PITO

62.6K 765 102
                                        

WARNING IS BACK! PERO LIGHT LANG MUNA. READ AT YOUR OWN RISK!

Chapter 7


“You may leave now,” ani ko sabay senyas kay Lily na umalis na.

Tumango lang siya at saglit na tumingin kay Aiko. Kunot noo ko lang siyang pinanood bago tuluyang lumabas nang conference room.

May patingin tingin pa talaga siyang nalalaman. Baka gusto niyang mabulag ng wala sa oras. Tsk.

“Kahit sino na lang talaga pinagseselosan mo, 'no?”

Maagap akong nagbaba nang tingin at naabutan ang nang-aasar na ngiti ni Aiko. Bukod doon, parang nag-e-enjoy pa siya sa panonood.

Umayos ako nang upo at saka siya pinagtaasan ng kilay. “May nakakatawa ba?” pagsusungit ko.

Hindi pa nga natatapos ang isang araw na puro sakit na lang nang ulo ang nakukuha ko, dadagdag pa siya. Kaya 'wag niya akong iniirita ngayon at baka ibang langit ang mapuntahan niya mamaya.

Ngumisi lang siya at prenteng umupo sa office chair. Bahagya pa siyang umikot at nalilibang na iginala ang tingin sa bawat sulok ng conference room.

“I'm actually enjoying it.” Huminto siya sa pag-ikot at humarap sa'kin. Mula sa ngisi naglaho ito na parang may mas magandang ideyang naiisip. “Pakiramdam ko tuloy namiss mo agad ako,” dagdag pa niya.

Mas sumandal pa siya at saka nag-de quatro sa pagkakaupo. Kasunod noon ang pagpatong ng kan'yang kanang braso sa arm rest ng inuupuan niya habang nilalaro ng mga daliri niya ang kan'yang ibabang labi.

Seryoso lang niya akong pinapanood na tila may binabasa sa'kin.

I frowned. “Umupo ka nga ng maayos,” sita ko sa kan'ya bago umiwas nang tingin at baka mahuli pa akong---

“Pinagnanasaan mo lang yata ako.”

Exactly!

Pero hindi ko aaminin. Why would I? Hinding-hindi ako aamin sa kasalanang ako lang ang may alam. Never.

Hindi ko siya sinagot. Bahala siyang mag-isip.

Mula sa peripheral view ko, kita kong umayos siya nang upo gaya nang sabi ko. Humarap siya mesa katulad ko sabay patong ng dalawang kamay doon at pinagsaklob.

Tumaas ang tingin ko at nakitang ilang segundo na lang ay mag-a-alas singko na. That's what you called, right timing.

“So, what's the deal? Uupo lang ba tayo dito---”

Hindi ko siya pinatapos.

“Kikilos ka o hindi?” mariing tanong ko sabay harap sa kan'ya. Naabutan ko siyang gulat na nakatingin sa akin na may halong pagtataka.

Tumaas ang isang kilay niya at marahang ginalaw ang mga labi. “Kikilos?” nagdadalawang-isip niyang sagot.

“Tapos?” tanong ko pabalik. “Pakibilisan! Ayoko nang pabagal---”

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang nasa harap ko na pala siya at agad akong siniil nang malalim na halik. Job well done, Aiko.

Sinagot ko rin siya nang malalim na halik. I got up from my seat and then leaned back at the table without letting go of each other.

My hands crawled behind him and pushed him closer to me. He's sweating. Gosh!

Bahagya niya akong tinulak dahilan para mapahiga ako sa mesa. I like that! Wild.

I smiled and looked at him as if he had done something nice. “Gan'yan ang gusto ko, iyonf hindi pukpukin. Gawin mo lang ang lahat ng gusto mo at pagbibigyan kita,” saad ko sabay hila ng damit niya palapit sa akin.

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon