TGW: CHAPTER 9
LORRAIN POV
SIMULA ng sinabi niya sa 'kin na liligawan niya ako ay hindi ko na siya nakita pa. Nakakainis lang kasi nabub'wesit ako sa kaniya. Siguro nahihiya siya sa 'kin at gustong bawiin ang sinabi niya. Minsan lang kami nagkikita dahil sa hindi ko alam na dahilan.
Tayka nga lang Lorrain kung makaasta ka parang girlfriend ha!
The hell! Papunta narin 'yon do'n. Magiging girlfriend niya rin ako 'pag sinagot ko siya
Agad akong napatayo ng may kumatok kaya dali dali akong tumakbo para buksan ito ngunit ang saya ko kanina ay napalitan ng busangot ng makita ko ang dalawa kong kaibigan.
"Anong ginagawa niyo rito?"
"Kanina ang saya saya ta's ng makitang kami pala ang kumatok ang taray taray," pagpaparinig ni Jaycee.
"May hinihintay kabang bisita Bessy?" tanong ni Daph.
"W-wala, ano nga pa lang ginagawa niyo rito?"
"Diba dapat papasukin mo muna kami."
Agad kong nilakihan ang bukas ng pinto saka ko sila pinapasok. Pa feel at home pa sila. Si Jaycee ay nakahiga sa sofa habang si Daphne ay nakatingin sa laptop ko.
"Ms. Bitter!" sabay na sigaw nilang dalawa.
"Oh?"
"Unexpected!" Sigaw ni Jaycee at tumingala pa.
"Mag open ka nga sa BTC App," utos ni Daph.
Inirapan ko silang dalawa bago umupo sa may carpet at inopen ko ang BTC App ko sa laptop. Pagkabukas ko palang ay sabog na kaagad ang notification ko.
"What happened? May issue ako? May naninira na naman ba sa 'kin? Ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo na wala akong pakialam sa pangbabash nila." Paliwanag ko sa dalawa kong kaibigan.
"Buksan mo."
Agad ko itong binuksan at halos lahat ng iyon ay nga comment nila sa story ko. Boy Next Door. May Happily Ever After kasi ang story ni Hannah at Jake.
: Wow Mukhang inlove ang Author natin ha!
: Salamat naman at hindi na rin siya Bitter.
: Sino kaya ang lucky boy na nagpatunaw ng ampalaya na bumalot sa puso ni Ms. Bitter?
: Gosh face reveal na kasi!
: Yeah tama ka d'yan! Saka pati na 'yong boy.
: Pic kayo dalawa.
Napangiti ako. Halos lahat pala sila nagdasal na sana hindi na ako bitter sumulat ng kwento.
"Sino nga ba ang lucky boy na 'yan?" tanong ni Jaycee habang nag iisip.
"'Yong lalaki ba na papasok ngayon?"
Agad akong napatingin sa may pinto. Agad kong sinara ang laptop ko at napangiti saka siya sinalubong. Binigay niya sa 'kin ang isang boutique ng rosas.
"Good Noon," nakangiting sabi niya.
"Omg Kuya DJ!" tili ni Daph.
Napairap nalang ako. Ang OA talaga nito.
"Face reveal na raw," bulong ni Daph sa 'kin.
"Iwan na muna namin kayo rito." Saka sila dahan dahang lumabas, "Ninang ako ha!" pahabol na sigaw nila saka tumakbo palabas.
YOU ARE READING
Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||
RomanceTGW || ✓ || Golden Bullet Series Little Demons (Darius Jake Sanchez) Sabihan man siyang bakla ng mga kapatid niya at pagtawanan man siya ng kaibigan niya o asarin ngunit wala siyang pakialam. Gusto niya at mahilig siyang magbasa ng mga libro na ang...