TGW: CHAPTER 19
LORRAIN POV
NAPANGITI AKO ng may nakita akong isang tangkay na rosas sa may harap ng pintuan ko. Akala niya siguro hindi ko alam na siya ang naglalagay ng mga bulaklak rito kada umaga.
Lagi na kasi akong nakakatanggap ng bulaklak kaya medyo nakikicreepy na ako kaya inabangan ko kung sino ang lalaking maglalagay ng bulaklak d'yan sa tapat ng pintuan ng bahay ko. And thats it!
Si Darius Jake Sanchez, ang secret admirer ko.
Akala niya hindi ko alam na siya ang naglalagay ng isang tangkay ng rosas sa may hagdanan ng pintuan ko. Dati creepy pero ng malaman kong siya pala iyon ay kinikilig na ako tuwing nakikita ko 'yon kada umaga.
Bumili rin ako ng isang vase para do'n ilagay ang kada tangkay ng rosas na bigay niya.
Pagkalabas ko ay nakita ko kaagad si Jordan. Nagbatian muna kami saka nagsimula ng maglakad. Hanggang sa makita ko sa 'di kalayuan si Darius nakatayo siya roon saka siya napangiti ng makita kami at lumapit sa 'min.
Lagi rin siyang sumasabay sa 'kin tuwing nag jojogging kaming dalawa ni Jordan minsan din nagkakasalubong pa ang kilay niya 'pag nakita niya akong hawakan ni Jordan.
Naka jogging pants lang ako habang naka sport bra at may nakasalpak na headset sa tainga ko. Pero ang isa lang naman ang nakasalpak habang ang isa ay wala para marinig ko ang usapan nila.
"Saan ka nag tatrabaho, fafa D." hindi siya nagreklamo sa tawag ni Jordan sa kaniya. Kasi Jelly naman ang tawag niya rito. At tinatrato niyang parang babae si Jordan at masaya ako dahil hindi siya mapaghusga na tao. At sa tagal na naming kasama si Darius sa pag jojogging ay ngayon lang siya nagtanong tungkol diyan.
"Do'n sa Sanchez Company," sagot ni Darius walang halong pagmamayabang.
"Janitor ka d'on?"
Sabay kaming napatawa ni Darius kaya nag iwas nalang ako ng tingin at hindi sila pinansin.
"Anak ng owner."
"Mayaman ka pala."
"'Yong parents ko lang," nakangiting sabi nito.
Tumingin ito sa 'kin saka kumindat na nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko. Pwede bang papahingahin niya naman ang puso kong tumibok ng mabilis?
Nang makauwi na kami ay tumambay silang dalawa sa bahay ko. Nakikinig lang ako sa usapan nila dahil pinili kong manahimik at 'wag nang sumali.
"Kailangan ko nang umalis, pupuntahan ko muna ang jowa ko. Nagseselos kasi, isusubo ko lang... I mean susuyuin." Napailing na lang ako sa sinabi niya.
Rinig ko ang tawa ni Darius sa tabi ko. Saka niya ako inakbayan na ikinaigtad ko.
"Kailan ko kaya ulit mararanasan ang subo na 'yan," pagpaparinig niya habang nakatingin sa 'kin.
"Magaling akong sumubo." Proud na sabi pa ni Jordan kaya sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya.
"Umalis ka na nga, may susuyuin ka pa diba?"
"Pero mas magaling yang si Lorrain." Pinalo ko ang braso ni Jordan para tumigil na.
"Alam ko," proud na sabi din ni Darius.
Napatigil ako at napatingin kay Darius, ramdam ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa mabilis na sagot niya kay Jordan.
Napatingin naman ako kay Jordan na tahimik lang sa gilid. Kita ko ang gulat sa mukha niya, mukhang hindi makapaniwala sa narinig na sagot mula kay Jordan.
Kung buhay ang lupang kinatatayuan ko gusto ko sanang magpalamon.
"Nag sex na kayo?" walang prenong tanong ni Jordan.
"Jordan! Umalis ka na nga!" Pagpapataboy ko sa kaniya.
Hindi ko talaga kaya ang pagiging walang preno ni Jordan.
"May gagawin kayo?" may nakaukit na ngiti sa labi nito. "Okay take your time. At ikaw naman babaita ka mag explain ka sa 'kin mamaya." Saka siya nawala sa paningin namin.
Sinamaan ko ng tingin si Darius na ngayon ay nakangisi pa rin. Hinampas ko ang braso niya na ikinatawa niya. Nakakahiya 'yong ginawa niya.
"Bakit ka ba nahihiya? Totoo naman ha!" nakangising sabi pa rin nito.
"Dati 'yon. Hindi ka dapat basta basta nagsasabi ng mga kung ano ano."
"Dati? Alam mo Lorrain, sa lahat ng parte ng buhay ko, ikaw na nando'n ang pinakamasaya at hindi ko makalimutan." Humarap siya sa 'kin. Inangat niya ang kamay niya at hinaplos ang pisnge ko.
"At ikaw ang lalaking sinaktan ako noon." Malakas kong tinampal ang kamay niya.
"Oo, aaminin ko. Sinaktan nga kita, nasaktan kita. Nasaktan kita sa part na hindi ako umuuwi, hindi kita ina-update. Pero Lorrain, cheating? Akala mo magagawa ko 'yan? Ang daming katanungan ang pumasok sa isipan ko no'ng araw na iniwan mo ako." Napaiwas ako ng tingin dahil sa sakit na nakikita ko sa mga mata niya. "Wala ka bang tiwala sa 'kin kaya isang salita lang ni Nica iniwan muna ako? Bakit bigla ka nalang nang-iiwan na hindi mo man lang nililinaw sa 'kin lahat? Bakit ang dali lang sa 'yong iwan ako? Bakit ang dali lang sa 'yong paniwalaan ang sinasabi ng ibang tao?" Nanatili akong tahimik sa dami ng tanong niya.
Napapikit ako at napabuga ng hangin. "Wala na tayo. Wala na akong dapat sagutin sa 'yo."
"Sa pagkaalala ko, hindi ka nakipaghiwalay sa 'kin. You just need time and space para makapag-isip-isip. Kaya hinayaan kita. Kahit ipagtabuyan mo ako palayo, ako pa rin 'to. Ako pa rin ang boyfriend mong iniwan mo roon sa pilipinas."
Gusto ko mang maniwala sa mga nakikita ko sa mga mata niya. Pero hindi mawala sa isipan ko ang nakita ko no'ng araw na 'yon. Ang mga sinabi ni Nica na tumagos sa puso ko.
"'Wag kang maniwala sa sinabi ni Nica. Hindi ko siya nabuntis, walang namamagitan sa 'min. We're over. Naging busy ako sa company kasi malaking halaga ang nanakaw at kailangan kong makabawi. Sorry kung wala akong sapat na oras sa 'yo. Pero no'ng tapos na lahat ng problema ko sa kompanya, uuwi na sana ako sa 'yo, uuwi na ako sa pahinga. Pero 'yong pahinga ko, iniwan ako." Kita ko ang pamumula ng mata niya. Hinaplos niya ang buhok ko at sinulay ito.
"Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang babaeng bubuntisin ko. Sa 'yo lang ako magkakaroon ng pamilya."
Napatigil ako sa sinabi niya at napaiwas ng tingin.
Bubuntisin?
Hindi ko napigilan ang pagdaloy ng luha sa pisnge ko. Bigla siyang nataranta ng makitang umiiyak ako. Hinaplos niya ang pisnge ko at pilit na humarap sa kaniya pero nagmatigas ako.
"Bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong masama? Ayaw mo ba?"
Tumikhim ako at tinuyo ang luha ko. "H-Hindi... hindi ako mabubuntis. H-Hindi kita mabibigyan ng anak," pag-amin ko sa kaniya.
Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Hindi makapaniwala sa pag-amin ko. Hinalikan niya ang pisnge ko. "I love you," bulong niya. Hinila niya ako at niyakap niya ako ng mahigpit. "Kasama lang kita, ayos na sa 'kin. P'wede naman tayong umampon. Basta please lang, 'wag muna akong iwan ulit. Mahal kita, kung ka, kung sino ka. At enough na sa 'kin kung anong kaya mong ibigay. Mahal kita... kahit na isa ka pa sa mga manunulat na kinamumuhian ko."
Napalayo ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. "I-I'm sorry... Hindi ko talaga balak na, n-na magsinungaling sa 'yo."
"Hush, wala na sa 'kin 'yon," malambing niyang sabi. "Ang galing mo. Proud na proud ako sa 'yo. Ang ganda ng mga nobelang gawa mo. Pero ang pinaka favorite novel ko roon ay ang Mr. Boy Next Door."
Natawa ako sa huling sinabi niya. "Kaya pala ang weird. Ginagaya mo pala ang mga scenes sa story ko," natawa si Darius sa sinabi ko.
"I'm Mr. Bitter, ako si DJSanchez," pagpakilala niya.
Nalaglag ang panga ko sa pag-amin niya. So means? Reader ko siya bago pa niya nalaman na ako ang writer na 'yon?
"Liligawan ulit kita, mahal ko."
°•°•°•°
SCRIPTINGYOURDESTINY
YOU ARE READING
Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||
RomanceTGW || ✓ || Golden Bullet Series Little Demons (Darius Jake Sanchez) Sabihan man siyang bakla ng mga kapatid niya at pagtawanan man siya ng kaibigan niya o asarin ngunit wala siyang pakialam. Gusto niya at mahilig siyang magbasa ng mga libro na ang...