29: Till Death do us part

776 12 8
                                    

Greenery and White ang napili naming theme ni Chef Park. Green kasi it's a new beginning for us. We bloom in God's love as a couple and White kasi ang pag-ibig namin sa isa't isa ay pure. It was really unforgettable kung paano namin napagkasunduan ang theme ng kasal. Noong una ayaw ko pang pumayag kasi parang hindi naman usual na green yung motif at ang sabi ng iba di daw bagay sakin ang green color pero when Chef explained why green, ako na mismo ang nag research kung ano bang magandang mga color combination. He brought me sa isang farm ng kaibigan niya sa Tagaytay. Mula sa seedling hanggang sa naging mayayabong na mga halaman na. Ang sabi niya, parang love daw namin yun sa isa't isa. Araw araw naming dinidiligan ng oras, panalangin at mga good memories. That's why green is just the best color motif.

Si Ms. Lucy na dati kong pinag seselosan ang siya pa palang magiging photographer namin sa aming pre-nup photos. Farming ang naging theme namin so kinailagan talaga naming magsuot ng ordinaryong mga damit, puting tshirt at malamig na pambaba. Nakayapak kami pareho at may sombrero pa at kahit na pawisan na, di ko pa ring mapigilang humanga sa kagwapuhan ng mahal ko. Ay grabe lang ang kilig kapag tinitingnan niya ang mga mata ko. At sa bawat pagsulyap ko kay Chef Park, mas lalo akong nagpapasalamat sa Diyos na natuto akong magtiwala sa Kanya at hayaang Siya ang kumilos sa buhay namin ni Chef. Di man naging smooth sailing ang journey namin to our forever, alam kong our great Father will guide us through.

Hindi kami nahirapang mag organize ng aming wedding dahil ang team nila Sir William at Aaron na ang siyang nag arrange ng lahat. Ang Chef Park's Kitchen naman ang siyang caterer namin. Syempre love your own di ba? Tuwang tuwa si Jaja na siyang naging punong abala sa lahat ng preparation. Kumpleto ang menu namin for the reception, it's a fusion of Korean, Filipno and European dishes. Si Pastor David naman ang siyang nag facilitate ng aming mga seminars to attend to. Even si Ms. Maggie helped me prepare emotionally and spiritually. Ang sabi nga niya, madaling magsabi ng I Do lalo kung mahal na mahal mo ang tao, pero it takes commitment and a lot of trust in the Lord to keep the marriage happy and lasting.

Sa bawat araw na inaayos namin ni Chef Park ang aming kasal ay mas lalo akong napapamahal sa kanya. Ewan ko ba, pero parang napaka perfect na kasi niya para sa akin. Lagi niyang inuuna kung anong magpapasaya sa akin. He would take time off his busy schedule para samahan akong magsukat ng gown, icheck ang mga give-aways, at magbigay ng invitations sa mga kaibigan naming, personally. Minsan, we would take MRT para mas mabilis, iiwan lang namin yung car niya sa mall parking, then sasakay na kami ng MRT. There was even a time na naka motor lang kami nang dumalaw sa isa naming kaibigan sa Bulacan, para raw nga mabilis at di kami matraffic. Amazing nga kasi nagagawa niya ang lahat while managing the expansion of Chef Park's Kitchen and the church ministry he just started with the kids sa church nina Pastor David. Who would have thought na ang pagluluto ay pwede rin palang maging ministry?

Tuwing Sabado, merong mini cooking workshop si Chef Park sa church at tinuturuan niya ang mga bata kung paano magluto. Before sila magsimula ay magdarasal muna sila at mag-re-reflect sa mga Bible verses at amazing kasi na-re-relate niya yun sa recipe na gagawin nila for that particular session. Halimbawa na lang, yung Bible verse na "I can do all things through Christ who strengthens me". Yung recipe nila is about alternative ingredients sa pagluluto ng Chopsuey. Kung wala raw egg, pwede naman din daw ang tofu bilang meat. Dapat sa bawat gagawin natin sa buhay, meron tayong alternative kung sakali. Di sa lahat ng pagkakataon eh yung mga plans natin ang nangyayari, magandang magtiwala sa plano ni Lord. Never ever give up, kasi nga we can do all things dahil kalakasan natin ang Diyos. Tuwang tuwa ang mga bata sa session nila ni Chef Park pati na rin ang mga parents kasi mas nagging mabubuting bata raw ang kanilang mga anak at bukod doon marunong na rin silang magprepare ng mga simpleng pagkain.

Chef Park also started his own Youtube Channel na same purpose din, to share his recipes and at the same time minister to people. May mg Bible reflections din sa bawat recipe that he would share. Actually bonding time na rin namin yun dahil ako ang nagsisilbing video editor nya. We would also do our brainstorming of how to produce the video habang naka video call, minsan chat, minsan over a cup of coffee or while driving. Napakasaya lang talaga, yun nga lang, di ko pa rin maalis sa isip ko na sana, mas maganda kung kasama ko ang papa ko na siyang maghahatid sa akin sa altar.

Dahil medyo naiinip na ako sa signal ng staff nina William at Aaron, ako na mismo ang bumaba ng kotse. Di ko na rin kasi mahintay at excited na kong makita si Chef Park sa dulo ng altar na naghihintay sa akin. Yung elder sa church namin ang siyang sasama sa akin na maglakad.

I stepped down from the car and felt the warmth of the sun embracing me. Isang patunay kung gaanong kainit ang pagmamahal ni Lord sa amin. I saw everyone smiling and feeling excited, including Dr. Angel, ang Psychologist na tumulong sa akin. Yun nga lang, kahit mukhang excited sila, there's this ambiance sa mga mukha nila na parang hindi ko ma-explain, para bang may problemang di nila masabi-sabi sa akin.

Claire, one of the staff of William and Aaron approached me. May gusto sana siyang sabihin pero pinigilan siya ni Jaja. Sa halip, pinapasok ulit ako ni Jaja sa loob ng kotse and handed me a bottled water.

"Teka lang Jaja ha. Ano bang nangyayari? Bakit parang may something off sa inyo?" Nakangiti kong tanong sa kaibigan ko. Inayos ko ng konti yung buhok ko bago ko napansin ang wristwatch ko. The wedding ceremony is supposed to start at 9 in the morning pero 10 na pala. Hindi ko namalayan dahil sa sobrang excitement at pag look back ko sa mga magagandang nangyari sa amin ni Chef.

Pero nasaan na nga ba ang mapapangasawa ko? Imposible naman na na fickle hearted siya dahil earlier this morning nag video call pa kami at nagdasal together. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May nangyari bang masama sa pinakamamahal ko?

"What happened to Chef Park? May problema ba Jaja? Tell me." Controlled ang emotion ko. Ayokong mag panic pero di ko maiwasan.

"Chai, relax ka lang ha. Wag kang magpapanic."

"Sabihin mo na Ja. Ano bang problema?"

"Ahm, si Chef Park kasi, may tinulungang buntis na manganganak sa daan. Dinala niya sa ospital. Okay naman na kaso sa pagmamadali ni Chef na pumunta dito sa simbahan, ano eh.... Ahmmmm. nabangga ang kotse niya."

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at dala ng pagkabigla sa mga nangyari, nawalan ako ng malay. 

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon