13: Teacher Chai

1.2K 29 4
                                    

          

          

Pikit mata akong dinala ng mga paa ko sa lugar kung saan naamoy ko mabangong sinangag pang-almusal. Wala na akong pake kung makita ako ni Chef na gulo gulo ang buhok ko. Ang mahalaga, he has prepared breakfast for the two of us.  Something that I wont experience kung di ako nandito sa unit niya. Thankful na rin ako kay Daniel dahil he has made ways for Chef and I to be eating breakfast together! Saka ko na lang i-eexplain kung bakit ako nakatulog sa kwarto niya at kung bakit siya nasa sofa nagising.

"Good morning Chai. Kain na." Muntik nang maumid ang dila ko nang sa halip na si Chef ang nakita kong may suot ng apron sa kusina at nagluluto, ay si Daniel ang nakita ko. Pinaghila niya ako ng upuan at nilagyan ng fried chicken at egg ang plato ko. Inabot na rin niya ang mainit na chocolate drink at isa pang baso ng tubig.

"Magmumog ka muna Chai para masarap ang kain mo." Nakangiting sabi ni Daniel. Nagtimpla siya ng orange juice para sa sarili niya at hinubad ang Arpon na suot. Umupo na rin siya sa mesa. I headed to the sink and gargled the water. Where could Chef Park be?

"Maagang umalis si Park. May meeting pa raw. Binilin ka niya sa akin." Tumango lang ako at tahimik na umupo sa mesa. Of all people, why Chef? Why do you have to leave me? Wala lang ba talaga ako sayo?

"Bakit di ka nagsasalita? Normal lang sa aking magluto. Maybe not as good as Park but I can manage the kitchen too." 

"Chai, the hardest part of falling in love with someone who doesn't love you back is to hope that there could be a chance." Straightforward na sabi ni Daniel. 

"I've been there. I've witnessed how a life crumbled because of this stupid love."

"Daniel, alam mo, magaling ka namang magluto. Masarap actually ang sinangag mo, pero ang dami mo kasing alam masyado eh." Aktong tatayo na sana ako dahil napipikon na ako sa kausap ko pero two firm hands stopped me from standing. Nakita kong napangiti nang bahagya si Daniel at kumain na rin.

Bumilis ang pintig ng puso ko. If Daniel is eating at walang ng ibang kasama pa si Chef Park dito sa unit niya, then, ang nakahawak ngayon sa balikat ko ay...

"Chai, how's your sleep?" Umupo si Chef sa tabi ko at kumuha na rin ng pagkain.

"Akala ko may meeting ka Park." May asar sa boses ni Daniel pero parang wala lang naman kay Chef.

"Masarap ka pa ring gumawa ng sinangag Daniel. Can you give us your recipe?" Natatawang sabi ni Chef bago sumubo ulit. Wala naman akong nakitang espesyal sa sinangag dahil normal na sinangag lang naman talaga. Meron lang bits ng bacon at egg pero parang sarap na sarap si Chef Park. Ang gulo lang talaga ng dalawang lalaking to. The way Chef Park talks to Daniel is as if they have known each other really for long and it seemed like they were friends. Were dahil ngayon parang may tension sa kanilang dalawa, lalo na kay Daniel.

"Park, para sa mga taong espesyal lang ang sinangag recipe ko. "

"So that means, I am special to you bro?" Nakangiting sabi ni Chef na inismiran naman ni Daniel.

"You said earlier you have a meeting and you are leaving. This is for Chai." May diin ang pagkakasabi ni Daniel sa pangalan ko. Naramdaman ko ring napahinga ng malalim si Chef Park for whatever reason I don't know.

Muntik akong mabilaukan tuloy. Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Ako, espesyal kay Daniel? Eh di ba, espasol lang ang espesyal?

"Daniel, you bringing me here to my unit proves that you still consider me as a friend."

"Correction Park, it was Chai who said to help you. Magkasama kaming nag-di-dinner after our get together and we saw you wasted." Di ako nakapagsalita nang tumingin sa akin si Chef Park na parang nagtatanong ang mga mata. Gusto ko sanang umapila sa mga sinabi ni Daniel pero dahil sa nakikita kong parang may konting inis si Chef sa narinig niya kay Daniel, nanahimik ako at nagpatuloy sa pagkain. I know keeping the truth is never a good decision but at this moment, I just wanna play along. Kung ano man ang dahilan ni Daniel, saka ko na lang aalamin ang lahat. I just wanna see where this will lead us.

"I see."

"Park, don't get jealous. I just hired Chai to be my niece's tutor. Right Chai? That's the reason why we had dinner."

"Huh? Tu—tor? Ammm.. Yeah, oo. I wanna practise my teaching profession on the side." Putspa! Anong storya to Daniel. At bakit alam mong teacher ako? Bakit?

"You mean ni Diana?"

"Yeah. Ni Diana. The daughter of my sister."

Nakita kong naging malungkot ang mga mata ni Chef at tahimik na patuloy na kumain. Si Daniel naman ay nakatingin lang sa akin. Napaka-awkward ng breakfast na to. Gusto kong tingnan si Chef sa kanyang mga mata pero di ko magawa. I am an accessory to the crime for the story Daniel is making up pero paano ko pa mababawi? Haaay.. Ano ba tong napasukan kong sitwasyon.

"So when are you starting to tutor Diana, Chai? Paano ang Chef Park's Kitchen?"

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon