya ng pinto.
"Are you okay Kuya DJ?" takang tanong niya at sinuri ang buo ko.
"I'm fine cutie Daph." Saka ko pinisil ang pisnge niya para hindi na siya maghinala sa kung anong nangyari sa 'kin.
Bumalik naman ang masigla niyang mukha saka niya ako hinalikan sa pisnge at pumasok sa loob ng kotse. Inihatid ko siya papunta sa bagong bahay niya.
Habang nasa ibang bansa siya ay may tinawagan siyang kaibigan kasi bibili raw siya ng lupa. Para 'pag naisipan niyang umuwi rito sa Maynila ay may bahay na siyang uuwian.
Nang marating ko na ang bahay niya gaya ng pagturo niya sa 'kin sa daan. Pinagbuksan ko siya ng pinto. Kinuha ko na ang gamit niya sa back compartment.
"Oh I forgot nasa friend ko pala ang susi," maarteng sabi niya.
Kung hindi ko siya kilala masasabi kung mataray ang babaeng 'to dahil sa arte ng boses. Ngunit alam ko namang sobrang bait nito.
"Daph careful!" sigaw ko sa kaniya ng makita kong tumakbo ito.
Dahan dahan nalang itong naglakad sa katabing bahay. Ngunit walang lumabas na kaibigan niya. "Lorrain the Bitter!" sigaw niya mula sa labas.
Ilang saglit lang ng may lumabas na matangkad na sobrang puti na babae. Magulo ang buhok, dahil nasa malayo ako ay hindi ko masyadong naaninag ang mukha niya. May binigay itong susi kay Daph, humalik naman si Daph sa pisnge niya bago tumakbo papunta sa 'kin. Inihanda ko na ang maleta niya para pumasok na kami sa loob
"Need help?" tanong ko sa kaniya ng makapasok kami sa loob. Tinanggal niya ang mga puting tela at plastic sa sofa.
"No Need Kuya DJ, Saka may dark circle ka sa ilalim ng eyes mo o! Nagpupuyat ka. Rest kuya hindi kana handsome niyan." Natawa ako sa kumento niya saka ko ginulo ang buhok niya.
"Kahit na may dark circle ako, I'm still handsome cutie Daph."
"So hangin kuya." Hinalikan ko ang nuo niya. Nagpaalam ako sa kaniya nang tinaboy na niya ako paalis dahil marami pa siyang gagawin sa bahay niya.
° • °
LORRAIN POV
Napamulat ako ng mata. Agad akong tumayo kahit na inaantok pa ako dahil sa ingay ng doorbell. Pagkalabas ko ay binuksan ko kaagad ang gate. Halos nawala ang antok ko ng makita ko si Daph sa harapan ko.
"What do you need?" pagtataray ko sa kaniya.
Pero sa totoo lang na miss ko talaga ng sobra itong kaibigan ko. Ang pagiging maarte niya lalo na ang pagiging conyo niya.
"My key?" inilahad niya ang kamay niya at binuksan ang palad.
Agad akong nagtungo sa gilid ko sa ilalim ng paso ng halaman ko ito nilagay. Pagkakuha ko ng susi ay pinahiran ko muna ito bago binigay sa kaniya baka sisigaw ito ng Kuya at tatakbo ang mga kuya niya para bigyan siya ng alcohol gan'yan siya ka arte.
"Hindi ka talaga nag ca-careful." sighal niya sa 'kin.
Inirapan ko lang siya. Humalik siya sa pisnge ko nang tinanggap na niya ang susi. "I love you Lorrain the bitter." Agad siyang tumakbo papunta sa bahay niya.
Sinundan ko naman siya ng tingin at napako ang tingin ko sa lalaking nakatingin din sa 'kin pero agad rin nitong kinuha ang maleta ni Daph at pumasok sa loob. Boyfriend ba iyon ni Daph?
Sabagay maganda naman ang kaibigan ko, saka ilang taon din kaya siyang nawala. Hindi na ako magdududa kung may boyfriend na siya. Nang mawala na sa paningin ko ang lalaki ay napahawak ako sa dibdib ko ng lumakas ang kabog nito. What happen? Napailing ako at inalis ito sa isipan ko.
Pumasok na ulit ako sa loob at natulog nalang ulit ako pero kinagabihan ng magising ako ay nagtungo ulit ako sa bodega. Umakyat muna ako sa bakod. Ngunit napamura ng masugatan na naman ako.
Hindi pa nga magaling ang isa, may sugat na naman. Pumasok na ako sa loob at nagbasa.
. . .
🐧: SCRIPTINGYOURDESTINY
YOU ARE READING
Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||
RomanceTGW || ✓ || Golden Bullet Series Little Demons (Darius Jake Sanchez) Sabihan man siyang bakla ng mga kapatid niya at pagtawanan man siya ng kaibigan niya o asarin ngunit wala siyang pakialam. Gusto niya at mahilig siyang magbasa ng mga libro na ang...