TGW: CHAPTER 7
DARIUS POV
Muntik na nila akong masarhan ng pinto buti nalang at nakakauwi ako sa saktong oras.
"Sayang!" Naghihinayang pa sila kaya sinamaan ko sila ng tingin.
Gusto 'ata nila akong pumunta sa New York e.
"Boys!" Napatingala ako para tingnan si Dad sa may dulo ng hagdanan.
"Yes Dad?"
"Unti unti ng bumabagsak ang kompanya sa new york dahil walang humahawak. Please kailangan na ng kompanya natin ang tulong niyo."
Nagkatinginan pa kaming apat saka sabay na nag iwas ng tingin. Ayaw kong umalis lalo na at may bagong natitipuhan akong babae rito.
"Mag usap tayo."
Nagtungo kami sa sala at umupo. Ilang minuto na kaming nakaupo rito ngunit wala pa ring nagsasalita ni isa sa 'min. Walang gustong mag volunteer na pumunta sa New York.
"Ikaw Danrio?" tanong niya kay Rio.
"No dad!" mabilis na sagot nito.
"Ikaw Dave?" bumaling siya kay Davy.
"Ayaw kong iwan 'yong girlfriend ko rito Dad."
"Lalo na ako ayaw kong pumunta roon sa New York, may girlfriend man ako o wala. Final!" matigas na bigkas ko.
Sabay kaming napalingon kay Kuya Dan. Siya ang panganay sa 'min. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot pero agad rin itong napalitan ng malamig na titig.
'Wag ako Kuya. Im an agent too. Kaya ko kayong basahin kahit na isa ka rin sa pinakamagaling na Agent sa grupo.
"Danello?" tanong ni Dad sa kaniya.
"Okay po Dad." Nakatungong sagot niya. Pero alam ko sa kaloob looban niya ay umaayaw na siya.
"Good!" Bago pa makatayo si Dad ay nauna ng tumayo si Kuya Dan saka siya umakyat sa taas. Napailing nalang si Dad bago siya umalis sumunod na rin ako at nagtungo na sa k'warto ko. Ngunit wala roon ang iniisip ko kun'di nando'n sa magandang babae na iyon.
Si Lorrain ay si miss trespassing na natulog at nakibasa sa mga libro na matagal ko nang tinago. Sa may abandonadong bodega.
Alam ko rin na siya ang naglinis do'n kaya hindi alikabok ang sumalubong sa 'kin kun'di ang preskong hangin.
Kahit gano'n ay nawala ang duda kong may gagawin siyang masama sa mini library ko. At ito na naman ngayon naging adik na naman ako sa mga kwento ni BitterNovelWrites. Lalo na 'yong kwentong Fake or Not.
Na kakatapos niya lang itong isulat do'n sa Between The Cover App. Bibili agad ako pag may for sale na ng libro niya. Dahil wala pa naman siyang bagong kwento ay habang naghihintay ay bibili nalang muna ako ng bagong libro. Pampaantok lang.
Nahahalata sa mga nobelang sinusulat niya na napaka bitter talaga niya dahil halos lahat ng gawa niyang kwento ay walang Happily Ever After.
Ilang araw ang dumaan simula no'ng umalis si Kuya papunta sa new york, dahil doon ako ang may hawak sa kompanyang hinahawakan niya noon. Ang boring kapag nasa opisina lang at nagbabasa ng mga proposal tapos pipirma.
Pero ayos lang din, atleast malapit lang ako. Nandito pa rin ako sa pinas. Pero talaga nga bang tamang pinili ni Dad si Kuya papunta sa New York?
Mukha kasing hindi. Nakita ko kasi si Kuya no'ng isang araw sa may balkonahe namin. May katawag siya at halatang namomroblema.
Kahit minsan ay hindi ko nakitang naging malungkot ang mukha nito ng ilang minuto kasi kung bibilangin isang segundo ko lang makikita ang malungkot niyang mukha kasi papalitan niya agad ito ng malamig na tingin.
Nakita ko rin siyang umiyak no'ng isang araw pero ng mapansin niya ako ay agad niyang pinahiran ang luha niya at nagtungo agad siya sa kwarto.
Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko at tumingala ng mapansin kung namamasa na ang mata ko. Tama na! Kailangan ko ng permahan ang mga gagamitin lalo na at gusto kung makita si Miss Beautiful.
Napatingin ako sa may pinto ng bumukas ito at pumasok si Rio at Davy.
"Nakakapagod."
"Tanginang buhay 'to." Reklamo nilang dalawa at sabay na umupo sa mahabang sofa.
Tama nakakapagod. Isa pa nga lang ang nahawakan naming kompanya ay napagod na agad kami. Pa'no pa kaya si Kuya Dan? Na halos lahat ng kompanya ni Dad ay siya ang namahala?
Nag e-enjoy akong nagbabasa ng pocketbook sa kwarto ko habang si Kuya ay naghihirap dito sa kompanya.
Tama nga naman ang sabi nila na masasabi mo lang na sobrang hirap ng buhay 'pag naranasan mo na talaga kung gaano ito kahirap.
"Isa pa nga lang ang kompanyang hawak natin, pa'no pa kaya kay Kuya na halos lahat siya ang may hawak?" pabarang sabi ko sa kanila.
"Habang tayo nagsasaya siya naman ay nagdurusa. Naghahanap ako ng babae habang laging umiinom yang si Rio ikaw naman ay laging nagbabasa ng pocketbook. Si Kuya ay hindi na enjoy ang buhay kabataan niya," pag sang ayon ni Davy sa 'kin
"Ginawa niya lahat, nag sakripisyo siya para maranasan natin ang normal na buhay. Habang siya ay nagpapagod na rito sa kompanya," dagdag pa ni Rio.
Ngayon lang namin naalala na sobrang hirap palang mag handle ng kompanya.
"Gusto niyang mag piloto ngunit hindi nangyari dahil kinuha niyang course ay Business Management."
"'Wag niyo akong alalahanin." Sabay kaming napalingon sa may pinto ng narinig namin ang boses ni Kuya.
"Kuya Dan!"
"Naparito ka?"
"May naiwan lang ako kaya bumalik ako." Nakangiting sabi niya saka siya lumapit sa 'min. "Saka don't worry sanay na ako. Oo no'ng una sobrang hirap lalo na at hindi ito ang gusto ko pero kailangan. Nagsumikap ako para ma kaya kung e handle ang kompanya at para ma enjoy niyo ang buhay niyo." Umupo siya sa visitor chair habang may nakaukit paring ngiti sa labi. "Salamat naman at natatak na rin sa wakas sa maliliit niyong utak ang mga sinakripisyo ko para sa inyo." Napangiti rin ako sa sinabi niya. Saka ako sumandal sa may swivel chair ko.
"'Wag kayong mag alala sa pangarap ko. Kasi palihim akong nag aral habang hawak ko ang kompanya." Nanlaki ang mata namin sa sinabi niya. "Matagal na akong license pilot boys."
Tumayo kami saka namin siya niyakap ng mahigpit para hindi makahinga.
"T-tangina! H-huy di a-ako makahinga," reklamo niya.
Sabay namin siyang pinakawalan habang tumatawa. Sobrang pula na nang mukha niya habang umuubo. Napangiti siya at tumayo, may kinuha siyang mga papeles sa isang drawer. "Alis na ako!" Tipid siyang kumaway at umalis na.
"Ingat ka Kuya," sabay na sigaw namin.
"Dapat pagbalik ko rito may mga jowa na kayong tatlo!" Rinig pa naming sabi niya kahit nasa labas na siya.
"May jowa na ako," sagot ni Davy. Napairap ako sa sinabi ni Davy, lagi naman siyang may jowa.
"Wala akong plano," sagot naman ni Rio habang nagkibit balikat.
"May natitipuhan na ako." Biglang bumukas ang pinto at sumilip si Kuya Dan. Hindi ko pinansin ang tingin ng mga Kuya ko at bumalik na sa trabaho.
°•°•°•°
SCRIPTINGYOURDESTINY
YOU ARE READING
Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||
RomanceTGW || ✓ || Golden Bullet Series Little Demons (Darius Jake Sanchez) Sabihan man siyang bakla ng mga kapatid niya at pagtawanan man siya ng kaibigan niya o asarin ngunit wala siyang pakialam. Gusto niya at mahilig siyang magbasa ng mga libro na ang...