TGW: CHAPTER 13
LORRAIN POV
NAGISING ako dahil sa alarm clock na sinet ko no'ng gabi. Dahil may trabaho ngayon si Darius. Speaking of Darius natutulog parin siya hanggang ngayon.
Niyugyog ko siya para magising. Nagmulat naman agad siya ng mata at napangiti ng makita ako.
"Good Morning Babe," nakangiting sabi niya.
"Good Morning, too." Ako na ang humalik sa kaniya dahil lagi nalang siya ang nanghahalik sa 'kin kada umaga.
Simula ng maging kami dito na rin siya natutulog. Parang live in na rin. Tumayo ako pero napaupo rin ulit ng humapdi na naman ang gitna ko. Napatawa si Darius ng nakabusangot na naman ang mukha ko.
Nakakainis siya kinuha niya ang pagkababae ko n'ong araw na sinagot ko siya. Hindi ko akalain na nagkasya pala iyon sa loob ko.
Nang masanay na ako ay tumayo ako at pinulot ang malaking t shirt niya hindi ko na kailangan pang mag suot ng panloob dahil nandito lang naman ako sa loob ng bahay.
Pagkapasok niya sa loob ng banyo ay lumabas na ako para magluto. Sakto namang pagkalabas niya ay luto narin yung niluto ko. Walang umimik sa 'min habang kumakain.
Siya na ang nag prisentang maghugas. Kaya wala na akong nagawa kun'di ang pagmasdan siya.
Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Nakakaproud. Napatingin rin siya sa 'kin saka siya ngumiti.
Hinalikan niya mo na ako bago siya nag paalam. Kaya tahimik na naman muli ang bahay ko at bumalik sa normal ang tibok ng puso ko.
Agad kong binuksan ang laptop ko at tiningnan ko ang wallpaper ko sa phone. Napangiti ako bago ko inedit ang pic 'yong hindi kita ang itsura naming dalawa ni Darius.
Pinost ko ito sa instagram hindi pa nga umabot sa isang minuto ay may nag comment na at nag react. Minsan lang kasi ako magpost rito sa instagram minsan kasing pinopost ko ay yung mga book at kung saan sila makakabili ng mga libro ko.
: Ang ganda ng kutis mo Ms. Bitter.
: Feel ko maganda tong si Idol.
: Ang tangkad ng boyfriend niya.
: Ang pogi. May abs ba Ms. Bitter? Hihi!
Napangiti nalang ako. Siguro ay hindi makikita ni Darius 'to. Sa dami ng pinic namin no'ng first date namin ay hindi ko alam kung naalala niya ba ang pinakamagandang nakuha namin.
'Yong nakaakbay siya sa 'kin habang nakapulupot ang braso ko sa bewang niya at nakasandal ako sa dibdib niya.
Nilinis ko nalang ang buong bahay ko ng may kumatok roon kaya kaagad ko itong binuksan. Pero nagulat nalang ako ng may biglang humila sa 'kin.
° • °
DARIUS POV
PAGKALABAS ko sa bahay ni Lorrain ay papunta ako sa GB saka ko pinark ang kotse ko at pumasok sa loob.
May nakapasok raw kasi na outsider rito sa GB. Pagkapasok ko palang ay nakita ko na si Grif na nakatutok ang baril nito sa isang lalaking sobrang tangkad at sobrang puti in short sobrang gwapo.
"Pupunta pa rito ang Wicked Angels."
Ang tinutukoy nito ang grupo ni Wicked. Apat silang babae na may suot na masquette.
Pagkabukas palang ng pinto ay nagulat nalang ako ng halos manlaki ang maliit na mata ni Wicked sa nakita.
"Ibaba mo yang baril mo Grif," utos niya kay Grif.
YOU ARE READING
Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||
RomanceTGW || ✓ || Golden Bullet Series Little Demons (Darius Jake Sanchez) Sabihan man siyang bakla ng mga kapatid niya at pagtawanan man siya ng kaibigan niya o asarin ngunit wala siyang pakialam. Gusto niya at mahilig siyang magbasa ng mga libro na ang...