10•°Away°•

102 13 0
                                    

TGW: CHAPTER 10


LORRAIN POV

SABI NIYA sa 'kin pupunta raw kami sa kompanyang hawak niya para malaman ko kung bakit siya laging busy. Pakiramdam niya 'ata na hindi ako naniniwala kaya sinabihan niya akong samahan siya.

"Anong gagawin ko roon?" tanong ko sa kaniya.

Binatones niya ang damit niya saka niya ako nilingon at ningitian.

"Ang tingnan ako hanggang magsawa ka sa pagmumukha ko."

Kung masasawa ako. Baka nga masanay ako e.

"Pwede ko bang dalhin ang laptop ko roon?" tanong ko sa kaniya.

"Sure babe," kumindat siya.

Kaya nagdala ako ng backpack nilagay ko roon ang isang tablet ko, 'yong phone at laptop ko. Nagdala rin ako ng draft notebook for my outline. Nang matapos ako ay napatingin ako sa kaniya nang tapos na siya.

Hinawakan niya ang kamay ko ng palabas kami. Hiningi niya sa 'kin ang susi kaya binigay ko sa kaniya at siya na ang nag lock bago sinauli sa 'kin ang susi. Sumakay na kami sa kotse niya at nahinto ito sa isang napakalaki at napakataas na building.

Lumabas na siya sa kotse niya bago niya binuksan 'yong sa 'kin at inilahad ang kamay niya. Kaya tinanggap ko ito bago ako lumabas ng sasakyan. Binigay niya sa guard ang susi bago kami pumasok sa loob.

Halos lahat ng empleyado na nandito ay napanganga ng makita ang kamay naming dalawa. Meron ring naiingit. Sorry girls but he's mine. Mine Alone.

Sumakay na kami sa elevator hindi niya parin tinatanggal ang pagkahawak niya sa 'kin na para bang ayaw niya akong mawala. Ito ring nararamdaman ko na ang sarap sa pakiramdam 'yong parang may paro paro o ano ba 'yan sa t'yan ko may kuryente at ang lakas ng tibok ng puso ko.

"In love na ba ako?" biglang tanong ni Darius.

"What?" tanong ko saka umupo sa isang sofa.

"Iba kasi 'yong tama mo sa 'kin. 'Yong parang kiliti sa may t'yan ko. 'Yong kuryente 'yong hindi masakit na kuryente kun'di masarap sa pakiramdam. Lalo na ito," hinuli niya ang kamay ko at idinikit sa may dibdib niya, "Ang lakas diba? Sa 'yo lang ito ganito. 'Pag nasa paligid ka at 'pag nasa tabi kita lalo na pag nakikita ka ng dalawang mata ko. Hindi karin nawawala sa isip ko habang nagtatrabaho ako. Kaya kita dinala rito kasi ayaw kitang ma miss gusto ko nandito kalang lagi sa tabi ko kasi laging nagtatalo ang isip at puso ko 'pag wala ka rito."

Parang natunaw ang puso ko sa sinabi niya. Gano'n ang epekto ko sa kaniya? Kung ganun we're the same. Pareho kami ng nararamdaman.

"I feel your heartbeat too," nakangiti niyang sabi, "You're in love. Pero kaya kong maghintay baka kasi may bumabagabag sa isip mo kaya ayaw mong sundin ang puso mo."

"Ayaw ko lang iwan ulit—"

"Hindi ko gagawin sa 'yo 'yan," pagputol niya sa sasabihin ko.

"I'm sorry."

"I can wait."

Tumango naman ako saka ko siya niyakap.

"Thank you."

Ayaw kong pumasok ulit sa isang relasyon. Alam ng mga kaibigan ko kung pa'no ako nasira at naging bitter ng dahil sa kaniya. Minahal ko siya ng sobra sobra kahit sa sarili ko wala akong tinira. Kaya sirang sira ako no'ng nawala siya.

Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||Where stories live. Discover now