1•°Abandoned Library°•

247 18 0
                                    

DISCLAIMER!!!

THIS STORY IS UNEDITED. KAYA KO SIYA INUNPUBLISHED DAHIL BALAK KONG I-EDIT. PERO HANGGANG BALAK LANG KAYA BINALIK KO NA LANG. PANSENSYA NA, JEJEMON ERA KO PA 'TO.

•°°•

TGW: CHAPTER 1

DARIUS POV

Tawa roon tawa rito gan'yan sila mang asar ngunit wala roon ang atensyon ko kun'di nando'n sa librong binabasa ko. Hindi ko sila naririnig dahil may sarili akong mundo.

Ang mundo ng mga taong hindi nag eexist pero may happy ending. Dahil sa mga nababasa ko roon na ako naniniwala sa Happy Ending, Happily ever after at ng Forever. Call me Corny or gay pero 'yan ang pinaniniwalaan ko.

"Hindi kaya hiwalayan ka ni ate Nica dahil d'yan sa hilig mo," panira ng punyeta kong kapatid na si Danello.

"'Pag mahal mo ang isang tao tanggap mo kung ano siya at kung anong hilig niya," basi sa mga nababasa ko.

"Pa'no 'pag hiniwalayan ka niya ibig sabihin no'n hindi ka niya mahal?" pakikisali naman ni Davy.

Padabog kong sinara ang librong binabasa ko at tumingin sa kanila saka ko siya ningitian.

"Ibig sabihin niyan hindi kami ang itinadhana." At hindi ako naniniwala r'yan dahil mahal niya ako at mahal ko siya.

Alam kong kami na talaga sa huli. Hindi nga kami nag aaway e. Halos perpekto na ang relasyon naming dalawa.

Saka may silbi naman ang pagbabasa ko kasi nga. Ako naging taga advice ng mga kaibigan kong tinamaan na ng cupid bow. Sino na naman kaya ang sunod na target ni Kupido?

Alam kong hindi ako 'yon dahil matagal na niya akong pinana. At nagpapasalamat ako sa kaniya dahil binigay niya sa 'kin ang maganda at mapagmahal kong girlfriend.

"Hi love," salubong niya sa 'kin.

Agad kong tinago ang libro ko saka ko siya hinarap. Sabi kasi niya pag nasa harapan ko siya 'wag daw mo na ako magbabasa.

Sinabi niya iyon dahil gusto niya nasa kaniya ang atensyon ko. Ang sweet nga niya. Hindi naman niya ako sinabihan na tumigil na sa pagbabasa kaya nga mahal ko siya e. Dahil tanggap niya ang mga hilig at gusto ko.

"What are you doing here?" 'yan ang laging tanong niya sa tuwing dinadalaw ko siya. Hindi ko alam kung anong nangyayari, kung bakit ang cold niya sa 'kin. Pero naiintindihan ko naman siya, baka may problema siyang hindi masabi sa akin.

Alam ko namang hindi siya nagsasawa sa 'kin, dahil mahal niya ako.

"Ayaw mo ba akong nandito?" nakangusong tanong ko sa kaniya.

"Stop being so childish." Saway niya sa 'kin kaya tinikom ko na ang bibig ko.

Ayaw niya ba ng childish? Basi kasi sa nababasa ko mas gusto raw nila ang sweet at childish na boy. Meron din ang iba gusto nila 'yong Badboy pero hindi naman ako Badboy kaya ro'n nalang ako sa childish and sweet.

"Honey my love so sweet." paglalambing ko sa kaniya

"Shut up," madiing sabi niya.

"May problema ba?" mahinang tanong ko sa kaniya.

Saglit siyang natahimik bago seryosong tumingin sa 'kin at dinuro ako. "You are my problem."

"Ang g'wapo naman pala ng problema mo." Napatigil ako sa pagbibiro ng seryoso niya akong tiningnan. Tumikhim ako at sumeryoso rin. "Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan 'yan." Kumunut ang nuo niya sa sinabi ko.

Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||Where stories live. Discover now