17: How Do I start?

978 23 14
                                    

It took me a lot of courage to finally break the silence between mama and I. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naiyak ko na yata ang lahat ng luhang meron ako kasabay ng napakaraming tanong na tumatakbo sa utak ko. Napakahirap sa aking i-confront si mama at tanungin siya sa sinabi ni ate kanina na ako at si mama ang may kasalanan kung bakit inatake sa puso si papa.  Si Chef Park ay nakikiramdam lang din ng maaring susunod na mangyari. Tahimik lang at paminsan minsan ay tinitingnan ang cellphone niya para siguro malaman ang lagay ng resto.

Wala pa ring malay ang papa at alam kong pilit na inilalaban ang kanyang buhay.

"Ahmmm I'll grab some snacks for us kung okay lang? Anything you want?" Chef Park broke the silence. Tumayo siya at tinapik ang balikat ko. He looked at my mama and bowed his head bago kami iniwang dalawa.  Gusto ko sanang sumama kay Chef pero pinigilan ko ang sarili ko. I know I have to talk to my mama and be ready to know the truth na maaring kaya inatake si papa dahil... dahil maaring anak ako ni mama sa ibang lalaki... bunga ako ng isang pagkakamali at isang kahapong pilit na ibinaon at kinalimutan pero walang lihim na di nabubunyag kaya't lumabas ang katotohanan at naging dahilan ng nangyari sa papa. How could I confront mama? Paano ko susumbatan ang sarili kong ina?

I have to speak up and just be ready. Maraming beses na kong naduwag pero sa pagkakataong ito, kahit na masakit haharapin ko.

"Mama,  Handa akong pakinggan ka. Hindi kita huhusgahan." Dama ko ang luhang pilit na gustong maghabulan sa mga mata ni mama. Tiningnan niya ang papa at hinawakan ang kamay nito.

"Hindi niya ako pinaniwalaan. Aaminin ko, naging napakalungkot ko noong mga panahong busy siya sa negosyo pero kahit kailan di ko siya naisipang lokohin." Hinaplos ni mama ang noo ng papa ko bago hinayaang tuluyang dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Akala ko buo ang tiwala sa akin ng papa mo pero kahapon nakita niya si Rodrigo na kausap ako, ang kababata naming matagal na pala niyang pinagseselosan and all the while, all his life, pinaniwalaan niyang anak kita kay Rodrigo."

"Mama."

"Hindi ko pwedeng lokohin ang papa mo kahit na... kahit na ipinakasal lang ako ng lolo mo sa kanya dahil sa utang na loob sa pamilya nila anak. Alam kong sagrado ang kasal..."

"Mama, tahan na. Tahan na mama."

"Si Rodrigo, siya ang unang lalaking minahal ko pero kinalimutan ko na yun anak. Kinalimutan ko na."

"Mama, kapag nagising si papa tutulungan kitang ipaliwanag kay papa. Pwede tayong mag pa DNA test para mapatunayan ang lahat."

"Sana... Sana ako na lang anak. Sana ako na lang ang inatake. Galit sa akin ang mga kapatid mo... All of them.. all of them believe na kasalanan ko." Mas lalong humagulgol ang mama. Dama ko ang bawat pait at sakit. Bakit nga ba tayo naiipit minsan sa mga sitwasyong di naman natin gusto?

Hindi ko alam kung paanong mapapagaan ang kalooban ni mama dahil kahit na ako ay bigat na bigat na rin. Niyakap ko ng mahigpit si mama bago, bago nagdasal.

Bago sa akin ang ganitong bagay, ang magdasal kapag may ganitong clueless na at parang wala ng patutunguhan ang lahat pero nagawa ko. At nang matapos akong magdasal at narinig si mamang magsabi ng amen, para bang nabunot ang tinik na nakasaksak sa puso ko. Sunod naming pinagdasal si papa at ang mga kapatid ko. 

****

"Sorry I took a while. Walang malapit na convenient store. Di ko rin gusto yung nasa cafeteria ng ospital." Inabot sakin ni Chef ang ready to eat na pasta at pineapple juice bago umupo sa tabi ko. Nakatulog na rin si mama sa tabi ng papa ko samantalang di na bumalik pa si ate. Marahil para magkaroon na rin kami ng oras ni mama makapag-usap.

"I was planning on buying coffee pero naisip ko baka naman di makabuti sayo kaya pineapple juice na lang ha," Chef Park smiled and started sipping his juice. Nakatingin kami kapwa sa isa't isa. Di ko magawang makapagpasalamat kasi ewan ko ba parang hanggang ngayon di pa rin mag settle down sa isip ko yung sinabi niya kanina kay ate. Ayoko namang tanuning kung kunwari lang yung sinabi niyang mahal niya ko para protektahan ako kay ate. Isa pa, now is not the time to think about my feelings for Chef. Kailangang magising muna si papa para maipaliwanag lahat namin ni mama ang mga bagay bagay.

"Chai, I know Im good looking but don't just stare. Kausapin mo naman ako oh." Kinuha ni Chef ang pineapple juice ko at siya na ang nagbukas nito.

"Uminom ka nito para gumaan pakiramdam mo. Its cold and sweet."

"Chef Park, kaya ko na dito. Pwede ka ng bumalik sa Manila." I sipped on  the juice and started eating. "Kaya ko na to Chef. Walang problemang di ko nalulusutan."

"Chai, I talked to Jaja earlier over the phone and she can handle everything. Kailangan mo ko dito."

"Chef."

"And delikado akong magbiyahe. Medyo malayo sa Manila ang lugar niyo Chai. Baka makidnap ako." Natatawang sabi ni Chef. Di ko na rin napigilang sumakay sa joke niya at napangiti na rin. "Chef, ang akala ko mga bata lang ang kinikidnap. Kung ikaw, dapat Adultnap yun," pagsakay ko sa joke ni Chef.

"Chai, its not adultnap, kasi di pa ko inaantok. Gising na gising pa ko."

"Ay naku, corny mo Chef. Ewan ko sayo. Bahala ka kung ayaw mo pang umuwi. Ikaw muna mag bantay dito pwede? Hahanapin ko si ate. I need to talk to her."

"Anything for you Chai. Nga pala, kanina sa resto, what I was trying to say was," di ko na hinayaan pang matapos si Chef dahil ayokong marinig ang bagay na gusto kong marinig. Parang sira lang ako no? Eh kasi di to ang tamang panahon para sa lovelife. Lalo na ngayon what if awa lang pala ang nararamdaman niya sa kin di ba? Tapos one day, magigising na lang siya wala na pala yung awa na yun.

"Chef next time mo na sabihin yung gusto mong sabihin. Marami pa namang araw na pwede tayong mag-usap eh."

"Ah alright.Sige. Kung sa bagay, kahit di ko naman marinig sayo alam kong pareho tayo ng nararamdaman. Basta tandaan mo Chai, you have me."

"Thanks Chef. Please pray for me and my siblings. Ito muna ang haharapin ko at kapag maayos na ang lahat, ako na mismo ang... ako na mismo ang aamin sayo."

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon