12: Confused Chai?

1.1K 28 8
                                    

          

Speechless pa rin ako habang pinagmamasdan si Daniel at Chef Park. Si Chef, lasing na lasing at tulog samantalang si Daniel naman ay halatang nakainom din pero di naman kasing lasing ni Chef. Umakyat kami sa condo ni Chef gamit ang elevator at "sinakay" ni Daniel si Chef sa likod niya sa natitirang steps ng hagdan paakyat sa lugar ni Chef.

Gamit ang card pass ng boss ko ay pareho kaming nakapasok sa unit nito which to my surprise is very much different from what I expected.

I had this impression kasi noon na more of black and gray ang color combination ni Chef sa gamit niya pero nakakatawa lang na more feminine ang ayos ng unit niya. May mga vases pa ng bulaklak sa mesa at sa cabinet. Sa may sala ay may mga portraits si Chef ng iba't ibang putaheng niluto niya sa iba't ibang bansa. At talagang ang gwapo gwapo lang ni Chef. Yung feeling na heaven na tingnan ang maganda niyang ngiti at para bang magnet itong tinawag ako. Nilapitan ko ang portrait ng pinakagwapo niyang picture at hinaplos ang magkabilang pisngi ni Chef.

"Hey...  Chai.. Can, can you just stop? Dont you see I need help in here?" 

"Huh? Ay... Oo nga pala. Daniel. Sorry.. Sorry.. Nawala na sa isip ko." Patay malisya kong sabi. Tinulungan ko si Daniel na ayusin si Chef sa pagkakahiga sa couch niya na magulo ang isip.

Sa totoo lang, hanggang ngayon, di ko pa rin alam kung ano talaga ang nangyari. When he called and gave me the address of the place I needed to go, I was sort of hesitant. I mean, gabi na, tapos si Daniel pa ang humingi ng tulong pero naawa rin kasi ako. Mukhang desperado kasi siya sa boses niya at hindi na rin naman siya ibang tao. He helped me back then sa resort nung nahimatay ako. Kaya kahit na medyo natatakot ako, nilakasan ko na lang loob ko saka nagdasal ng konti at humingi ng rescue.  And good thing I chose to help Daniel dahil kasama pala niya si Chef.

"We had our reunion." Basag ni Daniel sa katahimikang namamagitan sa amin. Umupo siya sa isa pang couch samantalang nananatili lang akong nakatayo. Dapat nasa defensive position pa rin ako. Kinapa ko yung spray cologne na nilagay ko sa bulsa ko para mapagtanggol ko ang sarili ko kung sakali. Alam kong mali magkaroon ng doubt kay Daniel pero mahirap na eh.

"Then?"

"I left first but went back. I know he got low alcohol tolerance but being the goody good guy that he is, he couldn't say no to our friends asking him to drink more and I was right. They left him drunk." Yung tono ng boses ni Daniel di ko alam kung concern ba or disgust pero wala na ako dun. Basta ang mahalaga, may kabutihan din palang tinatago tong taong to. Who could have thought?

"So, teka, ang gulo ng kwento mo eh. You mean, may reunion kayo? Tapos? Akala ko ba ayaw mo kay Chef? Saka bakit ako ang naisip mong tawagan? Saka bakit alam mong andun pa ko? Saka reunion in the Philippines? Ng mga koreanong kaibigan niyo?"

Nakita kong napangiti si Daniel sa mga tanong ko at may amusement sa mga mata niya. And in a way parang medyo napahinto ng konti lang naman ang pagtibok ng puso ko. Kung anong dahilan, di ko alam. But the way he smiles, iba sa smile ni Chef but there is just...

"Chai, I had no idea who to call and where to bring this man. I really didnt intend to attend that s*&#*y reunion lalo at alam kong kasama si Park. I just googled Chef Park's Kitchen and dialled the number."

"Pero bat alam mong andun pa ako?"

Napatawa ng malakas si Daniel at nakakainis lang dahil sa halip na mainis ako sa kanya ay nakisabay akong tumawa sa kanya nang di ko alam kung anong dahilan. Takte. Baliw lang?

"You are unbelievable Chai. You thought I am stalking you?  I dialled the resto's number and you answered the phone and I just recognized your voice."

"Oh.. Okay."

"And you know his address. Interesting." Mapang-asar na sabi ni Daniel. Medyo napapailing pa siya while looking at me and Chef.

"Oy... grabe yang tingin mo sa akin Daniel ha. Di ako stalker ni Chef.  First time ko kayang makapasok dito." Pero tama si Daniel sa hinala niya. I used to really follow Chef around... secretly.  Pero noon yun. Di na naman these past few days dahil nga I am trying to kill what I feel. Chos.

"I didnt say anything Chai. But I know you know that I know what you feel about Chef."

"Dami mong alam Daniel. Uuwi na ako. Ikaw na bahala kay Chef."

"You will just leave the man you love with me? Chai, you don't know what's running in my mind." Seryosong sabi ni Daniel.  Dapat sana kabahan ako pero di gaya kanina na na di ako siguraod kung magtitiwala ba ako kay Danile, ngayon alam ko ng pwede kong ipagkatiwala ang buhay ni Chef sa kanya. Oo nga at medyo pa-mysterious effect at suplado ang peg niya pero it seems there's goodness in his heart.  Mas mahirap na kasi kung ako ang maiiwan dito with Chef. Baka makulong ako sa kasong pagkuha ng puri ng boss ko. Charot!

"I trust you Daniel."

"You trust me?"

"Yes."

"Stay then."

______________________________________________________________

Makipagkulitan sa amin nina Daniel, Chai at Chef. Add us up

https://web.facebook.com/groups/986289911419697/

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon