16: Revelation

1K 27 10
                                    



Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas nang finally ay mag sink in sa akin ang nangyari sa papa ko. Nag flash back isa-isa ang lahat ng pagkakataong naging matigas ang ulo ko at sumuway ako sa sinasabi nilang tama kong gawin. Makailang beses din akong pinigilan ng papa na wag ng umalis pero nagpumilit ako.

I was not able to control my tears. Ang bigat bigat lang dalhin ng lahat. Masaya na sana ang lahat pero ganito ang nangyari. Hindi ko alam kung mapapatawad ko ang sarili ko kapag di ko naabutang buhay ang papa ko nang di kami nagkakaayos man lang. Alam ko kung gaano kasama ang loob niya sa akin dahil sa katigasan ng puso ko. Sana noon pa. Sana noon pa ako umuwi para humingi ng tawad pero ang taas lang kasi masyado ng pride ko at ngayon di ko alam kung sa pag-uwi ko, maaubutan ko pa si papa. Mararamdaman ko pang mayakap niya.

"Chai, I'll drive you to your province. Please, open the door. You might get suffocated in there." Malakas ang katok ni Chef sa pinto ng CR ng resto. Dito kasi ako dinala ng mga paa ko sa sobrang pagkataranta at pagkagulat ko sa mga nangyari para umiyak ng umiyak.

"Wala na ring mga customers and I guess Jaja and the others can manage this without us."

"Chef, I'm sorry for ruining the event." Nakita ko ang lubos na pag-aalala ni Chef pagbukas ko ng pinto. He wrapped his arms around me to comfort me na mas lalong nagpahagulgol sa akin.

"Chai, tahan na. All we can do is... is pray together. Magpahinga ka na muna and tomorrow, I will drive..."

"No... No.. Ngayon tayo umalis Chef. I need to see my papa. Please?"

****

"Gusto mo lang palang mag-asawa ng Koreano, lumayas layas ka pa. Sabi ko kay mama wag ka ng tawagan pero matigas ang ulo't tinawagan ka pa rin." Pinigilan ko ang sarili kong sagutin ang ate ko dahil alam kong kahit sa kanya ay may atraso din ako. Her son was about to undergo a blood transfusion noon and si papa ang supposed to be donor dahil match sila ng dugo pero that same day, lumayas ako at ako ang hinabol ni papa. Muntik nang mag-agaw buhay noon ang pamangkin ko which I never intended to happen.

"Ahmm.. Ate, boss ko si Chef Park. Gusto ko lang makita ang lagay ni papa." Gusto ko rin sanang humingi ng tawad sa ate ko pero naumid ang dila ko dahil kitang kita ko ang galit sa mga mata ni ate and I know at this time, there is no room for forgiveness in her heart. Yumuko naman si Chef Park bilang paggalang kay ate bago tumingin sa akin na para bang nagsasabing ayos lang siya at wag siyang alalahanin.

"No. You can't enter his room." Hinarang ni ate ang katawan niya sa pinto. "You might worsen the situation. Mas lalo lang sasakit ang puso ng papa kapag nakita ka niya." Dinuro-duro ni ate ang mukha ko at wala naman akong ginawa para labanan siya. Chef Park tried to cover my face with his hand pero tinabig din yun ni ate. Ramdam ko ang pagpipigil ni Chef dahil mabigat na rin ang paghinga nito.

"Ahmm. Ate.. Look..." Unti-unting bumagsak ang mga luha sa mga mata ko, "Alam ko, I owe this family a lot and nasaktan ko kayong lahat, but please, please allow me to see papa."

"That's not an easy thing to do Chai. Siguro kung malalaman mo ang totoong dahilan kung bakit siya inatake, di mo na rin pagpipilitan pa ang sarili mo."

"Ate anong ibig mong sabihin?"

"Get out. Get out!"

"Ate, please, papasukin mo ko ate." I bent down my knees and pleaded. Di ko alintahang lumuhod sa harap ng ate ko at sa mga tao sa ospital na nakakita sa akin and to my surprise, kahit si Chef ay lumuhod na rin.

Both of us pleading. Asking for forgiveness. 

"What's your name again? " Tanong ni Ate kay Chef Park. Sumenyas si ateng tumayo si Chef but Chef remained kneeling beside me.

"Ikaw, mahal mo na ba ang kapatid ko? Just make sure na hindi ka bibilugin ng babaeng yan gaya ng ginawa.. ginawa ng mama kay papa." Pigil ang luha ni ate at dama kong galit siya kay mama at sa akin. Pero ano nga ba ang ginawa ni mama sa papa ko? Siya ba ang dahilan kung bakit inatake sa puso si papa?

"I'm Hwang Ji Park. I I don't know what your mom did to your dad but yes, I love your sister, I love her very much and I can't afford to see her much in pain, so please, I'm pleading you, let your sister see your dad." Tumayo si Chef para itayo ako sa pagkakaluhod ko. Yumuko siya at kusang napaatras si ate at naiwan ang pinto. Chef opened the door. Both of my parents are inside. Si papa walang malay at si mama, iyak ng iyak at halatang nagulat nang makita ako.  Naramdaman kong pinagsaklop ni Chef ang aming mga kamay. Kung ordinaryong sitwasyon lang sana ang meron ako ngayon, baka kinilig na ako. BUt looking at my papa's almost lifeless body, I cant help but blame myself for those missed opportunities to ask for forgiveness. 

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon