Wakas
Aiko Ignatius Esguerra
Ang ganda niya.
That was the first thing that came to my mind when I first saw her in the garden. She was there for almost an hour, but she's still patiently waiting for someone.
Back there I already knew that love at first sight does exist.
That wasn't the first and last time I saw her. Nasundan pa iyon ng ilang beses. Pero ngayon lamang ako nagkaroon ng pagkakataong itanong kung sino nga ba siya.
“Sino 'yon?” Siniko ko si Ark at tinuro ang babae na mag-isang nakaupo sa living room.
Sumunod ang mga mata niya sa tinuturo ko. “Ah... girlfriend ni Kuya Aki,” aniya bago dumiretso sa paglalakad na animo'y hindi naman importante ang tanong ko.
I was saddened by what I heard. Parang inaasahan ko na rin naman ito noong isang beses na makita ko siyang umalis kasama si Aki. Hindi ko lang maiwasang malungkot at masaktan. She's the first woman I admire the most, maliban syempre sa nanay ko.
I couldn't take my eyes off the woman. After seeing her more then five times in this house, her eyes are much sadder now.
Namumugto pa nga yata ang mga mata sa kakaiyak. She's clearly not okay.
May problema kaya sila ni Aki?
“Kuya, tara na! Baka hinahanap na tayo sa labas.”
Nakuha ni Ark ang atensyon ko at walang nagawa kun'di sumunod sa kan'ya. Nagprisinta kasi kaming tutulong sa pagluluto ng dinner para mamaya. Kaya kahit gusto ko pa siyang tingnan ng mas matagal may naghihintay naman sa amin ni Ark.
“Ayoko na, Talia.”
Kusang huminto ang mga paa ko nang marinig ang boses ni Aki. Pumasok ako sa loob ng bahay para sana kumuha ng tubig. Masyadong mainit sa labas tapos nag-iihaw pa kami para sa dinner mamaya.
Hinanap ng mga mata ko kung nasaan sila. Mabilis naman akong nagtago nang makita silang nag-uusap sa may hallway. Hindi ko naman intensyon na makinig pero naririnig kong umiiyak ang girlfriend ni Aki.
“B-bakit? Anong ginawa ko? O-okay naman t-tayo no'ng huli tayong m-magkita... b-bakit ka nagkakagan'yan bigla?” She cried.
Nakaramdam ako ng awa sa kan'ya. May tumutulak sa akin na yakapin siya at patahanin. Hindi kasi ako sanay na makakita ng babaeng umiiyak.
“Hindi na ako masaya. Sorry.”
My jaw dropped at what Aki had done. He's crazy. Akala ko ba ay mahal na mahal niya ang girlfriend niya? Isang beses nang nabanggit sa akin ni Aki ang babae doon sa probinsya. Hindi ko lang ito kilala kaya hindi ko inasahan na ang babaeng madalas ko makita dito sa bahay ang tinutukoy niya.
He's emotionless kaya mas nainis ako kay Aki. Umiiyak na sa harapan niya ang kan'yang girlfriend pero parang wala lang sa kan'ya. Gago talaga!
“Aki n-naman... okay naman tayo palagi... masyado namang b-biglaan...” Hindi huminto sa pag-iyak ang babae. Hinawakan pa niya sa kamay si Aki na hinayaan naman siya. “I'm sorry kung masyado... kung sumusobra na ako... hindi na ako g-gagawa ng ikakagalit mo. Please... Aki. Huwag mo akong iwan. Iniwan na ako ng lahat... i-ikaw na lang ang mayroon ako. Ikaw na lang... huwag mo akong i-iwan gaya ng ginawa n-nila sa akin...”
BINABASA MO ANG
✔ || Midnight Mask
Romansa[ El Paradiso Collaboration Series 1 ] WARNING: RATED SPG! Talia, a fond of perfection. Living alone, tons of money, beauty and brain. She's also known as the heartless, fearless, sophisticated, and expensive woman. But her life were full of surpri...
