NO WARNING MUNA HEHE BAKA MAGING MAKASALANAN NA AKO HAHAHAHA
Chapter 3
I was about to leave when I saw my reflection in a mirror in front of me. It's not about how I look, 'cause I know how beautiful I am, it's about that guy at the bar.
I remember clearly every word that he said to me. He's the prostitute, but why do I feel like I am?
Nakakainis.
Sinasabi ko na nga ba na hindi magandang ideya si Aiko. Mabuti na lang nabayaran ko na siya three days ago, kaya wala na siyang hahabulin sa'kin. Pwera na lang kung ako talaga ang habol niya.
I just rolled my eyes and leave. I have an eight o'clock meeting kaya kailangan ko nang makarating sa office agad. Hindi pa naman ako nale-late in my entire life, ngayon lang at three days ago at kahapon.
And that's all because of that Aiko who ruined my peace of mind.
“Miss Talia, nandito na po ang mga investors.” Salubong sa akin ni Lily.
I just nodded and gestured her to get out of my face. Wala ako sa mood para makipag-usap, kaya hangga't maaari sana gusto ko nang matapos agad ang meeting.
“Good morning, Engr. Acosta!”
Tipid lang akong ngumiti sa sigaw na iyon ni Engr. Ysmael, ang matandang maligalig.
“Engr. Natalia, you always look fresh,” puri naman ni Engr. Patricia na may-ari ng pinakasikat na furniture company dito sa lungsod.
“Thank you, but I am aware of that.” I smiled playfully.
Ilang papuri pa ang narinig ko at kamustahan bago kami nagsimula sa totoong pakay nila dito. Inaasahan ko na naman ito, wala nang bago.
“Hindi ba natin hihintayin si Engr. Esguerra?”
Nilingon ko ang nagsalita, si Engr. Fe, ang CEO ng Detailed Construction, one of our rival company that is slowly losing. Hindi naman ako ma-personal na tao, kaya kahit kalaban ko binibigyan ko nang pagkakataong bumangon ulit.
Ang boring kasi kapag walang thrill sa buhay.
“Sino 'yon?” tanong ko bago nag-angat ng tingin kay Lily na nakatayo lang sa tabi ko. “Bakit hindi mo sinabi sa'kin na may isa pang investor?” I raised my eyebrow.
She stayed silent for a bit before answering my question.
“A-ano po... ano po k-kasi...” She said, obviously stuttering. “Katatawag lang po nila kaninang umaga. Hindi raw po sasabay sa meeting ang boss nila --- Engr. Esguerra wants some privacy with you raw po.”
Nakarinig ako ng mahinang tawanan sa mga kasama ko. Mukhang ako lang ang hindi nakakakilala sa taong 'yon.
“Pakiramdam ko'y natitipuhan ka ng batang 'yon, Engr. Acosta. Ilang beses ko nang nakakasama 'yon sa mga private party kasama ang ama niya at talagang hindi ko ikakaila na bagay kayong dalawa.” Si Engr. Fe na binabaan ko agad ng tingin.
“Na-meet ko na rin iyon noong isang araw, nabanggit nga niya na may gusto raw siyang babae. Inaasar kasi siya ng ama niyang mag-asawa na dahil nagkaka-edad na raw siya. Totoong may itsura ang batang iyon, kung ako'y bata-bata rin lamang katulad mo Engr. Natalia, ako na ang magvo-volunteer na magpapakasal.”
Nilingon ko naman si Engr. Patricia sa mahabang paliwanagan niya. Hinihingi ko ba ang opinyon nila? Wala akong pakialam kung sino 'man ang tinutukoy nila, sayang sa oras.
“Nakarinig lang ng pogi at bata, nagkakagulo na agad kayong matatanda. Bakit hindi niyo tularan si Engr. Acosta? Bata pa lamang marunong na kung ano ang hindi at dapat unahin. Kaya kayo nalulugi,” dismayadong iling ng katabi ko.
BINABASA MO ANG
✔ || Midnight Mask
Ficção Geral[ El Paradiso Collaboration Series 1 ] WARNING: RATED SPG! Talia, a fond of perfection. Living alone, tons of money, beauty and brain. She's also known as the heartless, fearless, sophisticated, and expensive woman. But her life were full of surpri...