23: Broken

864 16 10
                                    


Pinilit kong bumangon kahit na pakiramdam kong ang bigat bigat ng katawan ko at di ko maipaliwanag ang sakit ng ulo ko. I tried to recall what happened last night. I was with Jayven and we ended up sharing stories over some bottles of beer. Ang alam ko, sinabi kong mauuna na ko sa kanya pero pinigilan niya ako at nagmakaawang samahan ko daw muna siya dahil wala siyang kasama. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagpadala naman ako sa pagmamakaawa niya. We ended up drinking more and more and...

Minulat ko ang mga mata ko at nagulat sa nakita ko. Hindi ako nagkamali. Ang akala ko kanina I was just dreaming but I was wrong. Binalot ako ng kaba. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sana hindi totoo ang hinala ko. I checked on the bed sheet at di ko na napigilang pumatak ang luha sa mga mata ko. There is a red stain on the white cover sheet of Jayven’s bed.  I never imagined this would happen but it did.  Putek. Anong ginawa ko sa sarili ko? Dama ko ang sakit ng katawan ko. Hirap man pinilit kong bumangon.

Dali dali kong inayos ang gamit ko at nagsuot ng t-shirt ko na nabagsak sa sahig. Hinanap ko si Jayven sa loob ng kwarto pero wala na siya. Hindi ko matanggap na dahil lang sa ilang bote ng alak ay pinaubaya ko ang sarili ko sa taong di ko mahal at di ako kinakasal. Gusto ko nang maglaho. Gusto kong lamunin na lang ako ng lupa.

"Chai, glad you are awake. Grab your coffee over there. I also prepared our breakfast." Nagulat pa ako nang makita ko si Jayven sa salas, nakadekwatro ang paa at kumakain ng popcorn. Kung anong palabas sa HBO na pinapanood niya ay wala akong pake. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinugod ko siya at pinagsasampal habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

"Bakit? Why do you have to do this?  Bakit mo hinayaang humantong sa ganito?" gigil na gigil ako kay jayven at awang awa sa sarili ko. Ang tanda tanda ko na nagpauto pa ko. Kelan ba ko matututong magdesisyon ng tama?

"Let me explain Chai. Pakinggan mo muna ako ."

"You ruined my future. Humanda ka dahil sa korte tayo magkikita." Galit na galit ako kay Jayven na bigla namang lumuhod at nagmakaawa sakin. Pilit niyang kinabig ang mga hita ko at niyakap ito.

"Pinigilan ko naman ang sarili ko pero mas malakas ang puso ko. Mahal lang kita Chai at ayokong mawala ka pa."  Dama ko ang pagmamakaawa sa mga mata ni Jayven pero anong maga gawa nun kung sinira na niya ang pagkatao ko?

"Mahal? Kung mahal mo ang isang tao you won't do this." I lang beses ko muling pinagsasampal si jayven. Minsan pala kahit ang akala mong mabait na may natatago pa ring kasamaan. Kasalanan ko bang naging mapagtiwala? Sa taong akala ko ay harmless?

"I'll marry you Chai. I'll take full responsibility of my action."

***

"Bakit tulala si mama ate? What happened?" Tinago ko kina ate ang nangyari samin ni Jayven dahil pag dating ko ng ospital nakita kong tila lahat ng kapatid ko pati si mama ay balisa. Ayoko nang dagdagan pa ang iniisip nila. Haharapin ko si jayven pagkatapos ng unos ng pamilya namin. At sisiguraduhin kong makukulong siya.

"May mga dumating kanina mula sa banko at kinuha ang titulo ng bahay at lote natin."

"Papaanong nangyari yun ate?"

"Sinanla pala ni papa ang mga ari-arian natin. Pati yung taniman at yung iba pang sasakyan. Nalulong sa sugal ang papa. "  Napasabunot sa ulo si ate habang nagkwekwento. Maya maya pa ay tuluy tuloy na ring tumulo ang luha niya.

"Isasanla ko sana ang bahay natin pero nagkamali ako dahil nasanla na pala ito ni papa. Kailangan natin ng pera para sa operasyon niya Chai pero di ko alam kung saan tayo kukuha. Kahit ang iba nating mga kapatid wala na ring mailabas. Matagal nang nasa ospital si papa at mataas na rin ang bill sa ospital. "

" Ate, I'm sorry. Wala akong maitulong." Ang bigat lang sa pakiramdam na wala akong magawa lalo pat wala rin akong naipon. Kung sana sinunod ko lang ang mga magulang ko baka hindi ganito ang nangyari. Sana siguro may maayos akong buhay. Hindi rin sana malululong si papa sa sugal dahil panigurado kong mapipigilan ko siya.

"Next year makakaluwag din naman tayo Chai. Kailangan lang nating makahanap nang magpapautang satin na walang interes at kolateral pero hindi ko alam kung kanino. Kailangan ni papa ang naoperahan sa lalong madaling panahon sa Maynila."

"Taong makatutulong satin? May kilala ako ate pero hindi ko alam kung..." I started crying too. Iniisip ko palang lumapit sa taong naisip ko, nasusuka na ko pero ano ba ang dapat kong gawin.

"Chai, this is the time to make it up for all the lost opportunities to make our parents happy. Hindi sa sinusumbatan kita but I know you are getting my point."

"Ate."

"Think about it. I'm not pressuring you pero alam kong gusto mo ring maagapan si papa."

"Ate, I... I will do my best. I'll do my best ate."  naiiyak kong sagot sa ate ko.

"Salamat Chai. Salamat." Niyakap ako ng mahigpit ni ate bago ako binitawan at iniwang mag-isa. Kung alam lang ni ate kung anong nangyari sakin siguro hindi niya ko itutulak sa bagay na gagawin ko but what can I do? Putik lang. LORD bakit ganito ang nangyari sa buhay ko? Mahal mp pa ba ako? O sinisingil mo na ko sa mga Mali kong nagawa?

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon