I: Coke Zero

5.4K 89 32
                                    

Finally! A chapter. Shout out to ChaiDelaCruz naks. Eto na yun oh .hihihihi. 

**************

Watching how happy Ms. Lucy and her husband William together with their friends in their new house, I decided I am no longer needed. Mukhang wala lang naman din ang presensya ko dahil nakapag prepare na rin ako ng masarap na food at natulungan ko na si Chef Park na gawin yung specialty niya for the couple. Hindi lang isa ang niluto naming kung di apat. Ang sabi kasi ni Chef Park, he wanted it memorable for the couple.

Anong sabi? Ewan ko. I just follow his instructions dahil boss ko siya.

But, wala naman ng sense talaga na mag stay ako. Lahat silang bisita ay couples celebrating love, lalo at pregnant na si Ms. Lucy, ang long time ka-one sided love ni Chef Park.

Nakakaloka nga tong si Chef Park. Kahit na nasasaktan dahil di naman siya minahal pabalik ng kaibigan niya, sige pa rin ang pagpapahirap sa sarili. Dikit pa rin ng dikit sa kanila. Minsan nga, kung di ko lang boss to, naisip kong batukan na lang siya at sabihing tumingin ka naman sa iba.

Si Ms Lucy lang ba ang pwede niyang mahalin? Di naman ah. Pwede ring yung taong yun nasa Chef Park's Kitchen, sa babaeng lagi niyang kasama pero ang awkward naman nun di ba? Na ako mismo ang magsabing, ako naman ang tingnan niya. Ako naman ang mahalin niya.

Kahit na mahal ko siya, I don't wanna force myself into him. Mas mataas pa rin ang pride ko kesa ang pag-ibig ko sa kanya.

Pride na nga lang ang meron ako, ipapamigay ko pa ba?

I mean wala na ang lahat sa akin.

Pamilya? 

Iniwan ko sa probinsya dahil ayokong masakal sa career na pakiramdam ko di ko naman kaya. Kaya mas pinili kong lumipad ng mag-isa. Ayun, sa taas ng lipad ko, lumagpak ako sa lupa. At hanggang ngayon, di ko pa rin kayang lumapit sa kanila. Kasi naman eh, kung sana nakinig lang din sila sa explanation ko, kaso hindi eh. Alam ko namang maganda ang plano ng mga magulang ko sa akin pero may mga bagay na mahirap ipilit. Gusto kong maging teacher. Maging guro dahil nakita ko ang pangangailangan sa lugar namin. Bukod sa amin, iilan lang ang pamilyang may magandang buhay sa probinsya, all the rest, naghihikaos dahil kulang sa kaalaman.

Eh kaso, ewan, dalawang beses na kong kumuha ng exam para maging licensed teacher pero walang nangyari. Ako na, ako na ang panira sa reputasyon ng pamilya namin lalo na sa mga kapatid kong may magagandang trabaho.

Career?

Wala rin eh. I applied for a part time job in a Korean restaurant, the first job ad placement na nakita ko habang naglalakad ng may mugtong mga mata, hinang hinang kalooban at gulung-gulong isipan dahil sa pagbagsak ko ulit.

Ano namang makukuha kong career sa pagtratrabaho sa isang restaurant. Una, di naman ako ganun kagaling magluto at pangalawa, I am only staying sa resto dahil kay Chef Park. Kung sakaling he decides on venturing into another business and pass the management of the company into someone else, aalis na rin ako. He is the only person who makes me stay.

Love life?

Mas lalong wala. Well di naman totally zero. There was a time na I was so attracted sa forward ng basketball team namin nung high school kaya nung tinanong niya ko kung pwede ba raw akong maging prom date, pumayag agad ako pero nung araw na ng prom, di niya ko sinundo sa bahay. Only to find out, nagkabalikan sila ng ex niya at yun ang dinalang partner. And the same thing happened in college.

Sasagutin ko na sana yung makulit kong blockmate na laging nagpapadala ng corny pick-up lines pero nagkamali siya ng text nun sa akin. You know what he said? 'Tnx Bb 4 coming back 2 me. I luv u. <3'

Eh hindi pa nga kami eh. Sasagutin ko pa lang. Anong coming back to me?

So in short, pagdating sa love life, I will be the forever rebound girl at 26.

Pamilya. Career. Love life. Mas mabuti nga sana kung Pepsi diet kaso ang nangyari, Coke Zero.

Grabe lang talaga.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at mas nilakasan ko pa ang volume ng playlist ko. Sasabay na sana ako sa kantang Closer ng Chainsmoker at andun na sa part na 'So, baby, pull me closer In the back seat of your Rover' when someone literally pulled my hand. Sobrang lakas na napasubsob ako sa dibdib niya. and his scent, he could only be

























"Chef Park?"     

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon