Chapter 24
My eyes began to fill with tears as soon as they left my house. I just sat down on the floor where I was standing earlier. And I've been crying for an hour.
Gulong-gulo pa rin ang isip ko sa mga nangyayari. Paano kami ng anak ko? Pagkatapos kong sumugal sa kan'ya, kami lang din pala ng anak ko ang maiiwan sa huli?
Akala ko magiging maayos din ang lahat.
Akala ko magkakaroon na ako ng sarili kong pamilya.
Bakit naiwan na naman akong mag-isa?
Bakit kailangan sa anak ko pa mangyari ito... bakit ako na lang palagi?
Bumaba ang tingin ko sa aking tiyan at nanginginig itong hinawakan. “S-sorry... your daddy left us b-because of me...” I cried.
Hindi naman ito mangyayaring lahat kung nanatili akong malakas at hindi nagpadala sa mga panloloko nila. Kung naniwala sana ako kay Aki hindi na sana ito nangyari lahat.
Kung hindi lang ako tanga baka pinagtatawanan ko pa silang dalawa. But I'm not... I'm the one who looks ridiculous to everyone.
Pagtatawanan lang ako nang lahat pagkatapos nilang malaman at marinig ang chismis. Na ang kilalang matigas ang puso madaling naloko ng kan'yang sekretarya.
Humagulgol ako nang iyak at tumingin sa itaas habang nakahawak pa rin sa aking tiyan. “Kahit ang a-anak ko na lang po... huwag niyo po siyang hayaan na lumaking w-walang ama. Ayokong maramdaman niya ang naramdaman ko—”
“Natnat...”
Bumaba ang tingin ko nang marinig ang boses ni Aki. Pansin ko ang paghahabol niya ng hininga habang nakatayo sa may pinto ng kitchen. He looked anxious and worried.
Kanina pa ba siya rito? Hindi ko siya narinig o naramdaman 'man lang.
“Pananagutan ko ang bata...” Naglakad siya palapit sa akin at saka lumuhod sa harap ko. “Marry me.” Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa tiyan ko habang nakatingin lang sa akin ng diretso.
Kusang tumigil sa pag-agos ang aking mga luha dahil sa mga sinabi ni Aki. Nakipagtitigan lang ako sa kan'ya at naghintay na sabihin niyang nagbibiro lang siya.
Alam kong naaawa lang siya sa akin kaya niya nasabi lahat 'yon. Hindi niya ako pakakasalan at hindi niya pananagutan ang pinagbubuntis ko. Wala nang mangyayaring kasalan.
“Natnat... I know this looks funny to you. You're thinking something, and I get that. I'm not joking, and my feelings go beyond simple sympathy. Mahal pa rin kita at 'yon ang totoo. Pananagutan ko ang bata basta pakasalan mo lang ako. Ituturing ko siyang parang tunay na anak basta mahalin—”
“Aki... stop.” I sobbed and looked away.
Tama na ang paulit-ulit na sakit. Masakit pa rin at mas lalo lang itong sasakit kung sasaktan ko siya. Alam naming pareho na hindi na puwede... dahil hindi na kami katulad ng dati.
“Hindi ka nakakatulong. Mas lalo mo lang ginugulo ang isip ko. Bakit ka ba kasi nandito?” Halos mabiyak na ang boses ko mailayo lang namin ang usapan sa sarili kong problema. Kasalanan ko itong lahat kaya ako lang din mag-isa ang tatapos nito.
Nilingon ko si Aki nang mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. “Someone texted me kaya nagtungo agad ako rito. Mukhang alam ko na kung sino 'yon kaya kahit anong gawin niyang kabutihang loob sa'yo hindi na magbabago ang tingin ko sa hayop na 'yon. Mabubulok siya sa impyerno.”
“Who texted you?” kuryoso kong tanong kahit may tao nang sumagi sa isip ko.
“Kung sino ang gumawa nito sa'yo,” tipid niyang sagot.
BINABASA MO ANG
✔ || Midnight Mask
Romans[ El Paradiso Collaboration Series 1 ] WARNING: RATED SPG! Talia, a fond of perfection. Living alone, tons of money, beauty and brain. She's also known as the heartless, fearless, sophisticated, and expensive woman. But her life were full of surpri...
