19: There's No Holding Back

1K 29 4
                                    

"I'm right Chef di ba? Panalo ang Lava cake dito sa Sagada Brew."

Chef nodded and smiled while he wiped the chocolate stain on his lips. Malapit nang lumubog ang araw at marami na rin kaming napuntahan ni Chef dito sa lugar namin. And I could feel my heart jumping everytime na napapatawa ko si Chef. Baliw na kung baliw eh sa mahal ko. Isa pa, di rin naman magtatagal ang lahat dahil alam kong kahit saang anggulo pa tingnan di kami nababagay ni Chef. Lalo ko lang yung narealize sa buong araw na magkasama kami kanina. Ang sobrang strong ng driving force niya to succeed. Nalungkot nga ako when he said that he still sees himself being a successful business man in Korea. I forced a supportive smile for Chef kasi yun naman talaga ang role ko sa buhay niya pero deep inside nalungkot ako dahil nag-assume ako na kung sakaling magiging kami ni Chef, dito niya maiisipang magtayo ng coffee shop sa Sagada. Putspa talaga. Akala ko tuloy tuloy na ang pag bloom ng love life ko pero well ganun talaga eh.

While it is true that Mt. Province is said to be one of the poorest provinces ng Pilipinas, hinding hindi maikakaila ang tinatago nitong ganda. And I thought makikita yun ni Chef at di na niya iisipin pang mag stay for good sa Korea. I mean kung sakaling maging kami, gusto ko rin namang sumama sa kanya sa bansa nila pero gusto ko ring bumawi sa pamilya ko. And the only way to do that is to stay here. Gusto ko sanang magkaroon ng isang preschool para naman matulungan ko ang mga bata ditong mangarap at magsikap. Am I too forward looking? Di naman siguro. Sakto lang. Di na rin naman ako bumabata pa. Kung baga sabi nga nila, mahirap ang maging adult lalo kung may mga maling desisyon kang ginawa noong medyo bata ka pa na kailangan mong ayusin. Mabuti na lang, laging may second chances, minsan nga third at fourth pa pero ang sa amin ni Chef? Ewan. Puro false assumptions and maybe not this time yet.

"True. This place is perfect. Actually kahit nga yung Strawberry Cafe kanina. Their youghurt and sandwiches are the best."

"Tama Chef! At mas lalong the best kasi libre mo." Pagbibiro ko. Kailangan ko kasing itago ang mga tanong ng puso ko gaya ng, will there be a Chef and Chai in the end? Or kakayanin ko bang walang Chef Park sa buhay ko? Pipiliin ba ko ni Chef over Korea and what not. Ang sabi nga nila, ang pinakamahirap na struggle ay yung struggle against yourself.

"Is there something bothering you Chai? Alam mo, kanina ka pa nag space out." Chef Park patted my hand na agad ko namang inilayo sa kanya. Feeling ko kasi para akong nakuryente kahit na di naman ganun katagal nagdikit ang kamay ko at ang kamay niya.

"Naku Chef. Sorry. Iniisip ko lang kasi si papa." Pagdadahilan ko kay Chef.

"Don't worry Chai. Everything will unfold in God's time. "

"I know. Tama ka Chef."

"You know what, you wont see His reason right away but you will realize soon. That is how life is. Di natin agad makita ang dahilan kung bakit ganito o ganyan pero all will work for good." Chef sipped his coffee and ate another slice of his cake. Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Chef and loving him more and more. Bakit ba ganito? Bakit ba lalo akong napapamahal kay Chef kahit na pilit kong pinipigilan ang sarili ko!

"I've been praying Chai since that day when we were at the couple's get away. Perhaps Pastor David is right when he said that our brokenness brings us closer to our Creator and to other blessings He has for us." May kinuha si Chef na maliit na box sa backpack niya na siyang nagpabilis ng heart beat ko. He opened the box and pulled out a silver necklace na may krus na pendant.

"Chai, let me wear this to you." Lumipat sa tabi ng upuan ko si Chef at sinuot ang kwintas sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil mismong mga kamay ko na ang naghawi ng buhok ko para mailagay ni Chef nang mas mabilis ang kwintas. Bumalik si Chef sa upuan niya at pinagpatong ang dalawang kamay niya tumingin sa may bintana at tinuro ang magandang kulay ng langit.

"The sun is about to set but our story is just about to rise. Chai, ikaw, ikaw ang isa sa mga blessing na dumating sa buhay ko."

"Chef. Ahmmm."

"I know, I promised you that I will not fall in love with you but since that Couple's get away, I just feel incomplete without you Chai. Kaya nga mas pinili kong di tapusin ang quest dahil ayoko kang gawing rebound. Masakit yun pero di ko mapigilan Chai." Nilabas ni Chef ang panyo niya mula sa bulsa ng pantalon niya at nagpunas ng pawis sa noo. Natawa talaga ako dahil siguro di sanay si Chef sa ganitong mga drama kaya pinagpapawisan kahit na malamig. Gusto ko sanang kiligin sa mga sinabi ni Chef pero naalala ko bigla yung mga sinabi niya sa akin about his business plans and his personal goals. Ayokong sirain yun. Ayokong ang pagmamahal ko sa kanya ang pumigil sa kanya para matupad niya ang mga pangarap niya.

"And the best actor award goes to... Chef Hwang Ji Park." Umakto akong pumalakpak na para bang nag-aaward ng nanalo sa acting award si Chef. Hinubad ko ang necklace na bigay niya at inabot iyon kay Chef.

"Chef ha, ang galing ng acting. Pwedeng pwedeng pang Kpop Drama. Kumpleto props pa." Tumawa ako ng malakas na naging dahilan para magtinginan ang ibang taong nakapaligid sa amin. Ewan ko kung anong ginagawa ko pero alam kong ito ang tamang gawin. Ang magtago ng tunay kong nararamdaman para hindi maging hadlang sa mga pangarap ni Chef.

"Chai its not what you think. I'm...I'm speaking from..."

"your heart Chef? Come on. Chef naman oh. Wag mo na kong biruin. Saka isa pa, if you do love me eh ako kasi, ano.. crush lang kita Chef. Alam mo yun. Kapag crush kasi yun yung tipong nakakakilig lang kapag di kayo close pero kapag naging close na kayo gaya ng ganitong sa atin, wala na yung kilig."

"Chai what are you saying? Ilang beses ko ng naramdaman na...na we feel the same thing. That we both love each other."

"Ay Chef ha, naku, that is wrong. Maling mag-assume Chef. Maling mali."

"Chai, what's holding you back? Please don't tell me things like this. Alam mo bang kung ilang beses kong pinag-isipan kung paano ko sasabihin to sayo?" Medyo napataas na ang boses ni Chef. Halata kong disappointed siya dahil iba sa ineexpect niya yung nangyari pero anong magagawa ko? Pinilit kong sabayan ang init ng ulo ni Chef para tuluyan na siyang mainis sa akin.

"See.Nanggaling na rin sayo Chef. Ilang beses mong pinag-isipan kasi nga di ka sigurado. Let us not ruin this day Chef. Saka isa pa, alam mo naman ang sitwasyon ko. Im just trying to relax. Nasa ospital pa si papa di ba?"

"Im.. Im sorry Chai. I... Di ko dapat minadali ang lahat. Let's... let's just forget that this happened." Chef made a forced smile and took another slice of his cake.

"Kumain na lang tayo Chai. After this, will go back to the hospital."

"Ahmm Sure. Okay. Yun na nga ang dapat nating gawin. Forget about today."

"Yeah. Forget about today." And then there was silence. Gusto ko sanang bawiin ang mga sinabi ko pero mas okay na rin to. Love knows how to sacrifice and this is what Im doing for Chef.

*****

Hello everyone!

Mt. Province is said to be one of the 10 poorest provinces here in the Philippines but there is so much to discover in there. So sa next getaway goals, find time to appreciate the place. hahahah. Life goal ko rin to. Lels. 

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon