DALAWAMPU'T LIMA

24.4K 323 93
                                        


Chapter 25


Mahigit isang buwan na akong hindi lumalabas ng bahay. Kasama ang kahihiyang nangyari sa akin, kailangan ko rin magpagaling at magpahinga. Masakit mawalan ng anak, at the same time lokohin ng taong mahal ko.

Wala gabi nang hindi ako umiiyak. Kahit abutin siguro ako ng taon hindi mawawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero hindi ako pwedeng maging ganito na lang habang sila nagpapakasaya na dalawa.

Masakit pero kailangan kong bumangon. Walang ibang tutulong sa akin kun'di ang sarili ko na lang. Matapos nilang sirain ang tiwalang binigay ko hindi ko na alam kung magagawa ko pa bang magtiwala muli.

Lalabas na sana ako ng aking kotse nang pinangunahan na naman ako ng takot. Halos mag-iisang oras na ako dito sa loob, pero hanggang ngayon wala pa rin akong lakas ng loob na harapin silang lahat.

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang aking sarili sa salamin. Nakipagtitigan ako habang inaalala ang Talia na kilala ko.

Bago ko nakilala si Aiko, isa akong babae na walang puso. Palaging galit at hindi marunong makinig. Wala rin akong kinikilala, kahit ang sarili kong mga kadugo. Kaya galit na galit sa akin si Lily... or should I say Paula.

“Tama... masama ang ugali ko kaya bakit ako matatakot sa kanila?” taas kilay kong tanong sa aking sarili sa salamin. “Ako rin ang biktima dito kaya hindi ko sisirain ang buhay ko dahil lang ginusto nila. Tama... Talia...” Ngumiti ako, pilit.

Pagkatapos kong kausapin ang aking sarili muli akong huminga nang malalim. Nilingon ko ang labas at nakita na wala na masyadong naglalakad sa lobby.

Napalunok ako at napabuga ng hangin bago ko kinuha ang bag ko. Binuksan ko ang pinto. Bababa na sana ako nang makita ko ang aking shades sa compartment. Good idea.

Kasabay nang pagbaba ng aking isang paa, sinuot ko ang shades na nakita ko. Umakto lang ako kagaya ng ginagawa ko noon kahit ang totoo gusto ko na lang magtago.

Nang tuluyan na akong makababa ng kotse, sinarado ko lang ito at pagkatapos hinarap na ang ilang araw kong iniiwasan. Naglakad lang ako habang diretso ang tingin sa dinadaanan ko.

“Good morning, Miss Talia.”

“Good morning, Miss.”

Halos lahat ng nakakasalubong ko tumitigil para lang batiin ako. Hinahayaan ko naman sila kagaya ng ginagawa ko noon. I can do this.

Habang naglalakad hindi ko pa rin maiwasang tumingin sa paligid. Tamang desisyon talaga ang pagsusuot ko ng shades. They won't see me spying.

Tama nga ako. Hindi nila palalagpasin na sirain ako sa ibang tao. Kitang-kita ko kung paano ako tingnan at pag-usapan kahit ang totoo ako ang naging biktima dito. Pero sino pa nga ba ang maniniwala sa akin, kung sa una pa lang lahat sila may tinatago nang galit sa 'kin?

I pursed my lips.

Gawin na nila lahat ng gusto nilang gawin, huwag lang nilang kalilimutan kung sino ako. Hindi ko sila mapapatawad.

Totoo kaya 'yong mga sinabi ni Lily?”

Siguro? Kaya nga hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.”

Bahagya akong napatingin sa reflection ng mga kasama ko sa elevator. Hanggang dito ba naman walang patawad ang mga bibig sa paligid ko. Sana naman hinintay muna nila akong makalabas bago nila ako pinag-usapan.

Patago kong kinuyom ang isang kamay ko. Nagpipigil lang talaga ako ng sarili dahil ayokong madagdagan ang mga iniisip ko. Wala rin akong lakas para makipag-away.

✔ || Midnight Mask Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon