20: Hanggang Dito na lang

1K 22 6
                                    

Tatlong linggo. Tatlong linggo na rin mula nang ipagtabuyan ko si Chef Park at magpanggap na di nasasaktan. Walang gabing di ako umiiyak sa tuwing aalalahanin ang mukha ni Chef. Matagal kong inasam na maramdamang mahal din ako ni Chef at nang may pagkakataon na, ako mismo ang nagtulak sa kanya palayo sa akin. Ang tanga ko lang pero wala naman akong pinagsisihan. They say, loving someone is wanting what's best for him or her and letting Chef Park go is the best decision I did.

Hanggang dito na lang. Di pa man kami nagsisimula, mas mabuting tapusin na lang din agad dahil dun din naman pupunta ang lahat. Everything will just be part of a memory that I'll forever hide inside my heart.

"Ang lalim ng iniisip natin Chai ah." Pareho kaming natawa ni ate. We were both in a deep thought at di napansin na kapwa kami andito sa mini garden ng ospital.

"Ikaw din naman ate eh. At ang daya bakit may kape ka?" Inagaw ko ang mug ni Ate and sipped on it. Ginulo niya ang buhok ko at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit. Matagal na rin yung ganitong pakiramdam, yung feeling na alam mong di ka nag-iisa. To feel my ate's warm embrace is an assurance that all will be well.

"I was just thinking of Papa. If he wont survive, he wont have the chance to know the truth." Malungkot ang boses ni Ate at naramdaman kong pinipigilan niyang umiyak sa harap ko.

"You know the story of the Prodigal Son?"

"Sakto lang ate. I mean, I've heard of it. And in a way, parang ako yung bunsong anak na lumayas yun nga lang, di naman ako humingi ng pera kay papa." Mapait ang ngiti ko nang maalala ko ang mukha ni papa nung paalis na ako. Kahit na wala akong hininging pera noon, the mere fact that I packed my things and moved away from my family is something I should have not done.

"Sa mga nakaaalam ng kwentong to, most of them naka focus lang dun sa anak na lumayas at naging masama sa paningin nila and some wont notice that the older son has something too in his heart." Sinandal ni Ate ang ulo niya sa balikat ko. I felt her tears flowing down her eyes.

"Madalas kong nakikita ang sarili ko sa dun sa panganay na anak na ginawa na ang lahat para sa pamilya niya pero sa bandang huli, di naman ganun ka-appreciated."

Di ko inaasahan ang sinabi ni ate. Oo nga, bilang panganay sa aming magkakapatid, si Ate na ang halos kanang kamay ni papa at madalas na pinagkakatiwalaan sa mga malalaking desisyon.

"There was a time noon na ang akala namin uuwi ka dito. Masayang masaya sila at tuwang tuwa. Gusto pa ngang magpa handa ni papa ng maraming pagkain dahil nawala ka raw noon pero muling magbabalik and I was hurt." Hiwakan ko ang kamay ni Ate at pinisil pisil iyon. I want to comfort her pero di ko alam kung paano. Kelan lang naman din kami nagkaayos at di ko alam na may mas malalim pa pala siyang hinanakit sa akin.

"Yung feeling na ako di man lang naisipan ni papang ipaghanda pero ikaw, ikaw na matigas ang ulo, ikaw na pasaway, inaantay ka niya araw araw."

"Alam mo ate, tama lang naman yung naramdaman mo, kasi pasaway naman talaga ako." Niyakap ko ulit si ate at nagsumiksik sa kanya. Gusto kong ipadama sa kanyang mahal ko siya at wala siyang dapat ipag-alala kung ano man ang naramdaman niya noon tungkol sa akin. Ang mahalaga, nagkaayos na kami at haharapin naming ang bagong yugto ng buhay na to bilang isang pamilya.

"But I was wrong too. Pamilya tayo. Hindi burden gawin ang mg bagay na ginawa ko and I should never expect anything in return. If you do it for your family, do it whole heartedly. At ngayong andito ka nga, tama si papa. We have to celebrate that you are back."

"Salamat ate. Salamat sa pag-welcome sa akin."

"Pero Chai, ang pagiging isang pamilya ay nangangahulugan ng pagkakaunawaan din. At alam kong there's something bothering you. You can freely talk to me kahit ano pa yan."

"Thank you Ate."

"And these ones, inabot sa akin kanina ng receptionist ng ospital. These are all cards from Chef Park." Inabot ni ate ang ilang cards galing sa bag niya. I counted all of them and there are around 20 cards, which only means that he started sending me cards the very next day na umalis siya.

"Hindi mo dapat pigilan ang puso mong magmahal dahil kahit na pigilan mo to, gagawa at gagawa ito ng paraan para ilabas ang nilalaman ng puso mo."

"Ate.."

"Kung mahal mo rin, bakit di mo bigyan ng pagkakataon hindi ba? Just like what I said, ate is just here for you. Pasok na tayo sa loob." Hinawakan ko ang kamay ni ate at sabay kaming bumalik sa kwarto ni Papa. Inabutan namin si mama na hawak ang kamay ng papa habang nagdarasal. Payapa ang boses ni mama, puno iyon ng pananalig na darating ang araw at gagaling ang papa.

Pag-ibig.

Love moves in mysterious ways. Sinong mag-aakalang mamahalin din ako ng taong dati ay pangarap ko lang?

Ipinikit ko rin ang aking mga mata at nanalangin. Sinabayan ko ang panalangin ni mama ng paggaling at dinagdagan ng panalangin ko para kay Chef Park. Konting panahon lang ang kailangan ko at babalikan ko rin si Chef. Sana pagdumating yung panahon na yun, handa niya pa kong tanggapin ng buong buo.

I opened one of the cards at di ko napigilang kiligin. Yung unang card na bigay niya ay may drawing ng payong na kulay pink. Katulad na katulad nung payong na ginamit ko noong unang araw akong napadpad sa Chef Park's Kitchen. Putek! Tanda pa talaga niya yun? Ang gusgusin ko kaya nun kakalakad kasi.

Chai,

Pink umbrella. Beautiful smile. Hair flying all over.

I was caught off guard when I first met you.

There's something in you that made me hire you.

Hoping you miss me too.

Chef Park

Gusto kong tumili ng major major pero pinigilan ko. I closed my eyes and thank the Lord again. Ay grabe lang.

Hanggang dito na lang. Oo. Hanggang dito na lang ang pagdradrama ko. May plano si Lord sa amin ni Chef. At di ko Siya pangungunahan.

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon