V-Piggy Back Ride

2K 48 8
                                    

Alas otso pa lang ng gabi ay pinatulog na kami ng organizers. Actually, seven pa lang tapos na yung first session namin. It was more of understanding the plans of the Lord in our lives and involving Him in our married life. Chos! Ano namang alam ko dito di ba? Putek lang.

Ang hirap nga sa lagay ko kasi imagine, we were asked to imagine what our married life would be with our soon to be spouses at aaminin kong tumakbo talaga ang imagination ko at naisip ko si Chef Park karga ang anak namin habang siya ay naka apron at nag-ba-bake. Pupunasan ko ng towel yung pawis niya while baking and he will kiss me on my cheeks. Our baby will smile and I will sing lullaby. Pareho kaming masaya at punung puno ng pag-ibig. Yung typical na Korean drama na may slow motion mode tapos may background music na mas magpapakilig. Hahawiin niya yung buhok ko, iipit sa tenga ko tapos hahalikan ko siya sa tungki ng ilong niya. Yung sobrang sweet kami pero di naman magtatama ang mga labi namin. But we are happy. Kasi alam namin sa isa't isa na kami ang nilaan ng universe na magkasama, na sa dami-dami ng tao sa mundo, napadpad ako sa resto ni Chef at naging staff niya. Tapos heto nga at asawa na niya.

Takte nga lang. Kasi masaya ako sa imagination ko pero sa realidad naman magkatabi nga kami ni Chef pero di ko naman alam ang takbo ng isip niya. Binigyan kami ng bond paper para doon idrawing ang naiisip namin. I drew a kitchen and the scene I have imagined. Kahit hirap akong magdrawing, pinilit kong pagandahin. Yung apron ni Chef ay color gray at lalaking lalaki siyang tingnan. Naka gray din ako na pantulog dahil I imagine us preparing the breakfast together. Ay.. basta ganun. At kung bakit gray? Dahil Chef Park looks ruggedly handsome when he is in gray. Actually kahit ano naman eh. He never fails to make my heart beat.

Nag exchange kami ng papel at nasaktan ako sa drawing ni Chef pero syempre di ko pinahalata. As if may karapatan naman akong masaktan di ba? Eh sino bang nagsabing gawin ko to? Sa totoo lang, pwede ko naman sanang iwasan na lang pero mas pina-andar ko ang puso ko kaya heto ako ngayon duguan pero pilit na nagpapanggap na ayos lang. Kasi naman eh. Saan ko ba dapat ilagay tong pusong to?

Chef Park's drawing is abstract. Alam niyo yung paint na computer software? Yung pinaka basic na program para mag drawing? Ganun yung style. May iba't ibang kulay ng squares, circles, triangles at kung anu-ano pang shape. Di ko man gets ang drawing niya, ngumiti na lang ako at sinabing 'Pwede kang maging preschool teacher' na siya namang ikanangiti niya. Tapos tahimik na naman kami. Habang yung ibang couples ay sweet na sweet na nag-uusap tungkol dun sa activity, kami ni Chef ay tahimik lang. Minsan nagtatama ang mga mata namin tapos mauuna akong umiwas. Aba syempre, pano na lang kung makita niya ang laman ng puso ko? Anong sense di ba? Kahit na makita niyang hulog na hulog ako sa kanya, di naman niya ko sasalohin.

Maya maya pa ay sinabi ng speaker na pwede na raw kaming mag explore ng resort or matulog na dahil tapos na yung activity namin. Wala na rin si Pastor David at mukhang babalik na lang bukas. Amazing lang dahil kahit na gagabihin siya ay mas pinili niyang umuwi para makasama ang pamilya niya.

Ang saya sigurong maging Ms. Maggie Kang. Yung tipong overflowing ang love ng asawa mo. Ano kaya ang feeling kapag nakapangasawa ng isang Koreano? Hahaha. Ewan. Bakit kailangan ko pang isipin kung kita ko ng di pwede?

Ilang minuto pa ay tinapik na ni Chef Park ang balikat ko at nagyaya nang matulog. Seryoso? I mean makakatulog si Chef sa ganitong sitwasyon? Oo, pagod ang puso niya at pagod din dahil sa pag-da-drive pero yung magyaya ng pagtulog agad agad nakakaasar lang. Ang tindi. Ang tindi ng pagkamanhid ni Chef. Bakit ba ko na in love sa yo? Bakit?

"Chai, do you always sleep late at night?" Tanong ni chef habang nakatingin sa akin. Paano niyang nalaman? Has he been monitoring me? Pero paano?

"Ano eh ayos lang naman Chef. Ano kasi.."

Naramdaman ko ang haplos ng kanang kamay ni Chef Park sa mukha ko. Pigil ang hininga kong tinitigan siya. Putek naman oh. Ano ba Chef!

"Chai, kung ano man ang gumugulo sa isip mo, don't let it pull you down. Yung eyebags mo, galit na galit na eh." Sabi ni Chef sabay ngiti ng kasing tamis ng asukal. 'Kung alam mo lang Chef, isa ka sa mga gumgulo sa isip at puso ko.'

"I'd be in my room. Sleep tight Chai. Good night." Naiwan akong mag-isa sa harap ng pinto ng kwarto ko. At dahil di ako makatulog, naisipan kong mag-ikot ikot ng mag-isa.

It's almost 12 midnight when I finally decided to go back to my room. Medyo mugto ang mga mata ko dahil sa iniyak ko ng iniyak sa bawat sulok ng beach ang mga hinaing ko sa buhay. Kasi naman, wala rin namang maiyakan eh. Ang hirap mag pretend ng maayos ka when in fact hindi naman talaga. Di ko nga alam kung ilang beses kong sinigaw ang pangalan ni Chef while cursing him! I cursed him for being too lovable. I cursed him for being too adorable. I cursed him for stealing my heart and yet he didn't even bother taking care of it.

Wala akong paki kung may makarinig naman sa akin. Konti lang ang nainom ko pero pakiramdam ko, I can do all things. Bahala na. Bukas naman I will be back to my normal self who pretends everything is just fine.

Medyo nahihilo ako habang naglalakad at padapa dapa nang may biglang humawak sa kamay ko.

"Hey, hey, I've been watching you from afar pero di ko na kinayang pigilan ang sarili kong lapitan ka." Sabi nung lalaking singkit. Medyo nagising ang sistema ko dahil nasa harap ko ang isa na namang singkit. Well, gwapo siya oo, pero di kasing gwapo ng mahal ko. Chos!

"Huh? Why? I mean do I know you?"

"Nope. But we can get to know each other right? Upo tayo sa bench?" Hinila nung lalaki yung kamay ko at nagpatangay naman ako papunta dun sa isa sa mga benches malapit sa beach. Kaloka lang at hindi ako tumanggi.

"Im Daniel Choi, part owner ng resort." Daniel extended his hand to mine pero di naman ako nakipagkamay.

"Wow. You're too loyal to someone who doesn't love you back." Iiling-iling niyang sagot. May kinuha siyang sigarilyo sa bulsa niya at sinindihan iyon. Inabutan niya rin ako ng stick na di ko naman kinuha.

"Come on. Take it. Di naman to drugs."

"but still. I don't think that's good for my health." Umirap ako at tumayo. 'Eh ano ba kasi ang ginagawa ko dito di ba?'

"You know what's unhealthy, loving someone who doesn't love you back."

Nagulat ako sa sinabi nung Daniel Choi. So ibig sabihin narinig niyang lahat ang sigaw ng puso ko! Patay na. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko lalo nang maisip kong since Koreano rin ang taong kaharap kong to at businessman din, there's a possibility na kilala niya si Chef Park!

"Yes. Your eyes say it all. I know that guy you are cursing."

"Si Chef?" Gusto kong tumakbo papunta ng sa kailailaliman ng tubig at doon magtago, maglaho na lang dahil sa kahihiyan.

"And I can help you get him jealous." Walang anu-ano ay bigla akong kinabig ni Daniel at muntik ng mahalikan sa labi. Mabuti na lamang at may malakas na bisig na naglayo sa akin sa lalaking yun.

"Don't you dare touch him Daniel. Respeto naman sa babaeng mahal ko." Inakbayan ako ni Chef Park at nilayo kay Daniel.

Narinig kong napamura ng malakas sa wikang Koreano si Daniel pero di ko na inintindi pa ang mga sinabi niya.

"Where have you been Chai? Kanina pa ko paikot ikot at hinahanap ka. I went back to your room a couple of minutes after I left pero wala ka na. Ang akala ko, iniwan mo na ko."

"Huh? Hindi ano.. Nag pahangin lang ako Chef. Hinahanda ko lang sarili ko para sa mga challenges bukas." I said while I try to sound calm. Putspa. Hinanap ba talaga ako ni Chef? Seryoso?

"Don't leave me please Chai? The resto is still open. Let's have some coffee?"

Hala? Ano? kape raw? Ng Alas dose ng gabi? Takte. Sige na nga. Bahala na. Halo-halong liquid na laman ng sikmura ko. Mas lalo tuloy na nararamdaman ko ang mga paru-paro sa tiyan ko.

Akala ko tapos na ang pagpapakilig ng boss ko pero nagkamali ako. Dahil he bent down at tulad ng sa mga palabas nila, 'pinasakay' ako sa likod niya.

"You've drunk some liquor Chai. Baka di mo na kayang maglakad." Bulong niya habang ako ay nasa likod na niya.

Seryoso ba siya? Takte. Narinig kaya niyang lahat ang mga pinagsisigaw ko kanina? How will I give up on you Chef? Ay grabe.

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon