24:Lost in Words

520 12 2
                                    

Shout out to @shazny faith. This is for you at sa lahat nang naghihintay ng update.

***

"You do not have to do this anymore Chai." Isa-isang pinunit ni Jayven ang mga wedding invitation na kinuha namin sa supplier kanina. That night after naming mag-iyakan ng ate, I decided to see Jayven and confronted him of what happened to us. Gaya nang inaasahan ko, he wanted to marry me which I accepted in exchange of a good amount of money to help my father with the operation. Masakit man sa puso ko, hindi ko hinayaang maapektuhan ako nito para lang maging maayos ang ama ko. Blood is thicker than water kaya kahit na ano pa ay gagawin ko para lang maging maayos ang lahat.

I was planning on asking help from Chef Park sana pero hindi ko naman siya ma-contact noon. Nakadagdag pa yung nakita ko yung IG story niya na masayang masayang nag-vi-videoke kasama ang kapwa niya Koreano. Siguro nga ganoon na lang talaga. Hanggang magkaibigan na lang kami. Nagkatagpo pero di para sa isa't isa. Nagkasabay sa jeep pero magkaiba ang pupuntahan, nag kasama pero hindi pang matagalan.

"There's no point of pushing for this Chai. Wala na ang papa mo." Hinawakan ni Jayven ang kamay ko at pinisil pisil. Pinigilan ko naman ang mga luha ko sa pagpatak. After the operation, my father passed away. He left the world without me being able to settle things with him. Gusto kong pagsisihan ang lahat ng mga maling nagawa ko noon at sumbatan ang sarili ko pero wala na rin namang magagawa ang lahat. May mga bagay talagang hindi na maibabalik pa. Kung mas naging mabuti lang akong anak siguro hindi magiging ganito kabigat ang lahat.

"Ayoko kitang ikulong sa kasal na di mo naman gusto. Pinapalaya na kita Chai." Dagdag pa ni Jayven. Tahimik lang ako at nakatingin sa kanya. Pagkatapos ng libing ng ama ko, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi sa wala akong lugar sa buhay ng pamilya ko pero pakiramdam ko, kailangan ko munang hanapin ang sarili ko sa lugar na malayo sa kanila. I have convinced myself that perhaps,even if I do not love Jayven, I am willing to escape with him siguro para na rin makalimutan si Chef pero ngayong binibitawan na rin ako ni Jayven,ayoko namang pagsiksikan ang sarili ko at magkunwaring mahal ko siya.

"I will go back to Manila and heal my heart there. Bukas na ang flight ko."Pilit na ngumiti si Jayven at uminom ng kape. Tahimik pa rin ako dahil wala akong mahagilap na sagot sa mga sinasabi niya.

"You should not feel guilty about this Chai. Ako ang may kasalanan sayo kaya salamat sa pagpapatawad mo."

"Hindi ka dapat magpasalamat sa akin o humingi ng tawad dahil ginamit din kita para makatakas, para ma solve ang problema ko.Salamat sa pagmamahal mo at sorry na di ko kayang suklian ang lahat." Hindi ko na napigilang umiyak kahit na nasa isa kaming coffee shop.Ang sabi nga ang pag-iyak ay nakakatulong para mapagaan ang bigat nang nararamdaman ng isang tao.

"Chai, all will be well. Lagi mo yang tatandaan."

"I know." 

Alam ko naman yun, hindi ko lang alam kung paano ulit magsisimula na buuin ko ang sarili ko. I took a sip of the coffee I have and allowed myself to get lost with its aroma. Kahit pansamantalang kasiyahan lang ay okay na sa akin. Kesa naman hayaan ko ang sarili kong malunod sa kalungkutan.

"So are you ready? I will bring you home."

"Hindi na kailangan Jayven.iwan mo na ako dito. Kakain pa ko ng Blueberry Cheesecake." 

Natatawa kong sinabi. Jayven opted to stay and eat with me. We were just silent, lost in emotions we could not define. Lost in words that would make both of us feel better. Ang alam lang namin sa isa't isa, mas tamang di na namin ipagpilitan ang kasal at ikulong ang bawat isa sa sitwasyong hindi namin gugustuhing balik balikan. 

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon