22: Pinky Swear

835 22 5
                                    

Hindi ko mapigilang mailang habang nakatingin sa akin si Jayven at
umiinom din ng isang tasang kape. I should be enjoying this cup of
coffee and indulging myself with its invigorating aroma but here I am
trying to put things together.
It is only now that I was able to convince myself that the guy in
front of me is no other than the same boy who helped me some years ago
from an accident.

Pasaway na kasi ako noong bata palang ako at minsang sinama ako noon
ni mama sa palengke at nakakita ako ng cute na cute na kuting,
sinundan ko iyon at hinabol hanggang sa di ko namalayang nakalabas na
pala akong palenge at muntik nang masagasaan. Good thing there was
this boy who pulled my hand and saved me from the supposed to be
accident.

That boy is Jayven. Pitong taong gulang ako noon, siya naman ay siyam.
Naging magkaibigan kami at madalas magkasama sa lahat ng pagkakataon
and months before their family decided to leave our province, we made
a promise that if we bumped into each other’s lives again and that we
are both single, then it could be a sign that we are God’s perfect
pair. Ewan ko ba. Ang bata bata ko pa noon pero may mga ganung level
ng promises. Like sino ba naman kasing mag-aakala na mangyayari yun di
ba?
And yes, technically I am single, single in a way that there’s no
formal commitment between Chef Park and I pero naman, I have committed
my heart to him na and here I am in front of another guy I have made a
promised.

Chai ano ba? Ano na?

“Di pa rin talaga ako makapaniwala.  Kaya pala iba yung naramdaman ko
kanina. It felt like I’ve known you way back.” Nakangiti si Jayven
sabay inom ng kape. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Hindi pa
rin makapaniwala sa mga nangyari.

“I’m so stupid not to notice your eyebrows.” Jayven took a bite of his
doughnut, got his phone and took a picture of myself.

“Wait. Para saan yang picture na yan? Saka anong meron sa eyebrows ko.
Grabe ka sa kin ha.” Humigop na rin ako sa mainit kong kape.
Pinagmasdan ang paligid upang makahanap ng dahilan para iwan na si
Jayven mag-isa.  Hindi ko alam pero natatakot akong baka bigla niya
kong tanungin kung single pa ako at kapag single din siya, he might
pushed the idea.

Kaloka! Oo. Ako na. Ako na ang advanced mag-isip.

“Natutuwa lang ako at nagkita tayong muli. It’s been a long time.”
May dinukot sa wallet niya si Jayven at naglabas ng isang maliit na
picture ng magandang babae.  Lamang ng mga tatlong paligo from me pero
syempre di pakakabog ang kagandahan ko.

“She’s my ex. My ex who left me at the altar on our wedding day.”
Malungkot ang boses ni Jayven. Damang dama ko ang bawat kirot sa bawat
salitang sinabi niya. It seemed like the wound is just so fresh.

“A month later, My family got problems with our properties, our
caretaker manipulated us and I lost my job. Everything was falling
into pieces… and then… and then I bumped into you.”

Naramdaman ko na lang ang kamay ni Jayven na hawak na ang kamay ko. He
is teary-eyed but he is smiling. Ayokong mag assume pero …

“Thank you Chai! Lumaki kang matapang. Kung di mo ginawa kanina yung
ginawa mo, siguro hindi pa tayo magkikita.”

Dahan dahan kong inalis ang kamay ni Jayven sa kamay ko. Kumuha ng
tissue at pinusan ang labi ko. Parang naumid kasi ang dila ko at di ko
alam kung anong isasagot sa mga sinasabi niya ngayon.

“Every single day of waiting is worth the wait. Kaya siguro nangyari
yung mga yun dahil may mas mgandang bagay na mangyayari sa akin.”

“Huh?”

“Kumain ka lang ng kumain. Gusto kong makita ulit ang mga kapatid mo
pati na rin sina tito at tita.” May excitement sa tono ng boses ni
Jayven. Pinilit ko ring maging excited at hindi ipahalatang awkward sa
akin ang lahat. I mean, he has been through a lot. From break up to
career lost, saan ko ba ilalagay ang sarili ko?

“Your phone is vibrating. Sagutin mo muna. ”

My heart skipped when I saw who is calling. Si Chef Park! Patay na.
Tinawagan ko nga pala siya kanina at nag confess ng di inaasahan.
Tapos ngayon, heto ako kaharap ang lalaking pinangakuan ko noong bata
pa ako.

“Chef Park.”

“Chai. Sorry kanina.  You were saying something but I didn’t get to
listen to it. May irate client kanina. I didn’t know you cancelled the
call.”

Putspa! So ibig sabihin, di niya narinig yung pag I love you ko sa
kanya?  Hala paano na yun? Is it a sign that.. Haay. Never mind.

“Chef Park, ano kasi, ahmmm… may ano…”

“Ano?” Natawa si Chef Park sa kabilang linya at narinig ko pa ang
asaran nila ni Jaja at mukhang miss na miss na rin ako ng kaibigan ko.

“Chef ano kasi, kanina I called kasi ano…”

“Ano nga?”

Nagtama ang mga mata namin ni Jayven at nakita ko ang batang Jayven
noon at ang batang Chai na nag pinky swear at nangako sa isa’t isa.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa puso ko. Baka dala to ng
kakapanood ko ng mga teleserye sa phone ko at di ko na rin alam kung
ano bang nararamdaman ko.

“Chef Park, I’m… I’m…”

“Chai, I’ll call back. May client lang ulit na iritable.  I just pray
to God that your dad will be healed so you can come back soon. Miss ka
na yata ng mga client natin. ”

“Chef Park…”

“At miss na miss na kita. I better keep going. Ingat ka Chai.”

I was meaning on saying ingat ka rin Chef, miss rin kita Chef, mahal
na mahal kita Chef pero nawalan ako ng lakas sa harap ni Jayven.
Ayokong saktan pa siya lalo.  Am I doing anything good sa pabago
bagong takbo ng isip ko? Ma at Pa pero ito ang tamang gawin.

“Yup. I’ll see you guys soon.” Binaba ko ang cellphone at patuloy na
kumain ng doughnut. Si Jayven nakatingin lang sa akin at nakangiti.
Tahimik lang kami. Nagpapakiramdaman ng mga susunod na mangyayari.
I looked around the Coffee Chop and noticed one frame na may quotation:

Marami kang iniisip
Marami kang gustong gawin
Di mo malaman kung saan magsisimula
Naguguluhan sa susunod na gagawin
Rest.

“Jayven, siguro umuwi na muna tayo. Medyo inaantok na rin ako. Ikaw
din, you need to rest. So mauna na muna ako. Salamat sa kape.”

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon