10: Say you wont let go

1.4K 37 21
                                    




          

Pinigilan ko ang sarili kong magmura ng malutong dahil alam ko namang wala naman talaga akong karapatang masaktan pero masakit pa rin e lalo nang tuluyan nang mawala sa paningin ko ang sasakyan ni Chef.

T*&#&!@ lang. Putek. Iniwan nga ko ni Chef. Di man lang siya nagdalawang isip. Wala ba siyang nararamdaman na kahit ano? Ganun ba talaga siya ka focus kay Ms. Lucy na nawawala ang lahat ng taong nakapaligid sa kanya. May ganun ba talagang lalaki?

Ilang beses kong sinipa sipa ang buhangin bago ako naglakad pabalik sa loob ng resort. At ngayon ngang mag-isa na lang ako, ano pa ba ang pwede kong gawin dito? Hindi ako marunong mag swimming. Ayoko ng mga outdoor activities. Nakailang tasa na ko ng coffee.  Mahirap namang maglakad lakad sa resort dahil for sure makikita ko yung ibang couples na kasama namin ni Chef Park. Wala na rin akong mukhang ihaharap sa kanila. What would I tell them? We just pretended that we are a couple and in reality, it is only me who is head over heels in love with Chef.

I started walking towards my room. Matutulog na lang ako siguro. Total ilang oras na lang naman, gabi na rin. Baka paggising ko bukas bumalik si Chef. Baka naman magdalawang isip siya. Baka naman maisip niyang kawawa naman ako mag-isa.

Pero paano ako matutulog? How could I sleep when all I have is caffeine in my blood and.. and...

****

"Finally." Medyo malabo pa ang paningin ko but I am pretty aware as to where I am now. Minulat ko ang mga mata ko and was surprised when I saw Daniel holding my hand. Mabilis kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin at pinilit tumayo sa 'hospital' bed. Alas diyes na ng gabi as to what the wall clock says and I don't have any idea why am I lying down inside to what it seems is a hospital.

"Hinimatay ka kanina. Caffeine intoxication."  Tumayo si Daniel at inadjust ang aircon nang makita niyang bahagya akong nag shiver.

"When people consume too much caffeine, they can go into what is known as caffeine intoxication, where they become confused and disoriented. This is when a caffeine coma can occur, as well as seizures."  Umupo ulit si Daniel at kumuha ng orange at pinagbalat ako.

"Yan ang sabi ng internet and what the doctor said too. Nakita kitang nahimatay kanina when Chef Park left and I thought you were pregnant." Napangiti si Daniel nang ibuka ko ang bibig ko para kainin yung orange na sinubo niya.

"Good girl."

"Teka lang, ilang oras na kong tulog?"

"Well, let's see, almost five hours I guess."

"Uuwi na ko ng Manila. Mas gusto kong matulog dun." Pinilit kong tumayo pero napigilan naman ako ni Daniel. Nakakaloka lang. Ang kulit din ng lalaking to no? pinagsisiksikan ang sarili sa akin.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat dahil niligtas kita? Isa pa, can you please lower your intake of coffee? Mabuti naagapan ng doctor at hindi naman talagang naging malala ang lagay mo kung di , you might die."

"Nagpapatawa ka ba? Coffee nakakamatay? Seryoso ka? Gumagamit ka no? Coffee relaxes me. It gives me comfort."

"Lady, I am serious here. Look, google says here that People with caffeine sensitivities can die from caffeine overdose. While achieving a lethal dose of caffeine would be difficult with regular coffee, high doses of caffeine pills are a known cause of many caffeine overdoses."

"Di lahat ng sinasabi ni google ay tama. Minsan dapat gamitin rin ang utak." Kinuha ko na yung natitira pang orange na hawak ni Daniel. Di ko alam pero parang uhaw na uhaw din ako at nahiya naman akong humingi ng tubig sa kanya.

"Kaya nga. Gamitin ang utak. Pero you, you are not using your brain yourself. You keep pushing yourself to someone who doesn't love you back."

"Why do you care? Sino ka ba sa buhay ko ha?"

"Your future." Natatawang sabi ni Daniel bago nilagay ang kamay niya sa noo ko. Di naman ako pumalag na dahil naisip kong Daniel did save me from death. I mean, paano na lang kung walang taong nakakita na nahimatay ako at tuluyan na kong di nagising? How could I start anew?

"Wait, hey, that look in your eyes. Don't tell me, mahal mo na ko agad?"

"Kapal mo."

"Makapal talaga ko. "

"Ewan sayo."

"Pero look Chai, I'll be honest. At first, I just wanted to get to you and use you."

"Use me huh? Ano ba kasing problema niyo ni Chef?" Inayos ko ang buhok ko at umupo ng maayos. I wanna know the story behind para kahit papano masabi ko kay Chef para naman makapaghanda siya. Kahit na kasi ilang ulit akong saktan ni Chef, di naman niya sadya yun. Kaya I still want him okay.

"Well, it's a long story but let's just say, I just got fed up with him getting anything that he wants."

"Tapos?"

"Well, I just want to get even."

"Get even? Seriously. Mali ang mag revenge sa tao lalo kung wala naman talagang ginagawa sa yo. Well, as whole, mali talaga."

"I agree." Tumango tango si Daniel at inayos ang polo na suot niya. Lumapit siya sa akin at umupo sa hospital bed.

"Lalo when I realized that I am running after you not because I wanted to get even."

"Huh? Teka lang." Tinulak ko si Daniel palayo sa akin dahil may iba na akong nararamdaman sa kilos niya. Mukhang anytime soon, he will kiss me and I don't want that to happen. Si Chef nga, di pa ko na-ki-kiss tapos siya ang mauuna?  No way, high way!

"Chai, I..."

"Chai!!!"

Pareho kaming napatingin ni Daniel nang biglang bumukas ang pinto at niluwa noon si Chef Park at walang anu-anong tinulak palayo si Daniel at bigla akong niyakap ng mahigpit, yung tipong parang boyfriend ko lang siyang takot na takot na mawala ako.

"Pastor David called me up. He heard you were brought to the hospital. I'm sorry. This is all my fault. Dapat sana sinama na kita."

"Chef Park, hindi ako makahinga."

"Ehem. Im.. im still here."

"Bro, Daniel, thank you. Thank you for taking care of Chai for me. I couldn't thank you enough pero ako ng bahala kay Chai. Pwede ka ng umuwi."


Ay, anebeyen Chef! Kung kelan namang willing na kong i-let go ka, tapos ganito. Ay kaloka Chef. Sige na nga. sige na nga,




















I wont let you go.

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon