DALAWAMPU'T WALO

22.4K 310 68
                                        


Chapter 28


“Are you sure walang nakapansin sa inyo?”

Pilit kong minumulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa. I feel like there's something that prevents me from doing it.

“Yes, Dad. I made sure na walang magiging problema.”

It was too late when I realized that I was blindfolded. Wala pa rin sa katinuan ang pag-iisip ko pero alam kong may tao. Nag-uusap sila at alam kong tungkol iyon sa 'kin.

“Ilang beses mo na akong binigo, Ark. Pinagbibigyan lang kita uli dahil sa mga Kuya mo.”

“Dad, enough. Magpasalamat na lang tayo kay Ark dahil hindi na tayo mahihirapan.”

I frowned when I heard a familiar voice.

Hindi ako pwedeng magkamali. I know that voice. Hindi lang ang boses na iyon kundi ang lahat ng mga boses na naririnig ko ngayon.

“Thanks, Ark.”

“No problem, Kuya Aki.”

I knew it. It was Aki. Sa dami ng inaasahan ko, bakit siya pa? I thought he's on my side. Pero bakit? Paano niya nagawa sa akin 'to?

I can't believe it!

“You can leave, Ark. Kami nang bahala dito ni Daddy. Hihintayin ko na lang din na magkamalay si Natnat.”

Naiiyak na ako at pinanghihinaan ng loob. Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa paligid ko. Bakit lahat na lamang ng pinagkakatiwalaan ko ginagago lang ako? Even Aki na akala ko magiging kakampi ko hanggang dulo.

Nagkamali na naman pala ako.

“No, Kuya. Hindi ko pwedeng iwan ang mga tao ko. Pwede pa naman akong manatili hanggang sa matapos itong pina-plano niyo.”

“He's right, Aki. We need him para mapasunod ang mga tao niya.” Kung hindi ako nagkakamali ay si Mr. Esguerra iyon, ang ama ng tatlong hayop. Kung ano ang puno, iyon din talaga ang bunga. Pwe!

“Alright.”

Hindi ako makagalaw. Alam ko namang hindi ako nakatali pero hindi ko pa rin magawang gumalaw sa takot na makita nila ako. Nakaupo lang ako. Naka-blindfold at may takip ang mga bibig.

I felt my chest tighten for a bit. Masakit. Ang hirap tanggapin na wala na akong maaasahan at mapagkakatiwalaan. Lahat na lang sila niloloko ako.

I feel betrayed and heartbroken.

Unti-unti akong humugot ng malalim na paghinga para hindi nila ako mapansin. Naiiyak na rin ako pero kanina ko pa pinipigilan.

“Aki, hindi ba ako madadawit diyan?” rinig kong tanong ni Mr. Esguerra.

Naalerto ako nang muli silang mag-usap. I stayed calm and closed my eyes behind the blindfold. Alam kong marami pa akong matutuklasan kung mananatili lang ako sa ganitong posisyon.

“Don't worry, Dad. Hindi naman ito makakalabas. Pakakawalan ko rin naman agad siya pagkatapos ng kasal.” Naikuyom ko bigla ang palad ko sa galit kay Aki. “Kung pumayag lang sana siyang magpakasal sa akin, hindi na sana kami umabot dito.”

All this time, may ganito pala siyang motibo? Para saan?! I can't understand. Akala ko bukal sa loob niya ang lahat ng pagtulong at pagmamalasakit niya sa akin. Maling-mali na naman ako.

“Ano bang meron sa babaeng 'yan at pinag-aagawan niyong dalawa ni Kuya Aiko? He is destroying our family.” Boses noong chinito na nakilala ko sa club na kasabwat ni Aki at kapatid na rin.

Hindi na ako magtataka. Iisang dugo ang nananalaytay sa kanilang lahat. Fuck them!

“Matagal nang wasak ang pamilyang 'to, Ark. Huwag ka na ring umasa na magiging maayos pa ang lahat dahil hindi na.” Ramdam ko ang galit sa mga sinabi ni Aki. Kahit hindi ko siya nakikita alam kong may bigat siyang dinadala.

“Kung hindi naman talaga dahil sa babaeng 'yan hindi tayo magkakagulo. Last time I checked, magkasundo kayo ni Kuya Aiko bago pa dumating sa buhay natin 'yan. Kaya noon pa lang ayaw ko na talaga sa kan'ya para sa'yo. Buti na lang naghiwalay—”

“Ark! Kapag hindi ka tumigil pati tayo hindi na rin magkakasundo.”

Nagulat ako sa biglang sigaw ni Aki. Natigilan din si chinito at hindi na muling nagsalita.

“Bahala ka nga. Sa labas na lang ako maghihintay,“ dismayado at iritableng ani ng binata. Madali naman silang basahin minsan, kahit nakapikit.

Kung sana nabasa ko rin na hindi maganda ang magiging dulot ng pamilya nila sa akin, wala sana ako sa posisyon ko ngayon.

Hindi ko na rin alam kung hanggang kailan ako aarte na walang malay. Nakakapagod palang manloko. Sila kaya marunong magpahinga?

“Aki, hindi kaya sumusobra ka na? Pinagbibigyan lang kita dahil sabi mo titigilan mo na ang kapatid mo. Sinusunod niya naman lahat nang pinag-uutos mo. Pati ba naman ang pagpapakasal sa hindi niya ginusto ikaw pa rin ang magdedesisyon?”

“Of course. If that's the easiest way para makuha ko uli si Natnat. Magpapakasal lang naman siya, ah. Edi iwan niya si Paula kung gusto niya. At least, hindi na mapapasakamay niya ang babaeng mahal ko.” I heard Aki laughed.

Oh, shit!

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba habang pinapakinggan si Aki. He's crazy. Hindi na siya ang Aki na kilala ko. The way he talked and laughed. Fuck. Nababaliw na nga siya.

“Ilang oras na lang, Aki. Maawa ka naman sa kapatid mo. Huwag mo siyang itali sa mga kamay mo katulad ng ginagawa mo sa akin at sa babaeng pinakamamahal mo. Ginawa ko naman lahat para sa'yo—para sa pamilya natin. Hindi mo kailangang magkaganito. Binibigay ko naman—”

“Hindi nga enough, Dad! I let her go six years ago kasi alam ko sa sarili kong hindi tayo okay at hindi rin kami magiging okay na dalawa kung may kulang sa 'kin. I thought kaya ko, not until I saw her with Aiko. The guy I hated the most, ang taong sumira sa pamilya natin. That bastard! Inagaw ka na nga niya sa akin, pati ba naman ang babaeng mahal ko?!”

Mas bumilis ang tibok ng puso ko habang pinakikinggan ang pag-uusap nilang mag-ama. I didn't know it was coming. Fuck.

Gulat at hindi makapaniwala sa mga rebelasyon ang sigurado kong itsura ko ngayon. Buti na lamang at hindi nila iyon makikita.

“Ibibigay ko sa'yo lahat, pati ang dapat na kay Aiko, ibibigay ko na rin sa'yo. Tigilan mo lang ang kapatid mo.”

“See?! Hindi mo pa rin ako maintindihan! Tangina! Umalis ka na nga! Baka nakakalimutan mo, kaya kong pumatay ng hindi pa naisisilang na bata, baka pati ikaw isunod kong matanda ka.”

“Fuck!” Agad kong tinikom ang bibig ko sa hindi inaasahang reaksyon ng bibig ko sa sinabi ni Aki.

Nanginginig at naluluha ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. I clenched my fist.

Ibig sabihin ba nito... siya ang pumatay sa anak ko?

Oh, God!

I trusted a fucking monster.

✔ || Midnight Mask Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon