9: Is it Worth it?

1.5K 41 33
                                    

          

Ilang youtube tutorials din ang pinanood ko at mga forums ang napuntahan ko bago ko maintindihan ang tungkol sa COC.

At sa lahat ng mga nabasa ko at napanood ko, may isang bagay ang nakapagpangiti sa akin. Ayokong mag-assume pero nakakatuwa lang na kahit na may clan war sila Chef, he trusted me to 'attack'. Ang sabi nung nagcomment sa thread sa forum ay ang war ang isa sa pinakaimportanteng activity sa COC. This requires preparation at sa pag-attack may strategy talagang dapat gamitin.

And he just trusted me with his 'base.' Sana nga next time, pati ang puso niya, ipaubaya na rin niya sa akin.

Di man ako confident, I clicked on the attack button at pigil hiningang naglagay ng troops. Nagulat pa ko sa lakas ng sound effects ng game at naghintay maubos ang 2 minutes only to see "defeat" sa monitor ng phone ni Chef. I tried for another one at "defeat" pa rin ang lumabas. Mag-aattack pa sana ako ng pangatlo pero doon ko lang nalaman na sa bawat war ay dalawang beses lang pwede mag-attack ang player.

Patay ako nito. Did I just screw up his game? Sabi ko na nga ba, I should have not tried. Mayamaya pa ay may nakita akong nag pop out sa  kaliwang side ng screen na parang message.

I clicked on it and read Korean characters. I didnt know what it meant pero parang naiinis yung mga kasama niya sa clan dahil sa merong isang parang angry face na naka-type sa message box.

Dali-dali akong nag-ayos ng mukha para puntahan si Chef at mag sorry. Baka kailangan niyang mabasa yung mga nakasulat na messages. Di bale na akong mapagalitan basta lang madefend niya ang sarili niya sa clanmates niya. I mean, it was not him right who played the game? Sa hindi gamers, di big deal ang mga ganitong bagay, pero kay Chef, yun ang di ko alam.

***

Di ko mapigilang mapahanga kay Chef. Kahit sa anong anggulo talagang tingnan, he is perfect in everything he does. He smiled politely sa isang matandang babaeng inabutan niya ng coffee at nag high five pa dun sa apong kasama ni lola.  Yung dimples niya at arko ng kilay niya eh nakakapagpatalon ng puso ko.

Dahan-dahan akong lumapit nang makita kong wala na namang taong nagpapagawa ng coffee art. Magsasalita pa lang sana ako pero na-speechless ako when he smiled at me and...

"Chai, na miss rin kita." sabay kurot sa pisngi ko. He took off his apron and ushered me to one of the small tables.  Nabigla ako sa actions niya kaya di pa rin ako agad nakasagot.

"Uy, Chai, sorry na. Kung di mo ko na-miss, ayos lang. Pero ako na-miss kita. You want another cup of coffee?" Patayo na sana si Chef pero agad kong nahawakan ang isa niyang kamay at pinaupo siya ulit.

"Chef, paano kita ma-mi-miss eh kanina lang magkasama tayo?" Pagkukunwari ko. Pero ang totoo, miss na miss ko na siya. Kaloka lang.

"I am not here because of another cup of coffee but because of this." Inabot ko kay Chef ang phone niya and showed him the result of my attacks.

"I'm sorry. I know I screwed your game. Pero.. ano babawi ako. Pag-aaralan ko paano manalo. In fact, kung gusto mo, i will install COC in my phone tapos I can experiment from there." Wag mo lang akong itulak palayo sa yo chef. Di pa kaya ng puso ko eh. Ikaw pa rin ang dahilan ng pagtibok nito.

Marami pa sana akong sasabihin pero biglang tumawa ng malakas si Chef that made other people look at us pero parang wala lang naman sa kanya.

"Let me check what you did." Kinabahan ako sa sinabi ni Chef. Does that mean this COC has a recording thing that records what I did? Makikita niya yung pagkagat kagat ko sa kamay ko dahil sa kinakabahan ako pati yung pagkataranta ko dahil sa natalo ako sa games? Unfair naman if it records everything. Paano na ang privacy ng isang gamer?

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon