TATLUMPU'T PITO

24.8K 314 49
                                    


Chapter 37


One year later...

Pagkatapos ng ilang hiring at pagpapahinga nakabalik na ako sa dati kong buhay. Nakulong si Mr. Esguerra sa kasong attempted murder at pagtulong kay Ark. Hindi ko 'man gustong gawin ito pero kailangan para sa kaligtasan naming lahat.

Napagpasyahan kong lumabas para magpahangin pagkatapos kong pirmahan ang lahat ng papel na dinala sa akin ng bago kong sekretarya. Dinaanan ko muna si Paula sa table niya para magpasama sa labas.

Totoo nga ang sabi nila na kapag pamilya na ang usapan hindi mo sila matitiis kahit na anong pasakit pa ang ginawa nila sa'yo. Hindi ko pa sila lubos na napapatawad pero hindi naman masama kung bibigyan ko sila ng isa pang pagkakataon. Hindi ako Diyos para magmatigas. Nagkakamali rin ako at gumagawa ng kasalanan.

Kaya after six months pinabalik ko rin si Paula dito sa kumpanya ko, pero hind bilang sekretarya. Binigyan ko siya ng posisyon na deserve niya sa ilang taon niyang pagtatrabaho kasama ko.

"Tara, kape tayo?" anyaya ko.

Kaagad siyang tumayo at ngumiti. "Tara. Kanina ko pa rin iniisip mag-kape. Buti dinaanan mo ako, Ate."

Naninibago pa rin ako hanggang ngayon sa muli niyang pagtawag sa aking Ate. Sinusubukan ko rin namang masanay. Siguro hindi pa ngayon pero darating din ako diyan.

Maraming nagbago pagkatapos ng mga nangyari kaya hindi ko rin masabi na nakabalik na talaga ako sa dati kong buhay. Pansin ko rin ang pagbabago ko ng pakikitungo sa mga taong nasa paligid ko. Nandito pa rin naman ang trust issues ko pero hindi na gano'n sa dati.

"Pupunta ka mamaya sa El Paradiso? Tinatanong nila Jeremiah."

Sumimsim muna ako sa kape na inorder ko bago sinagot ang tanong ni Paula.

"Oo..." sagot ko, malayo ang tingin habang iniisip ang mga nangyari noon. "Magpapaalam na rin siguro ako sa kanila," I added before setting the coffee down on the table.

"Hindi ka na babalik sa El Paradiso?"

I glanced at her and smiled. "Hindi na muna siguro. Marami pa akong gustong gawin na hindi ko magawa noon. Magbabakasyon muna siguro ako ng ilang buwan... or maybe years."

"That's exactly what I wanted to hear from you. You deserve that vacation after all. Dapat nga noon mo pa ginawa 'yan."

"Marami pa akong kailangang asikasuhin. Hindi ako basta-basta puwedeng umalis. Kaya nga tinuturuan muna kita kung paano magpatakbo ng isang kum-"

"Babalik ka naman 'di ba?" biglang niyang tanong.

I chuckled. "Of course. Hindi ko iiwan sa'yo ang kumpanya, don't worry. Saglit lang akong mawawala. Magpapahinga lang ako. Babalik din ako agad. Fresh and ready to mingle na ulit."

Nangamba ako nang bigla sumeryoso ang mukha ni Paula. "Wala ka pa rin bang balita kay Aiko hanggang ngayon? Isang taon na rin nang bigla siyang maglaho na parang bula."

Sinasabi ko na nga ba. Hindi nawawala ang ganitong usapan sa tuwing magkasama kami. Isa rin iyon sa iniiwasan ko kaya hindi ako sumusulpot sa anyaya sa akin nila Jeremiah at Sam.

Mabilis na naglaho ang ngiti sa aking mga labi. It's been years since he left without a trace. Na kahit mga kaibigan niya hindi rin alam kung nasaan siya. Sinubukan namin siyang hanapin pero mahirap mahanap ang taong ayaw magpahana.

Nag-iisip na lang ako ng mga dahilan para hindi ako malungkot at masaktan sa tuwing naalala ko siya. Katulad ng; nahihiya siguro siya sa akin dahil sa ginawa ng Daddy niya; dahil rin siguro sa ayaw niyang malungkot at mag-alala ako sa dami ng nangyari sa pamilya niya. At marami pa na paulit-ulit kong tinatanim sa kokote ko.

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon