TGW: CHAPTER 11
LORRAIN P.O.V
TALAGA NGANG naiinis siya sa 'kin kasi dumaan ang apat na araw na hindi niya man lang ako pinuntahan. Nakakainis siya. Pero naiinis din ako sa sarili ko dahil inaway ko siya sa mababaw na dahilan.
Gumawa ako ng bagay na ikakasira namin at ito na ngayon. Ako ang nagdurusa. Halos ma badtrip ako. Hindi niya ako pinuntahan rito.
May kumatok sa may pinto at dali dali akong tumakbo papunta roon para buksan ang pinto ngunit tulad no'ng nakaraang araw 'yong mga kaibigan ko 'yong nandito at naiinis ako. Nabub'wesit kaya niya talaga akong tiisin? Akala ko ba mahal niya ako?
"Face reveal daw." Sabi ni Daph at umupo sa may sofa.
"Ayaw ko!" pagtanggi ko sa kanila.
"Hindi ka naman mapapahiya kasi maganda ka naman," sabi pa ni Jaycee.
"Ayaw ni Darius sa mga writer." mahinang sabi ko.
"Ano?!" sabay na sigaw nila.
"Dahil lang do'n? Ayaw mo ng ipakita ang mukha mo sa buong mundo?"
"Bes' minsan ka nang nabaliw sa gagong ex mo ta's ngayon gosh! Nag iisip ka pa ba?"
"Mabait si Kuya DJ, alam ko ang tungkol d'yan sa galit siya sa mga writer," mahinang sabi ni Daph.
"Bakit nga ba? Writer din ba ang ex niya? Ano? Sagutin mo 'ko?"
"Mahal mo na siya?" pag iiba ni Daph sa usapan.
"Daph! Sagutin mo muna ang tanong ko."
"Sasagutin ko ang tanong mo kung sasagutin mo muna ang tanong ko."
"Oo! Mahal ko diya! Mahal ko na siya!" Nakapikit kong sigaw sa kaniya.
"Oo kaibigan ni Kuya Wyeth I mean lahat ng Kuya ko kaibigan si Kuya DJ pero kahit gano'n hindi ko siya kukunsintihin 'pag sinaktan ka niya... Walang mali kung mahalin mo si Kuya. Mabait siya at sweet."
"'Yong tanong ko sagutin mo." pagmamakaawa ko.
"Mas mabuting si Kuya DJ nalang ang sumagot niyan."
Laglag panga akong nakatingin sa kaniya. Gan'on lang 'yon? Pinaamin niya ako ta's si Darius lang pala ang tatanungin ko.
° • °
DARIUS POV
Kahit hindi ko sabihin sa GB na may nakakaalam na isa akong Agent ay alam kong alam na nila iyon. Talaga nga bang hindi ako magaling magtago ng emosyon? Nanghihina lang naman ako 'pag siya ang kausap ko.
Tumunog ang wrist watch ko kaya kaagad kong pinindot ang green button at nakita ko kaagad ang mukha ni Thomp na seryoso.
"Pumunta ka ngayon din sa GB."
GB—Golden Bullet 'yan ang organisasyon na pinagtatrabahuan ko. Lahat kami na nagtatrabaho sa GB ay mga Agent lahat, mga Secret Agent.
Wala na akong nagawa kun'di ang pumunta sa GB at baka kaladkarin pa ako ng mga tauhan ni Thomp. Sumakay na ako sa kotse ko at huminto ako sa may bakal na gate na nandito sa harapan ko. Iniscan nito muna ang kotse ko bago bumukas ang gate saka ko pinaharorot papasok ang kotse ko.
Abot abot ang kaba ko pero kailangan kong gawin ito. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nag iingat.
Pagkapasok ko palang sa loob ay suntok agad ang sumalubong sa 'kin. Halos lahat ng Agent ay nandito lalo na ang mga Kuya ko pati na rin si Kuya Dan na alam kong pinauwi rin ito.
YOU ARE READING
Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||
Storie d'amoreTGW || ✓ || Golden Bullet Series Little Demons (Darius Jake Sanchez) Sabihan man siyang bakla ng mga kapatid niya at pagtawanan man siya ng kaibigan niya o asarin ngunit wala siyang pakialam. Gusto niya at mahilig siyang magbasa ng mga libro na ang...