Chapter 6Kanina pa ako nagpipigil nang inis dito sa upuan ko sa landian noong dalawa. Magkakalahating oras na silang naghaharutan kaya hindi ko magawang umalis.
I swear to God, kapag ako hindi nakapagpigil may magagawa akong hindi nila magugustuhan.
“Oh, c'mon! Ang kj mo!” maarteng pagkakasabi noong babae. “Minsan na nga lang tayo magkita hindi mo pa ako mapagbigyan. Saglit lang tayo doon tapos diretso na tayo sa condo ko.”
Mas lalong nagdilim ang paningin ko sa narinig. May pinag-uusapan silang party ng kaibigan nila, ayaw sumama ni Aiko kaya pinipilit siya ni Sam. Tapos diretso sa condo niya? Flash ka girl? Tsk.
“Marami akong ginagawa, Heather. Next time na lang siguro,” tanggi pa rin ni Aiko.
“Dali na, Aiko. Please?” pagpupumilit pa nito na kitang-kita ko ang pagkisap mata niya at paghawak sa kamay ni Aiko na nakapatong sa mesa. Feeling cute. Landi talaga. Bwisit.
Hindi ko na alam ang ginagawa ko pero tumayo ako at kinuha ang aking bag sa mesa. Naglakad ako patungo sa mesa nila at saka huminto sa tapat.
Nakita ko ang sabay nilang paglingon sa akin na hindi ko binigyang pansin. Pinatong ko ang bag kong dala sa mesa nila na sinundan naman ng dalawa nang tingin.
I looked at them without any emotion before I cleared my throat.
Napatingin ulit sila sa akin ngunit ang buong atensyon ko ay napunta lahat kay Aiko. Hindi nagbago ang ekspresyon ko kasabay nang pagtaas ng isang kilay ko.
“Tatayo ka d'yan, o hihilahin kita palabas ng store? Choose.” I gritted my teeth. Naiinis talaga ako... kanina pa. Nagpipigil lang ako dahil hindi ako iskandalosang tao.
I never done that. Baka ngayon lang kapag hindi ako nakapagpigil.
Nakatingin lang sa akin si Aiko na parang walang naririnig. Pilit ko siyang binabasa, pero ang pinta ng mukha niya ay ibang-iba sa nakikita ko sa kan'yang mga mata. He's lips were half smiling, but his eyes... it's emotionless like he's hiding something.
“Excuse me, Miss, but who are you?” si Sam, ang sabadera ng taon.
Hindi ko siya nilingon. “I'm his...” I paused and looked at Aiko intensely.
I need to mark what I own and what belongs to me. And this guy infront of me... he's mine.
“I'm his Eve, and he's my Adan. In short...” Nilingon ko si Sam at pinagtaasan ng kilay. “We're couple. So, if you don't mind, would you excuse us kasi pupunta pa kami sa condo ko,” ani ko na may diin sa condo.
I fake a smile and look back at Aiko. Dinampot ko ang kamay niya at ang bag ko saka siya hinila palabas ng cafe. Sumunod niya, as I expected. He liked me, tho.
Nang tuluyan na kaming nakalabas, naramdaman ko ang pilit niyang pagkalas sa pagkakahawak ko kaya agad akong huminto. Binitawan ko siya bago nilingon.
“What?” I asked, annoyed.
“Really? Ikaw pa talaga ang galit sa lagay na 'yan?” tanging sagot niya na malayo sa tanong ko.
“Oo, dahil gusto ko. Kaya 'wag mo nang balakin ulit na makipag-usap sa babaeng 'yon, o sa kahit na sinong babae.”
Natawa siya sa sinabi ko na agad kong ipinagtaka. “Anong nakakatawa?” I raised my eyebrow.
“You.”
Mas lalo akong nainis sa sagot niyang kung hindi malayo sa tanong ko ay tinitipid pa ako. Like I said, I deserve the world, at hindi 'yang salita niyang hindi 'man lang pinag-iisipan.

BINABASA MO ANG
✔ || Midnight Mask
Ficção Geral[ El Paradiso Collaboration Series 1 ] WARNING: RATED SPG! Talia, a fond of perfection. Living alone, tons of money, beauty and brain. She's also known as the heartless, fearless, sophisticated, and expensive woman. But her life were full of surpri...