LORRAIN POV
I just want to rest pero mukhang hindi niya 'ata ako papatulugin. Agad kong tinampal ang braso niya bago ako nagtaklubong sa kumot.
"Babe." nagsisimula na naman siya.
"Oh! Darius! Let me rest! IM TIRED!"
Sino bang hindi mapapagod? Pagtulog lang naman ng anak namin ay agad na naman niya akong dinala rito sa kwarto at sinimulang angkinin. Alas 3 na ng madaling araw. Maaga pa ako gigising bukas dahil may pasok pa ng kambal.
"Babe." pangungulit na naman niya.
"Hindi kana nakakatuwa Darius." Saka ako umupo at tiningnan siya.
Mas lalong humaba ang nguso niyang nakatingin sa akin. Ako yung buntis rito pero bakit parang siya ang NAGLILIHI.
"Wag mo 'kong sisihin! Isang buwan akong tigang." pagmamaktol niya.
Oo isang Buwan siyang tigang dahil ayaw kong lumapit siya sa 'kin dahil nakakairita ang pagmumukha niya. Hindi ko pa nasasabi sa kaniyang buntis ako pero mukhang may alam na siya.
"Next time ulit, okay?" saka ko hinaplos ang pisnge niya.
"Kailan yung next time na 'yan? Next year?" natatawa ako sa itsura niya para siyang batang hindi binilhan ng laruan.
"Next life." natatawang sagot ko bago ako nahiga ulit.
"HANNAH LORRAIN ALGOSO— SANCHEZ!" madiing bigkas niya
Napangiti ako ng wala sa oras. 7 years na kaming kasal pero bakit parang sumasayaw sa tuwa ang puso ko pag narinig ang kataga na iyan.
"I love you mister ko."
"Okay fine! Next time nalang." nakangiti niyang sabi.
Ang rupok ng asawa ko!.
Tumalikod ako sa kaniya habang nasa likuran ko siya nakayakap at ang kamay niya ay nakapisil sa may dibdib ko. 'Yan ang gusto niyang pwesto tuwing natutulog kami.
Nagising nalang ako kinabukasan ng maramdaman kong may tumatalon sa kama namin. Pagmulat ko ng mata ay ang nakangiting si Danna ang bumungad sa 'kin.
"You smell like sex." Nakatakip ang ilong ng panganay namin na si Dariane.
Kambal silang dalawa ng isilang ko unang lumabas si Dariane at ang pangalawa naman ay si Danna. Kaya pala medyo hindi normal ang laki ng tyan ko n'on dalawa pala ang laman.
"Saan mo na naman natutunan yan?" nahihiya kong tanong sa kaniya.
"Ate Jaycee smell like you. Pagtapos na silang mag sex ng husband niya." inosenteng sagot nito.
Lagot ka talaga sa 'kin Jaycee ikaw na babae ka kung ano ano tinuturo mo kay Dariane.
Naligo na ako. Nakakahiya naman sa panganay ko kung makaamoy. Pagkababa ko ay sumalubong sa 'kin si Darius na nakangiti humalik mo na siya sa 'kin bago ako iginiya papunta sa Dining.
Kumakain na ngayon ang kambal.
"Daddy!" tili ni Danna.
Halos mataranta si Darius habang ako ay napairap lang sa kawalan dahil alam ko na naman kung ano yang drama niya.
"Look oh! Natapon yung sauce sa dress ko." maarteng sumbong nito sa Daddy niya.
Kung si Dariane may pagkamanyak si Danna naman ay may pagka maarte.
"Hindi talaga magandang impluwensya yang si Jaycee at Daphne." Napailing nalang ako at nagsimula ng kumain. "Bilisin niyo d'yan, ma lalate na kayo sa school."
YOU ARE READING
Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||
RomanceTGW || ✓ || Golden Bullet Series Little Demons (Darius Jake Sanchez) Sabihan man siyang bakla ng mga kapatid niya at pagtawanan man siya ng kaibigan niya o asarin ngunit wala siyang pakialam. Gusto niya at mahilig siyang magbasa ng mga libro na ang...