Epilogue

288 10 0
                                    

I have never intended to leave Chef Park at all. Aba, sa pagkahaba-haba nang lakbayin ng puso ko para mahalin din nya ako, bibitawan ko pa ba siya? Kaya nga kahit hindi pa ako noon handa dahil biglaang may kasal na "kaganapan" nakapagsalita agad ako nang pangako para kay Chef Park.

Ang sabi ko noon sa kanya, kahit na anong mangyari, I will never give up on our love at kami hanggang sa dulo at kung darating ang araw na kailangan niya akong ipagtabuyan sa kung anong dahilan, magpasensya sya dahil di ko siya bibitawan. Nagtawanan pa noon ang mga taong nakapakinig sa mga sinabi ko. Even Chef Park was not able to control his laughters. Formal kasi sana ang kasal namin pero ayun, ginawa ko na namang chill lang, just like the old me when I was still a lot younger.

Mabilis na lumipas ang mga araw. We had our honeymoon in Korea at napakarami naming pictures sa iba't ibang famous location shots ng mga korean dramas na nauso sa Pinas. Mayroon pa nga kaming picture sa bahay kung saan nag shooting ang Fullhouse crew although yung plano namin noon na magbukas ng isang branch sa Korea ng Chef Park's kitchen ay di namin nagawa dahil sa pandemic. Mas kinailangan naming mag-ingat na muna at mag-isip ng ibang paraan para kumita. Mabuti na nga lamang may mga delivery apps na nagamit namin para matulungan kami sa negosyo namin. Mas pinili na rin namin ni Chef na di na rin muna magkaroon ng baby and just to spend our times together, knowing more each other, enjoying each other's company, growig as a a couple and pursuing God together. Until na naging mas maluwag na nga ang mga protocols at nagkaroon kami ng pagkakataon ni Chef Park na magkaroon ng pangalawang honeymoon. Ang sabi kasi namin, since nagiging maluwag na nga ang mga bagay-bagay, bakit hindi na namin subukang magkaroon ng panganay.

We had a week together sa Siargao at doon namin kinalimutan pansamantala ang lahat ng mga trabaho at mga commitments namin. Napakasaya ko noon. Ang dream naman syempre kasi sa palagay ko ng bawat isang babaeng piniling magpakasal ay magkaroon ng anak sa asawang minamahal. Bawat gawi na magkasama kami ay walang nasasayang. Damang dama ko ang pagiging prinsesa ko kay Chef Park sa bawat haplos ng mga kamay niya, sa bawat halik ng kanyang mga labi, sa bawat bulong ng pagmamahal na sinaasabi nya sa tuwing may nangyayari sa amin.

Sa pag-uwi namin sa Maynila, agad kaming nag pacheck up sa aking oby kahit na wala naman akong nararamdaman pa. Gusto lang naming makasiguro. At dahil nga gustung gusto na naming magkaanak ni Chef Park at di na rin kami bumabata pa, kahit na busy kami ay nag hahanap kami ng pagkakataon na magkasama at piliting makabuo. Minsan nga naiisip ko, what if mag adopt na lang din kami di ba? Total naman marami na ring mga couples ang nag a-adopt at kahit pati mga ilang Hollywood at local celebrities. Yun nga lang, mas malakas pa rin sa puso ko na magkaroon ng mga little Chef Park na mag mamana ng kanyang mga mata at ngiting ubod ng ganda.

Isang umaga, nagising akong namimilipit sa sakit ng tiyan ko. Ang akala ko noong una, ay di lang ako mapadumi o kaya ay dahil sa period ko pero hindi naman pala. Isinawalang bahala ko lang iyon at di masyadong binigyan ng pansin. Minsan nahihilo din ako at may mga pagkakataong sa tuwing may mangyayari sa amin ni Chef, nasasaktan ako. Feeling ko bloated ako at medyo madaling mapagod. Kaya nga I decided to enroll myself sa isang online course to exercise dahil pakiramdam ko nakukulangan na ko sa physical activities. Hindi rin kasi ako masyado nag lalabas dahil nga sabi ni Chef Park, mas okay na ring nasa bahay ako lalo at di pa talagang normal dahil sa Pandemic.

****Dahil sa irregularity ng period ko, I decided na its about time to consult my doctor. Hindi ko na muna sinabi kay Chef Park dahil ayoko na syang mag-alala pa. Isa pa, for sure, wala rin lang naman ito at malamang dahil lamang to sa physical changes ng katawan ko dahil sa medyo paglaki ko at medyo tumatanda na rin ako.

****Psalm Chapter 4 is an Evening Prayer for Help. I tried to cry silently while trying to cover the pain, anxiety and fear I am experiencing. I put down my Bible and continued crying. Hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako sa loob ng CR ng kwarto namin ni Chef Park.

"Babe, what happened? Anong problema? I woke up and found you here." Confused na tanong sa akin ni Chef Park. Tiningnan ko sya sa mata at hinawakan ang kanyang mukha. Hinalikan ko sya sa labi at mas lalo kong hindi napigilang humagulgol sa iyak.

"Babe, don't do this. What is bothering you? Is there something wrong with your family? We can go there. We can help them out. Ano ba yun? May gusto ka bang bilihin? Are you craving for something? or do you have hormonal imbalances dahil.. dahil buntis ka?"

Mas lalo akong napahagulgol sa sinabi ni Chef Park.

"Babe, I have... I have Ovarian Cancer."

****Magkahawak kamay naming sinalubong ang bagong taon sa isang private hospital dahil katatapos lang din ng aking treatment. Hinalikan ako ni Chef Park sa aking noo at inayos ang wig na suot ko. Mas pinili kasi naming ishave totally ang buhok ko ang mag wig na lamang para mas nakakapamili pa ako ng kulay na gusto ko. At least kahit sa ganitong paraan, fasionable pa rin ako.

"Babe, thank you. Thank you for staying with me. Pasensya na, marami sa mga important occasions sa buhay natin, nasa ospital tayo." Biro ko kay Chef Park na sya namang ikinatawa nya.

"Babe, kahit nasaan pa tayo, what's important is we are together."

"Yeah but with my condition, we are very uncertain about that Babe."

"Well, that may be true but life itself is uncertain Chai. Even this pandemic right? We did'nt know this will happen. Babe, what's important is we are in this together. and we got the Lord to help us."

Pansamantalang katahimikan ang namagitan sa amin ni Chef Park hanggang sa kapwa namin naramdamang pumapatak na naman ang mga luha namin. While it is true that we have accepted na may magandang plano ang Diyos kung bakit nangyayari ang mga bagay na minsan ay di natin malaman ang dahilan, masakit pa ring tanggaping darating ang araw na iiwan mo ang taong mahal mo.

"Chef Park, next week, after the New Year celebration, let's start the processing of adoption na. I wont be able to give you my own blood but we can create meaningful memories with a child we can call our own."

"Yes babe, we will do that. We will make every day count and no matter what, we will claim victory in Jesus name. Tandaan mo, from being your boss to your sweet lover nagawa mo, napaglaban mo."

Binatukan ko si Chef Park dahil muli nitong pinaalala ang mga kalokohan ko noong empleyado pa lang niya ako at loka loka pa. But he is right. Back then , I am already in love with him, my Chef Park at nagawa ko nga ang lahat. Ito pa ba ang di ko malalagpasan? Lalo at kasama ko na si Chef Park, bilang asawa ko at may lakas pa kong galing kay Lord?

Pinagsaluhan namin ni Chef Park ang isa pang matamis na halik bago kami kapwa natulog matapos ang aming pananalangin na ang darating na taon ay magigiging maganda para sa amin, sa aking kalusugan at sa batang magiging bahagi ng aming pamilya.

**** The End ****

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon