17•°New York°•

86 13 0
                                    

TGW: CHAPTER 17

DARIUS POV

HABANG NAGPAPAGALING ako ang mga Kuya ko naman ay ginagawa ang lahat para malaman ang totoo, kung may butas pa para hindi ako makulong. Kapag napatunayan nilang wala akong kasalanan sa nangyaring aksidente ay malalagot ang totoong may sala.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at pumasok ang dalawa kong Kuya, na si Kuya Rio at Kuya Davy. Nasa new york pa rin hanggang ngayon si Kuya Dan, para pa siyang kailangan na tapusin.

Bumagsak ang balikat ko at biglang nawala ang pag-asa ng makita kong may mga pulis na nakasunod sa likod nila. Talaga nga bang may kasalanan ako? Makukulong ba ako?

"Don't worry." Mukhang nabasa ni Kuya ang pag-alala sa mga mata ko. Nagpapasalamat ako dahil medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

Nalaman ko sa kanilang dalawang buwan din akong na coma. Wala akong balita sa iba pang naaksidente.

"Hindi ka makukulong," sabi ni Sky at ngumiti. "Pero hindi dahil do'n ay malalagpasan muna ang ginawa mo. Nag cecellphone ka habang nag d-drive alam mo ba kung gaano ka delikado iyan? Pwede ka ring makulong, lalo na kung talagang may napatay ka. Pero ginawa namin lahat para patunayan na wala kang sala. Makukulong ka ng tatlong araw bilang parusa."

Tumango naman ako. Tatlong araw lang. Kaya ko 'to. Ngumiti ako kay Sky para magpasalamat. Ngumiti rin siya sa 'kin bago nagpaalam. Akala ko kung sinong pulis. Si Sky lang pala—isa rin siyang Agent katulad namin. He's part of our team, Little Demons.

Ilang araw akong nanatili sa hospital hanggang sa nakalabas ako, ngunit sa kulungan kaagad ang bagsak ko. Hindi ako nagreklamo kasi deserve ko rin naman ito. Nilibot ko ang tingin sa loob ng presinto.

Tinanggal na ni Sky ang posas at pinapasok ako sa loob. May nakita akong mga tao rito, nagsiksikan sila. Napangiti nalang ako ng mapait saka sumiksik sa may dulo at niyakap ang tuhod ko bago tumulala.

Ano na kayang ginagawa ngayon ni Lorrain? Kamusta na kaya siya? May bago na ba siyang boyfriend?

Kahit na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya ay mahal ko pa rin siya. Maghihintay ako hanggang sa ang tadhana na ang magbigay daan para magkita kami. Gusto ko ring malaman kung tayo na nga ba para sa isa't isa at hindi ba tayo pinaglalaruan ni Kupido?

Kasi kilala ko ang Kupido na iyan. Madaya 'yan maglaro. Ibibigay niya muna sa 'yo ang isang tao, masaktan ka muna para bigyan ng lakas at leksyon bago ibigay sa 'yo ang taong itinadhana talaga sa 'yo. At makakasama mo habang buhay.

At sana, sana ikaw na lang ang para sa akin.

Napatingin ako sa labas. Nakita ko ang isang pulis na kahina hinala ang kilos. Tumingin siya sa 'kin saka kumindat, kumunut ang nuo ko sa galaw niya. Hanggang sa napako ang tingin ko sa pulsuhan, may nakita akong familiar na relo. He's an Agent.

Anong ginagawa niya rito? Pinapunta ba siya rito para bantayan ako? Palihim akong napangiti at pumikit. Akala ko wala na silang pake sa 'kin. Halata kasing galit sa 'kin si Wicked dahil sa nangyari.

Mabilis lang na dumaan ang tatlong araw. Nang tuluyan na akong nakalaya ay nakita kong naghihintay sa labas ang mga Kuya ko. Napangiti nila akong inakbayan ng makalapit ako sa kanila.

Pumasok na kami sa loob ng sasakyan. Magkatabi si Kuya Davy at Kuya Rio sa unahan, habang ako ay nasa likod nakaupo.

"Pwede bang?" tumikhim muna si Kuya Rio. "Pwede bang palit muna kayo ni Kuya Dan? Para naman makalimot ka. Do'n ka muna sa New York." Napatahimik ako sa sinabi niya at napasandal sa may bintana bago nag isip. "N-nevermind. Wag mo nalang pansinin—"

"Palit kami," sagot ko.

Napapreno pa si Davy sa gulat kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil na takot dahil sa nangyari noon. Mag iingat na talaga ako habang nag dadrive.

Gumalaw na ulit ang sasakyan. Kita ko ang pagngiti nila kaya napangiti na rin ako. Mukha kasing may kailangan gawin si Kuya Dan dito sa pilipinas kaya nila ako sinabihang p'wede bang magpalit kami ni Kuya.

Pumikit ako at binuksan ang bintana ng kotse at dinama ang hangin kahit na puro usok lang naman ang naamoy ko.

Siguro naman nando'n ang tadhana ko. Nand'on ang kapalaran ko. Sana naman at hindi na ako masasaktan sa New York. Sana mabait ang New York sa 'kin.

° • °

LORRAIN POV

MALAPIT NA akong mag tatlong buwan rito sa New York. Siguro medyo maumbok na 'ata ang t'yan ni Nica. Sana maging masaya na sila. Habang ako rito hindi pa rin tanggap ang nangyari.

Bumalik ulit ako sa pagsusulat ng mga walang Happy Ending. Pinost ko 'yong picture naming dalawa dahil alam kong wala na akong pag asa sa kaniya.

Napangiti ako dahil halos libo libo ang nag react ng post ko. May nagbibiro pa, may nagpapatawa rin, nagtagumpay naman ang iba kasi napatawa nila ako pero meron ring hindi dahil naalala ko siya.

Sigurado naman akong hindi niya nakita ang post ko dahil mukhang hindi naman siya updated sa mga manunulat na kagaya ko. Baka nga minumura na niya ako at pinagsisihan na pumatol siya sa isang sinungaling na writer.

"Kumusta kana dyan?" Ka video call ko ang dalawang kaibigan. Napangiti nalang ako ng mapait. Iniwan ko sila roon para lang iwasan si Darius. Napakasama ko naman.

"Alam ko na 'yang iniisip mo," pagbasag ni Daph sa katahimikan. "Ginawa ko rin 'yan dati. Look I'm engaged."

"Marupok ka kasi!" pang aasar naman ni Jaycee sa kaniya.

"Atleast hindi ako pakipot," kita ko ang pagnguso ni Jaycee kaya hindi ko mapigilang mapatawa sa kanila.

"So kumusta kana Bessy?" napahinto ako sa pagtawa at bumalik sa dati ang itsura ko.

"Ito buhay pa naman, kaya ko pa naman," mahinang sagot ko.

"S-si Kuya DJ—"

"Ayaw ko siyang pag usapan." Kaya wala rin siyang nagawa kun'di ang itikom ang bibig niya.

Nagk'wentuhan pa sila tungkol sa love life nilang dalawa. At hindi ko mapigilang mapangiti. Masaya ako at nahanap na nila ang lalaking magpapasaya sa kanila.

"Hindi ako marupok na bumalik sa ex niyang playboy," nagbabangayan na naman sila.

"Hindi rin ako pakipot. Na kahit mahal niya si Rain ay nagpapakipot pa siya."

Rain? Si Ulan? Tayka! Siya 'yong lalaking sobrang puti na nakita ko sa may APC. Nagbabangayan pa sila hanggang sa napunta sa akin ang usapan.

"Atleast hindi kami tanga!" sabay na sigaw nila at nakatingin sa sa 'kin.

Napailing nalang ako habang sila ay tumatawa na parang tanga. Kung nasa harap ko lang sila baka hinabol ko na sila gamit ang kutsilyo rito sa kusina.

"May marupok, may pakipot at sa pag magbestfriend hindi mawawala ang tanga," napatawa nalang ako at sumang ayon.

Tanga naman talaga ako. Bakit pa ako tatanggi?

Alam ko na una palang na hindi ako magkakaanak pero nagmahal parin ako.

Wala akong karapatan na magmahal.

°•°•°•°

SCRIPTINGYOURDESTINY

Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||Where stories live. Discover now