III: High School Feels

3K 69 29
                                    

"Chai, Chai, hey wake up." Naramdaman ko ang pagtapik ni Chef sa balikat ko at di ko alam na nakatulog na pala ako. The last time I remember, I was just listening to the song being played tapos medyo nakaramdam na ako ng antok matapos ang ilang songs dahil sa traffic and I ended sleeping. Nakakaloka lang. Instead of using this time to talk to Chef Park and get to know him a little more eh nakatulog ako. Panirang traffic talaga. Minsan di ako magtataka kung merong mga relasyong masisira dahil sa traffic dahil yung isa pwedeng malate sa date or worst, paano kung wedding niyo di ba? Tapos dahil matraffic ma-late ang sasakyan? Paano kung wala pang signal yung phone mo?Patay na di ba? Kelan ba kasi maayos ang traffic sa Pilipinas? Kaloka lang. Ang layo na ng narating ng utak ko.

Nagkunwaring tulog pa rin ako at hinayaan ko lang si Chef na tapikin ulit ang balikat ko. Medyo nahihiya rin kasi ako na tinulugan ko siya at pinagmukha ko talagang driver. Ni hindi ko alam kung gaano na katagal siyang nagda-drive dahil medyo naramdaman ko na ring nangangawit na ang hita ko pati yung kamay ko na ginawa kong unan.

Maya-maya pa ay tumigil na siya sa pagtapik at naramdaman ko na lang ang kamay niya sa leeg at noo ko.

"Masama ba ang pakiramda mo Chai? Miyane. Sorry for dragging you into this. Alam kong pagod ka na dahil sa preparation natin, kung anu-ano pa kasi ang naisip kong kalokohan. Tsk." Huminga ng malalim si Chef at narinig kong bumaba siya ng driver seat at ngayon ay katabi ko na. Biglang tumibok ang puso ko at gustong makipaghabulan sa hininga ko. I know nothing beyond will happen at di rin naman ako papayag pero parang ang weird lang ng feeling.

I felt warmth hugging me when Chef covered me with his polo. Alam kong polo niya yun dahil sa amoy ng pabango niyang nakakakilig.

"Chai, may sinat ka. You should have told me that you are not feeling well." Bulong ni Chef habang inayos ang pagkakaupo ko. Nagulat pa ko ng tumabi siya sa akin at sinandal niya ang ulo ko sa braso niya. OMG lang. Di ko tuloy mapigilang ma-imagine ang maganda niyang pangagatawan. For sure, naka white collarless shirt siya na panloob sa polo niya pero di nito matatago ang well toned muscles niya na nakita ko noong naabutan ko siya minsan sa resto na nagmo-morning exercise minsang napaaga ako ng pasok.

'Chai,umayos ka. Umayos ka.' Bulong ng utak ko kaya naman dahan dahan akong gumalaw na kunwari ay bagong gising lang. I should pull this act very well or else patay na. Ayokong malaman niya sa ganitong paraan na mahal ko siya. I want it extra special, magical. Yung aamin lang ako kapag naramdaman kong pareho na kami ng nararamdaman sa isa't isa.

"Chef?" Kunwaring antok na antok kong sabi. Pinilit kong imulat ang mga mata ko at pagmasdan ang paligid. Nagulat pa ko na instead of Chef wearing his usual white collarless shirt ay naka sando lang siya ng puti. He smiled at me and I felt my heart dancing and singing. Ay grabe lang!

"Ang tagal ko na bang nakatulog Chef? Sorry ha. Bawi na lang ako. Ako na ang mag-drive." Volunteer ko sa kanya para naman mapagtakpan ang pamumula ko. One of the guys in our team taught me how to drive kaya naman medyo marunong na rin ako.

"You know how to drive?" Takang tanong ni Chef.

"Ah. Oo Chef. Di pa ganun kagaling. May driving lesson ako with Drew tuwing Sabado."

"Oh? Kaya pala maaga kayong lumalabas lagi kapag Sabado. Driving lesson. Interesting." Tumango tango si Chef at muling nilagay ang kamay niya sa noo ko.

"You have fever Chai. Dapat sinabi mo sa akin para nadala kita sa ospital." Sasagot na sana ako na ayos lang ang pakiramdam ko nang maramdaman ko ang monthly period moments ko.Ngayon ko lang naalala na ngayon ang pangalawang araw ng menstruation ko at kapag second day at malakas talaga, mainit rin ang pakiramdam ko. Kaya siguro akala ni Chef may lagnat ako. How am I supposed to tell him the truth? Kaasar naman. Ang dami ko ng unguarded moments infront of Chef. Paano na ko nito?

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon