8: Steal My Girl

1.6K 50 19
                                    




I was all gasping and running after the air when we finished the swimming relay pero kahit na hinahabol ko pa ang hininga ko, wala akong regret na for the first time, after so many years, I chose to conquer the pain. I chose to overcome the weakness that has stopped me from experiencing wonderful things--- like playing with water and enjoying every minute of it. Di pa rin ako makapaniwalang God has made His presence felt kahit na ganito akong di ko Siya pinapansin kaya nga nangako ako sa sarili kong after this week, I will find time to seek Him.

"Hey Chai, got you coffee." Kaya pala mabilis nawala si Chef after ng relay ay dahil nagpunta na pala ang gwapo kong boss sa cafeteria ng resort to grab me a cup of coffee. Akala ko nga dismiyado siya kasi naman kahit na magaling siyang mag swimming ay nasa last position kami dahil sa inaalalayan niya ako all the way out. Hindi naman pala.

Paano bang hindi ka ma-iinlove sa boss kong to? He is beautiful inside out. Grabe lang talaga.

"I just thought you deserve a cup of coffee after the relay. Your prize for winning over your past." Ay grabe lang. Maka past tong si Chef. Eh siya kaya, kelan siya mag-mo-move on kay Ms. Lucy di ba?

Umupo si Chef sa tabi ko at tinulungan akong patuyuin ang buhok ko gamit ang bagong bili niyang tuwalya samantalang ako eh patuloy na pinipigilan ang sarili kong tumili at magwala. Mabuti na lang education ang tinapos ko. Di man ako nakakapasa pa sa LET at least naman, natuturuan ko pa rin ang puso kong kumalma at lumagay sa ayos.

"Green mango shake rin sana ang bibilhin ko for you but I know this will make you happier."

"Thank you. Ahmmm. Ang ganda ng coffee art nila dito. Nakakatuwa yung pagkakagawa ng smiley face, talagang may kilay pa yung smiley with matching eyelashes." I took a sip of my coffee and smelled the aroma. Ganito talaga ako kapag nasasarapan sa kape. Isa pa, feel na feel ko ang scent ng pabangon ni Chef mixed with his sweat and with my coffee. Ay Chai! Ano ka ba?!

"Well, actually Chai its..."

"Excuse me po. Kayo po yung gumawa nung coffee art kanina sa coffee na inorder niyo kanina tama ba sir?" Humihingal na tanong ng isang babaeng nakasuot ng uniform ng resort. Medyo worried ang mukha niya at di maipinta but what surprised me is the fact that the coffee art was Chef's doing and not of the resort. Ay putspa. Ang puso ko, di ko alam kung mapipigilan ko pang patuloy na mahulog kay Chef. Kaloka! We do coffee art at Chef Park's Kitchen pero di naman niya ko ginagawan nun kaya ay grabe na!

"Huh? Yeah. Oo. I'm a Chef by profession so I sort of know how to do such." Nangislap ang mga mata ng crew at tumingin sa akin bago muling tumingin kay Chef.

"I know this is rude po sir, maam, pero ano po kasi... ahmmm. Yung naka-assign pong mag coffee art sa amin di po makakapasok at.. at ako po yung nagrecommend sa kanya sa boss ko.. ano po kasi, malalagot po ako sa boss ko kapag nalaman niyang absent yung tao kaya po pwede po bang tulungan niyo kami sa coffee art?" Halos ay mangiyak ngiyak na explanation ng babae.

Tumingin sa akin si Chef na para bang hinihingi ang opinion ko kung ano ba ang dapat niyang gawin. Kapag kasi pumayag siya, that would forfeit another point for us dahil may isa pa kaming task mamaya at kapag laging ganitong kulelat kami, we will never win in this adventure for couple thing. Na para bang sinasabi sa aking wala na rin talaga kaming pag-asa ni Chef.

Ngumiti ako kay Chef bago sa staff and...

"My boyfriend and I can do it." Volunteer ko sa sarili ko at kay Chef. Napatingin sa akin si chef nang sinabi kong boyfriend ko siya bago siya umakbay sa akin at ginulo ang buhok ko. Eh di ba engaged na nga kami? So boyfriend ko siya in principle.

"Is this what my girlfriend wants?" Kumindat pa si Chef bago ako inalalayang tumayo.

"If my babe wants to volunteer, then I'm all in."Di naman makapaniwala ang staff at tuwang tuwa sa narinig.

"Thank you po talaga ma'am, sir. Blessing po kayo. Akala ko talaga di po kayo papayag. Ngayon may bonus pa. Ako nga po pala si Lalyn. Answered prayer po kayo. Matutuwa nito si boss Daniel."

Nagkatinginan kami ni Chef nang malaman namin kung sino ang boss nung babae. Parang biglang gusto kong magback out dahil sa pwedeng tensiong mamagitan sa kanila ni chef pero ayoko namang iwan sa ere si Lalyn, lalo at mukha naman siyang mabuting tao.

"You mean Daniel, the Korean guy?"

"Opo. Masungit po kasi si boss pero mabait din naman. Stress lang po siguro."

"Let me just talk to my girlfriend and get back to you Lalyn." Lumayo kami ni Chef at doon niya ko kinausap. Nagulat pa nga ako dahil medyo seryoso si Chef at di ko alam kung kikiligin ako sa mga sinabi niya o masasaktan. Chef naman kasi eh! Bakit ba ang gulo ng signals mo? Kanina pa kong gulung gulo eh. Lord, help me nga understand this guy. Please? Tulungan niyo po ako ulit dito gaya kanina.

"Chai, I'll just be the one to help and you'll just stay in your room. Not that I have anything against Daniel dahil mali ang mag judge ng kapwa natin pero I'd rather see you with another man than him."

He would rather see me with another man and not Daniel. Pero bakit hindi pwedeng siya na lang? Bakit hindi?

"Ahmm. Okay. Sige. Sure."

"Here. Here's my phone. Use this and help me win. May laban ang clan in two hours. May tutorial sa youtube. Pwede mong icheck. Best combination yung archers, giants, and balloons."

What? Is he seriously playing COC? Si Chef Park? Takte! Ano na kayang TH niya?

"And Chai, just so you know, I wont let Daniel steal my girl." Chef Park smiled and left me in awe.

Anak ng. Steal my girl? Ano bang ibig sabihin niya dun? Ano?

In Love with a ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon