TGW: CHAPTER 4
LORRAIN POV
Pagkagising ko bigla akong nataranta ng mapansin na wala ako sa k'warto ko. Kumalma lang ako nang maalala na nasa bodega pala ako.
Nahulog ang isang jacket kasabay nang pagtayo ko. Ito ang ginawa kong kumot, na hindi ko naman ito pagmamay-ari.
Hindi ko pagmamay-ari? Ako lang naman mag-isa rito kagabi. May nahulog na maliit na maliit na papel mula sa bulsa ng jacket. Pinulot ko ito at binasa ang sulat.
I'm the owner of this mini library, miss trespassing.
-DJ
Napalunok ako nang mabasa iyon. Dumalaw pala rito kagabi ang may-ari. Ang malas naman, kung kailan pa ako nakatulog saka pa siya pumunta rito. Idedemanda ba niya ako? Kakasuhan ng trespassing?
Sinuot ko ang jacket at umakyat sa open window. Tatalon na sana ng may nakapa ako sa loob ng jacket niya. Isang susi na may maliit na notes.
'Yan ang susi ng Bodega, pwede kang makalabas pasok sa loob ng teritoryo ko. But please miss trespassing 'wag na 'wag mong pupunitin ang mga lovely books ko. Nagamot ko na rin 'yang hiwa mo sa hita, nakakahiya naman sa makinis at maputi mong balat. At sa susunod mag iingat ka.
-DJ
Agad napako ang tingin ko sa hita ko. Kaya pala medyo mahapdi kagabi, ginamot niya pala ako. Napangiti ako sa iniisip ko pero agad rin itong nawala ng maalala na wala ni isang lalaki ang nagtangkang humawak sa 'kin.
Kahit sa mga ex-boyfriends ko ay lagi akong nag susuot ng hoodie kasi ayaw kong mahawakan nila ang balat ko lalo na at medyo may pagkamaarte rin itong si kutis. Bigla nalang nangangati, minsan din ay namumula.
Alam kong lalaki siya lalo na sa amoy ng jacket at sa DJ na logo nito sa kaliwang dibdib. Agad akong lumabas at sinara ang bodega.
Pagkalabas ko ay umuwi na ako sa bahay. Pero huminto ako at naalala si Daph, naglakad ako at tinahak ang daan patungo sa bahay ng kaibigan ko.
Pumasok na ako sa loob ng bahay niya dahil kilala ko na ang kaibigan kong hindi naglo-lock ng pinto. Pero okay lang naman dahil mahigpit naman ang security ng Village.
Nakita ko ang gulo gulong buhok ni Daph pababa siya ng hagdan muntik pa siyang mahulog dahil sa gulat ng makita niya ako.
"You scared me," paninisi niya.
"Masyado kasi akong maganda."
"No! Nasobraan ka sa pagiging maputi mo kaya napagkamanlan ka niyang white lady." Napatingin ako sa may pinto ng marinig ang pagbukas nito at pumasok si Jaycee.
Isa siyang editor sa Arellano Publishing Company na pagmamay ari ng kuya ni Daph. Dahil do'n naging kaibigan namin siya. Pero pag work time na talaga naging focus na ito. Napaka workaholic niyang tao.
"Hey Jay!" Tumakbo papunta sa kaniya si Daph at niyakap siya. "Ang cute mo talaga." Saka nito pinaglaruan ang bangs ni Jaycee at hanggang balikat nitong straight na buhok.
"Matagal ko nang alam 'yan," mayabang na sabi nito. "But I i have a problem here my dear friend," mahina pero halatang kinakabahan ang boses nito.
"What is it?"
"Nawala ko 'yong mga papers, nando'n 'yong ibang mga chapters ng story na babasahin ko pa lang."
"Pa'nong you lost it? Sa pagkakaalam ko you're our trusted editor in APC."
"My lovely friend, I lost it sa train."
"Don't worry Jay." Humarap si Jaycee sa 'kin. "May copy ako."
"Oh God! Thanks." Saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Hindi katulad ng iba r'yan," pagpaparinig niya kay Daphne.
"Okay fine," sukong sabi ni Daph. "I convince kuya nalang na bigyan ka ulit ng second copy but Jay kahit na you're cute hindi ko na papalampasin ito pag nangyari ito sa susunod." May halong pagbabantang sabi ni Daph.
Tumawa lang ng malakas si Jaycee saka niya inakbayan si Daph.
"Napaka cute at inosente mo kaya hindi bagay sa 'yo ang pagiging maldita my beautiful friend." Tumingin naman sa 'kin si Jaycee at inakbayan rin ako. "At ikaw naman magpabilad karin sa araw nahiya naman ang color white dahil sa sobrang puti mo."
Napailing nalang ako sa kabaliwan ng babaeng 'to. Kahit kailan talaga.
"Alam mo na ang nangyayari sa balat ko pag nagbilad ako sa araw ng ilang oras." pagpapaala ko sa kaniya.
"Ay oo nga pala pupula ng sobra sobra ang kutis mo." kita ko pa ang palihim nitong pag irap.
Naalala ko pa dati ng sinabihan nila akong bumilad raw ako sa araw ng isang oras. Kaya dahil wala akong maisip n'on na sunod na chapter ng kwento ay nakisabay narin ako sa trip nila.
Nagbilad ako no'n sa araw naramdaman kong parang pinapaso ako at sobrang hapdi ng balat ko ngunit hindi ako umalis roon at nagpatuloy lang ako sa pagbilad. Ngunit napatingin ako kay Daph at Jaycee no'n ng bigla nila akong hinila.
"Oh God!"
"Are you okay? May masakit ba sa 'yo?"
"This is all your fault Jaycee."
"Hindi di ko kasalanan 'yan."
Hindi ko alam no'n kung bakit sila n'on sobrang OA. Dahil pala sobrang pula na ng kutis ko. Ang puting puti kong balat ay naging pink na.
Umupo nalang ako sa Sofa at kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Bago ko pinindot ang Between The Cover App halos sabog 'yong notification ko. Lalo na sa message.
Pero naagaw n'on ang atensyon ko sa DJ Sanchez na 'to.
° • °
DARIUS POV
Dahil wala akong ginawa pagkagising ko palang ay agad ko nang binasa ang laman ng libro. Halos nakalimutan ko nang maligo at kumain dahil sa nag enjoy akong basahin ang kwento.
Hindi lang ito tungkol sa pagmamahal niya sa isang lalaki pati narin sa pagmamahal niya sa pamilya.
"Gagi." Agad kong pinunasan ang luha kong dumaloy.
Napaka bitter nga ng writer. Kaya pala My Last Cry ang title ng kwento dahil iyon na ang huling beses na iiyak siya at iyon narin ang huling beses na makikita niya ang mundo.
Nagpakamatay siya kasi pakiramdam niya nabuhay lang siya sa mundo para saktan ng mga tao.
Natutunan ko rito sa kwento na 'to na 'pag masyado kang mabait e tatake advantage nila iyon. Gagamitin nila iyong sandata sa 'yo para madali ka nilang masaksak patalikod.
Kaya pala nasaktan ako n'on dahil sa sobrang mahal ko siya at dahil sa sobrang bait ko sa kaniya.
Ng matapos ko ang kwento ay agad kung pinindot ang message. Siguro dahil sa sobrang raming nag memessage sa kaniya ay alam kong hindi niya ito mababasa.
DJGarcia: Sobrang napaka bitter mo nga. Akala ko ako na ang pinakabitter sa mundo mayroon pa pala. By the way Ms. Bitter Im DJ your new reader the boy version of yours.
Pinatay ko na ang phone ko saka na ako nagtungo sa banyo para maligo. Baka 'pag tinamad ako ay hindi na naman ako maliligo nito.
Gusto ko pang mabasa ang ibang kwentong gawa ni BitterNovelWrites.
°•°•°•°
🐧📚🐧
YOU ARE READING
Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||
RomanceTGW || ✓ || Golden Bullet Series Little Demons (Darius Jake Sanchez) Sabihan man siyang bakla ng mga kapatid niya at pagtawanan man siya ng kaibigan niya o asarin ngunit wala siyang pakialam. Gusto niya at mahilig siyang magbasa ng mga libro na ang...