TGW: CHAPTER 16
DARIUS POV
MASYADO AKONG naging busy. Lalo na sa kompanya na hinahawakan ko ngayon. Alam kong hindi ko na nabibigyan ng pansin ang girlfriend ko ngunit sinikap ko naman lahat para mabaling rin sa kaniya ang oras ko.
Ngunit sobrang kailangan talaga ako ng kompanya ni Dad. Nawala na kasi ang atensyon ko sa kompanya simula ng maging kami ni Lorrain. Nalaman ko nalang na may malaking milyones ang nanakaw ng kompanya ni Dad.
Nagalit si Dad. Kaya gusto kong bumawi. Sinusubukan kong patayuin ulit ang kompanya. At gusto ko pagkatapos ng lahat ng ito ay nando'n na kay Lorrain ang buong atensyon ko.
Miss na miss ko na siya ngunit kailangan ko munang magtiis lalo na at sobrang laki talaga ang nanakaw nang kompanya namin.
No'ng isang linggo akong hindi nakauwi dahil tinapos ko na ang lahat. Salamat dahil mapupuntaa na sa kaniya ang atensyon ko. Sobra sobra ko na talaga siyang na-miss.
Nagising ako at nagtungo sa banyo para maligo. Pagkalabas ko sa kwarto ko ay napatingin ako sa babaeng nakaupo sa sofa nakadikwarto ito.
"What the! What are you doing here?" Gulat na sigaw ko sa kaniya.
Pa'no siya nakapasok? Bakit siya nandito?
"You're free," sabi nito na nakangiti. "Malaya kana I mean malaya na tayo. Umalis na si Lorrain at sumama kay Ralph."
"Ralph?" Parang narinig ko na, pero hindi ko maalala.
"Yeah! 'Yong ex niya. Dahil nawawalan ka ng time sa kaniya ay ayon sumama siya sa lalaking minahal niya ng sobra. Diba nahirapan kang makapasok sa puso niya dahil nando'n pa si Ralph? Talaga nga bang mahal ka niya? O pampalipas oras ka lang?"
"Hindi ako naniniwala sa 'yo! Umalis ka rito ngayon din!" sigaw ko sa pagmumukha niya.
Ngunit ngiti lang ang sinukli niya sa 'kin na ikinainit ng ulo ko.
"Mapapasa 'kin ka rin," parang baliw na sabi niya. "Sumama na siya sa iba. Wala na siya!"
Galit kong hinila ang braso niya at diniinan ko ang pagkahawak fahilan kaya napasigaw siya sa sakit at nagpupumiglas.
"Tandaan mo 'to!" madiing bulong ko sa kaniya. "Kahit na ubos na ang babae sa mundo at ikaw nalang ang natitira magpapakamatay nalang ako kasya ang magkagusto sa 'yo." Saka ko siya hinila at tinulak palabas ng condo na inuupahan ko muna sandali.
Rinig kong dumaing siya saka ko sinara ang pinto. Napahawak ako sa may dibdib ko ng pakiramdam ko kinakabahan ako. Bakit gano'n? Anong nangyari? Anong mangyayari?
Nagtungo ako sa may CCTV room at nakiusap na pwede bang tingnan kung anong nangyari sa may condo ko.
Nakita kung kumatok si Lorrain at si Nica ang nakabukas no'n. Naka roba lang siya para akong nauupos na kandila habang pinapanuod silang dalawa. Hindi ko man narinig ang mga pinag uusapan nila pero basi sa tibok ng puso ko alam kong hindi maganda iyon.
Nagpasalamat muna ako bago lumabas. Nagsuot ako ng maayos na damit bago ako lumabas sa condo ko at magtutungo sa bahay ni Lorrain. Kinontact ko si Daphne agad naman nitong sinagot.
"Hey," malumanay na sagot nito.
"Pakitingnan si Lorrain sa bahay niya, please!" pakiusap ko sa kaniya.
"Wala na si Lorrain. Umalis na siya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta kung 'yan ang itatanong mo. Gusto niyang mapag isa durog na durog siya pero may iniwan siyang sulat picturan ko nalang." Hindi na niya ako hinintay pa ang sagot ko bagkus pinutol na nito ang tawag.
YOU ARE READING
Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||
RomanceTGW || ✓ || Golden Bullet Series Little Demons (Darius Jake Sanchez) Sabihan man siyang bakla ng mga kapatid niya at pagtawanan man siya ng kaibigan niya o asarin ngunit wala siyang pakialam. Gusto niya at mahilig siyang magbasa ng mga libro na ang...