8•°Manligaw?°•

108 12 0
                                    

TGW: CHAPTER 8

LORRAIN POV

Simula no'ng nagkasama at nagk'wentuhan kami ni Darius ay hindi ko na siya muling nakita pa. Palihim pa akong sumisilip sa bahay ni Daphne pero wala siya roon. Na-late kaya siya sa curfew time nila, nasa new york na kaya si Darius ngayon?

Kinuha ko ang laptop ko at nag simula ng magtipa ng may naisip akong bagong isusulat na kwento.

Title: Boy Next Door

Hindi ko man kapitbahay si Darius atleast nagkakilala kami dahil kay Daph.

Nakangiti ako habang nag titipa. Nag enjoy ako sa pagsusulat dahil gusto ko ang ediyang lumalabas sa isipan ko. Napahinto ako sa pagsusulat ng marinig ang ingay ng door bell.

Tiningnan ko kung anong oras na, alas tres na nang umaga. Sino namang bwesit ang mang iisturbo sa 'kin ng ganitong oras?

Sinave ko ang naisulat ko at sinara ang laptop bago lumabas at binuksan ang pinto. Napahinto ako, napakurap pa ng ilang beses nang makita ang lalaki na nasa harapan ko.

Halata ang pagod sa mukha niya pero nakangiti siya sa harapan ko. Nilakihan ko ang bukas ng pinto, pumasok naman siya sa loob at dumiretso sa sofa. Umupo siya at pumikit.

"Bakit dito ka dumiretso?" tanong ko sa kaniya ng makitang inaantok siya.

"Na miss kita," bulong niya.

"Ha?"

"Nevermind." Nagmulat siya ng mata at humiga sa sofa. Dahil matangkad siya ay hindi siya nagkasya roon. Nakabitay ang paa niya sa dulo habang ang braso ay nakatakip sa mga mata niya.

Hinubad ko ang suot niyang sapatos, at iniwan ko ang medyas, nagulat pa siya sa ginawa ko pero ngumiti ako para sabihing ayos lang. Inayos ko siya ng higa. Saka ako umupo ulit sa sahig na may carpet para abot ko ang maliit na glass table.

Binuksan ko ulit ang laptop ko at nagsimula nang magtipa. Ngunit hindi ko talaga maiwasang 'wag tumingin sa kaniya. Gumalaw siya ng k'unti. Naalis ang braso niyang nakatakip sa mata niya. Tumayo ako at nilapitan siya.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ang gwapo niyang mukha habang natutulog. Napangiti ako ng makita kong sobrang gandang kuha.

Nagdali dali akong bumalik sa pagkaupo sa sahig ng naramdaman kong gumalaw siya. Mahina akong natawa sa sarili. Hindi ko aakalain na magagawa ko ang mga bagay na kahit kailan hindi ko naisipang gawin.

Binalik ko nalang ang atensyon ko ngayon sa sinusulat ko.

Lalo na ito. Alam kong magugulat ang readers ko dahil kahit kailan hindi ako gagawa ng story na may happily ever after. Ngunit ang k'wento na ito ay gagawan ko ng happy ending. Para may maniwala kung ano ang tunay na pagmamahal at 'wag silang matakot na sumubok magmahal.

Habang nagsusulat ako ay kada minuto akong napapatingin sa natutulog na si Darius.

Napalapit na rin siya sa loob ko kahit na sa isang araw lang kami nagkasama. Kahit kailan wala pang isang lalaki ang pinayagan kong palapitin mas'yado sa puso ko. Siya lang. Kinaumagahan nang magising ako ay sinabihan niya akong late good morning na raw iyon dahil hapon na.

Pinabihis niya ako dahil lalabas kami. Nang matapos ako ay lumabas ako sa k'warto. Naabutan ko siyang nakaupo sa may sofa habang nakangiti sa kawalan.

"Mukha kang baliw d'yan," panira ko sa imahinasyon niya.

"Baliw sa 'yo." Tumayo siya at pinulupot ang braso niya sa bewang ko at iginiya ako palabas ng bahay.

Pinagbuksan niya pa ang pinto ng kotse akong napangiti. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero dahil may tiwala naman ako sa kaniya ay nagpaubaya na lang ako.

Golden Bullet: That Gorgeous Writer || COMPLETED ||Where stories live. Discover now