28: Kung di rin lang Ikaw

663 21 4
                                    

"Oy, tissue oh. Kung anu-ano sinasabi mo kay Chef Park tapos ngayon iiyak-iyak ka diyan."

Tama naman talaga si Jaja dahil hindi ko talaga alam kung anong nangyari sa amin ni Chef noong isang araw. Akala ko kasi nagbibiro lang siya noong inalok niya ko ng kasal. I mean sino ba namang nasa tamang pag-iisip ang sasagot ng oo sa tanong na kasal ni Chef? Agad-agad? Hindi ko pa nga siya sinasagot tapos ang dami ko pang plano sa buhay ko. Kakapasa ko lang sa pagiging teacher and in fact, plano kong mag turo muna kahit dalawang taon sa public school dahil nakita ko kung paano silang nangangailangan ng mga gurong handang magsakripisyo para sa kanila. Hindi naman sa gusto kong maging bayani pero gusto ko lang ipakita sa mga batang matuturuan ko na kung may pangarap sila, di sila dapat bumitaw dahil darating ang araw na makikita nila ang katuparan ng kanilang mga pangarap basta magsisikap lamang sila at gagawin nila ang lahat sabay ng pananampalataya sa Diyos. Kaso di kami nag kaintindihan ni Chef.

He thought that all the while when we were dating ay official na kami. Boyfriend-girlfriend na while with me, we are not on that stage yet, well amost there. Tapos ayon ganun na lang ang lahat. Dahil sa miscommunication nauwi ang usapan natin sa sagutan, sumbatan, sa mga what ifs ng buhay namin and sa kung anu-ano pang bagay and we ended up not talking to each other. Mas matindi pa kami sa mga teenager. Matatanda na kami pero no one is giving up our respective ego. No one is making an effort for us to talk. Dati-rati kapag may misunderstanding kami, Chef would wait by his car sa labas ng unit ko para lang magkausap kami. Ako naman kapag ako ang may mali, I would call him minute after minute para lang kausapin niya ko.

"Kasi naman Chai, di na kayo mga bata no? Bakit ba nagpapaligoy ligoy ka pa kasi. Alam mo namang foreigner tong si Chef Park?" Nakapamewang pa si Jaja habang kumakain ng icecream at parang natatawang nakatingin sa akin.

"Eh kasi siya eh. Ang clear kaya ng sinabi ko sa kanya noon tapos ngayon aarte-arte siya."

"Si Chef Park pa ngayon ang maarte Chai? Feeling ko lang talaga ha, sa point na ito, ikaw ang may mali eh."

"Kasi nga, meron pa kong dreams sa buhay ko. Siya kasi na achievement unlock na niya ang lahat ng gusto niya. Ako nagsisimula pa lang." I looked at Chef Park's pictures from my phone and pointed out one particular photo and showed it to Jaja.

"Tingnan mo to. Dati we thought Chef Park's kitchen is closing pero tingnan mo, may mga franchises na tapos ako..."

"Ano? Ano ka? Chai, ang problem sayo, you are trying to compete with Chef Park when in fact, hindi naman dapat ganun." Kinuha ni Jaja ang phone ko at siya na mismo ang nagkalkal sa gallery ko ng mga picture namin ni Chef Park.

"Look at this photo. Chef Park doesn't see you as a competitor pero bilang partner. Look at how he looks at you while you host our launching. Di ba? With all glitter?"

"Jaja, I don't see him naman as my competitor pero gusto ko lang patunayan sa sarili ko na kaya kong tumayo sa sarili kong paa or ewan ko."

Tumawa ng malakas si Jaja at di ko na rin napigilang tumawa. Ano nga ba kasi ang tumatakbo sa isip ko? Why do I have a feeling na parang I am having anxiety attacks for things that are uncertain yet? Does this come with my age? With my dreams unfulfilled? Or setbacks with my life?

"Oh ano, anong plano mo na? Don't wait for Chef Park to make a move. This time, be the one. Ikaw ang feeling kong may kasalanan dito kahit pa kaibigan mo ko."

Ano nga bang plano ko? Do I really have anxiety attacks? Pero bakit? Why now?

****

Napakaganda ng bagong bukas na coffee shop sa may BGC. Looking at their interior, nakakatuwa pa lang idea ang ipag-merge ang gallery walk at coffee shop with pastries. Nakakarelax ang environment. I waited for Dr. Angel to come. I secretly searched for the best Psychologist who could help me and stumbled upon her profile. She seems like a wonderful person at kaya ako nakipag-appointment sa kanya ay para na rin mas maintindihan ko ang sarili ko. There is nothing wrong with admitting that we need help. Mental health problem is never something to be scared about. Huminga ako ng malalim at naglakad lakad para tingnan ang mga artworks bago bumalik ulit sa table. We are supposed to meet at 3:00PM but I arrived at an earlier time. Okay na rin at least mas naappreciate ko ang arts.

I got my notebook and started doodling some things. Drawing lang ako ng drawing ng kung anu-ano para ma relax until finally someone approached me. I could not believe na mas bata pala sa personal si Dr. Angel.

***

Ang anxiety attack daw ay dumarating or nararanasan ng isang tao kapag may kinakatakutang itong pwedeng maganap na di pa naman nangyayari o isang problema na we are trying to pre-empt. Kadalasan nagiging restless ang tao, mabilis mag-alala at bumibilis ang takbo ng puso. Minsan pa nga raw nagiging mahihiluhin at pinagpapawisan.

Dr. Angel mentioned na minsan nakaka experience naman daw talaga ang mga tao ng anxiety attacks at may iba't ibang level ito depende sa kung anong magiging trigger nito sa tao. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sinabi niya sa aking hindi naman severe ang case ko. She asked me to do some reflections about my life and to call her again if I think I still need her help. Ang cool lang ni Dr. Angel, parang tropa lang. Hindi ko naramdamang she judged me sa kung ano mang pinagdaraanan ko sa ngayon.

People tend to withdraw from professional help dahil sa stigma na na-e-exprience nila sa tao. Sometimes kasi we easliy judge.

I got my journal and started writing the reflection that Dr. Angel asked me to do. Doon ko napagtanto na siguro nga, I am feeling this uncertainty dahil hindi ko alam kung anong future ang meron sa amin n Chef Park. Will I be able to give him the love that he deserves? Kakayanin ko ba yung pagkakaiba namin ng kultura at ibang paniniwala? Sa dami-rami ng mga mag-asawang nag hihiwalay at nakakahanp ng iba, malalamapasan ba namin ang lahat? Medyo malayo ang status namin in terms of our careers. He is the boss, I am his staff but I know we have something in common- our love for each other and yes, our faith in the Lord.

Unti-unting pumatak ang luha ko. The journal that I have has Bible verses sa bawat pahina. At habang nagsusulat ako napukaw ng mga mata ko ang Bible verse na nakasulat galing sa Philippians 4:6-7.

"Philippians 4:6-7 do not be anxious about anything, but in everything by prayer and supplication with thanksgiving let your requests be made known to God."

Do not be anxious about anything but trust.

'Lord sorry. Patawarin mo ko dahil ang advanced ko masyadong mag-isip.'

Nagdasal ako at iniyak ko kay Lord ang lahat. I dialled Chef Park's number in excitement. Willing ko nang aminin ang pagkakamali ko at tanggapin si Chef ng buong buo at walang pag-aalinlangan.

"Babe!" Excited ang boses ni Chef Park pero mukhang nagulat din dahil ako na ang unang tumawag sa kanya.

"Babe ka diyan Chef Park! You didnt bother to call me kaya or visit me. Ako pa talaga ang nauna!"

"No Babe. That's not true. I woke up this morning really missing you. I went to Pastor David to seek help. Hindi ko na kasi kayang di ka makita."

"Talaga lang ha Chef Park?" Pinilit kong pigilin ang kilig ko. Iba talaga ang feeling kapag alam mong mahal ka na ni Lord tapos mahal ka pa ng dream man mo. Hinawi ko pa ang buhok ko at feeling leading lady.

"Open your window Babe. Open your window."

I run to may window. And yes di ko napigilang mapatalon sa tuwa nang makita ko si Chef Park with a teddy bear and a banner saying 'BATI na TAYO.'

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon