6: There's just something about Your name

1.8K 48 7
                                    

          

Kapag sinipag ako, gagawa pa ko ng update. hahaha. Comment moreeee. hihihi.


*********

Di ko maintindihan kung ano ang nangyayari pagbaba ko sa conference area. The attendees are lifting their hands, some dancing slowly while singing a song which I have not really heard of.

I checked my wrist watch. Alas otso na ng umaga. I know we are supposed to start at 7:30AM pero di ako nagising ng maaga. Na low bat din ang phone ko kaya di ko man lang natext si Chef. Mabuti na lang he left a note on my door that says I will just have to go straight to the conference area.

Wala namang nakakakilig sa note niya pero ewan ko ba, tumalon ang puso ko sa smiley face sa dulo ng note ni Chef na kung tutuusin eh lagi naman niyang ginagawa sa aming mga employees niya. Ang pinagkaiba lang ngayon sa note niya ay after the smiley face, may nakalagay na:

PS: I enjoyed last night.

Di ko talaga napigilang mapangiti. As if kung ano namang ginawa namin. Nakakahiya tuloy sa mga katabi kong kwarto na baka nakabasa ng note niya. When all we did last night was just talk about life. Random things. Yung mga struggles and dreams namin na we never really talked about.

Nakakaloka lang talaga. More than the romantic feeling I have for Chef, mas umibabaw yung pakiramdam na he is there to listen to me. Siya yung broken hearted pero siya yung nakinig sa akin. Di ko lang maalis sa isip ko kung narinig ba niya ang mga pinagsisigaw ko habang nasa beach ako and was cursing his name. Aaarggg.

I looked around and checked on Chef.  Noong una ay di ko siya makita hanggang sa dumako ang mata ko sa isang lalaking nakaluhod at nakataas ang parehong kamay. Umiiyak si Chef at nakapikit ang mata.

Doon ko lang narealize na tagos hanggang buto ang lyrics ng kantang tinutugtog sa conference hall.

Thereʼs just something about the name of Jesus
Thereʼs just something about the name of Jesus

Jesus name above all names
Healer the one who takes all pain
Saviour risen from the grave
Your name is Jesus, Lord over all

Papalapit na sana ako kay Chef pero pinigilan ako ng boses ni Daniel Choi. Hanep din tong lalaking to no? Ang tindi ring makabasag ng diskarte.

"Oh? Ikaw? Kung i-bla-black mail mo ko dahil sa narinig mo kagabi eh..."

Di ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil tinakpan ni Daniel ang bibig ko at hinila ako palabas ng conference hall.

"Ano ba? Bakit mo ko hinila?"

"Para mag kausap tayo."

"Sira ka ba? I am supposed to attend that session Daniel. Andun si Chef Park. Kasama niya ko."

"Pero ang puso naman niya, di mo kasama." Mapang-asar na bara sa akin ni Daniel. Kung di lang talaga nakakahiya sa mga taong pwedeng makakita sa amin, baka nabatukan ko na to eh. Duguan na nga puso ko, dudurugin pa.

"Wala ka namang alam Daniel. What you heard last night was just part of the story. Hindi kumpleto yun. Di mo alam ang nararamdaman ko. Kaya thank you na lang sa concern. Ang hirap kasi sa tao, may conclusion agad when you have not gathered enough facts!" Pigil ang inis ko. Tinulak ko siya palayo sa akin at di na niya ko hinabol pa.

Instead of getting inside the conference room, I decided to go back to my room and fix my things.Kakamadali ko kanina di ko naayos ng mabuti.

Ewan ko. Di ko alam. Siguro di pa handa talaga ang puso kong makita ko si Chef na umiiyak na naman dahil sa babaeng dumurog ng puso niya. And this girl, naku, di ko namang magawang magalit dahil napakabuting tao. There is nothing to be angry about Ms. Lucy. Noon pa man, ang klaro ng wala siyang nararamdaman kay Chef pero masyado lang assuming tong boss ko eh.

I got inside my room and started humming a song. Yung kantang kaninang napakinggan ko na di ko naman alam. Eto ang hirap sa akin eh... Lagi akong na la-last song syndrome kahit unang beses ko palang narinig ang kanta, nag reregister na agad sa isip ko.

Thereʼs just something about the name of Jesus
Thereʼs just something about the name of Jesus


Yeah. Jesus.

Napaisip ako.

Matagal tagal na rin mula noong huling nakipag-usap ako sa Kanya.

Ano nga bang meron sa pangalang Jesus?

Will He, by any chance, help me this time if I ask Him to make Chef see me as a different person? Patawa. Does Jesus even care about my love life when He just let me down with my career and my family?

*****

Nagising ako sa malakas na katok sa pinto ng kwarto ko at natulala nang makita si Chef Park na naka swimming attire na. He looked at me from head to foot bago umiling-iling. Ano na naman ba ang nagawa ako? Ay takte. Focus. Di ako makafocus sa muscles ni Chef. Hahaha. May pangtaas naman siyang suot pat nakashorts din pero...

"Chai, good thing it is just me. What if Daniel Choi sees you with that attire?" Tiningnan ko naman ang itsura ko at saka ko lang narealize na nagpalit pala ako ng pantulog. Yung medyo manipis dahil naiinitan ako at sira ang aircon ng kwarto. Di ko naman nasabi sa reception kanina.

"Chef, it doesn't matter. There's nothing to see in me." Nangingiti kong sabi. Totoo naman talaga. Medyo flat kasi yung chest ko di gaya ng ibang mga super models. Takte.

"Okay. Pero magbihis ka na. We are to start our second activity. You missed the one earlier. Sana andun ka."  Nakangiti si Chef at napalunok ako when he placed his hand on my forehead. Ay. Puso. Kalma!

"I tried to wake you up earlier pero out of coverage area ang phone mo. I went here and kept knocking pero tulog na tulog ka yata. Kaya nauna na ko sa first activity. Napakaganda ng nangyari kanina. Ikwekwento ko sa yo kapag nagbihis ka na. There is something in the name of Jesus."

There is something in the name of Jesus. Ano nga ba? Tungkol saan ba yung first activity today?

"Don't worry. We have all the time today Chai. Ikwekwento ko sa yo ang nangyari sa akin kanina. Magbihis ka na." Dagdag pa ni Chef na excited na excited. Ano nga bang nangyari after niyang umiyak nang umiyak? Did Ms. Lucy call and checked on him? Pero pwede ba yun? Eh masaya na si Ms. Lucy kay Sir William.

"Geh. Mag-aayos na ko Chef. Sorry ha. Flat chested eh." I joked around. Di ko na alam ang sasabihin ko eh. Atat na atat na magbihis ako. Ako na. Ako na ang pangit ang body figure.

"Chai, I don't mean like that. Pero eto pala, di ko nabigay sa yo kagabi. Dont forget to apply sun block. Swimming relay ang first challenge natin." Nakangiti si Chef bago tumalikod at nagsabing hihintayin niya ko sa may bench sa baba.

DI ako nakagpasalita. I forgot. I totally forgot to tell Chef that I can't swim!  Bata pa lang ako ay bawal na kong maligo dahil sa ear infection na nagkaroon ako nun dahil sa sipon. Halos isang taon din akong nag medication at binawalan ngang magswimming. Mula noon di ko pa natry ulit. Ang sabi kasi bawal akong magswimming. Ayoko ng sumakit pa tenga ko no. Ang sakit kaya noon. Lalo at sabi eh nabutas daw yung eardrum ko. Aissst.

Bakit di ko ba nasabi nung bumibili kami ng mga damit sa department store kahapon?

Shocks! Mukhang excited pa naman si Chef. Paano na? Paano kami mananalo?  First challenge palang, failed na ko! Di lang sa board exam ako failed, pati talaga sa swimming eh no?

�.Cs���Ec

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon