WAKAS (PART II)

19.4K 224 62
                                    


Wakas continuation...


Back there, that night I already knew she's not a typical woman I could just walk down the street and see how beautiful she was. Looking at her with a small amount of clothes and an uncomfortable smile she's wearing, I woke up to the fact that money can really buy everything.

Sa tuwing nakikita ko siya sa daan at sa mga kumpanyang pinag-a-apply-an naming pareho napag-alaman kong nanggaling din siya sa hirap kagaya ko. Walang pagkakaiba ang prinsipyong pinaniniwalaan namin. Mas masarap magtrabaho kung pinaghihirapan.

“Saan ka na naman nanggaling kagabi, Aiko? Almost three weeks ka ng umaalis ng gabi. Kasama mo na naman ba sina Heather?”

Tumango ako kahit dalawa o tatlong beses pa lang kaming lumalabas ng magkakasama sa gabi. Pagkatapos ko siyang makita sa lugar na 'yon hindi na ako pinatatahimik ng isip at konsensya ko. Babae pa rin siya. Hindi ligtas ang lugar na iyon sa mga babaeng katulad niya.

“Sorry, Dad,” nasabi ko na lang bago uminom ng tubig. Ayokong magsinungaling pero wala naman akong maibibigay na dahilan.

I'm not going to tell them I'm about to go crazy over Aki's ex girlfriend. Baka hindi lang suntok ang abutin ko.

“Siya nga pala, nakausap ko ang Daddy ni Heather kahapon. Tutal palagi naman kayong magkasama, bakit hindi na lang kayo magpakasal?”

Nanlaki ang mga mata ko at halos maibuga ang tubig na iniinom ko.

I had difficulty swallowing the water in my mouth because of the idea of marrying my friend.

“No.” I shook my head.

I won't marry without love.

Iyan ang isa sa mga bilin sa akin ni Nanay bago siya nawala. Na huwag na huwag raw akong magpapatali sa isang tao na hindi ko mahal. And I believe and respect her.

“Why? Heather is beautiful and smart. Magkaibigan kayo tiyak na magkakasundo kayo pagdating sa pagbuo ng pamilya.”

“Ayoko, Dad,” pagtanggi ko pa. “Kaibigan ko lang si Heather. Hindi ko siya pakakasalan.”

Mabuti na lamang at wala ngayon si Aki. Tiyak na gagatungan pa niya ang pagpapakasal ko kay Heather. Nag-e-enjoy kasi 'yon kapag pinapahirapan ako.

“Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo kapag nagpakasal ka kay Heather. Lahat.”

Buong araw kong pinag-isipan ang alok ni Daddy. Hindi ko gustong pakasalan si Heather pero ang sinabi niyang ibibigay niya sa akin lahat ng gusto ko ang nagpagulo sa isip ko.

I wanna help her.

Iyon ang paulit-ulit na sumasagi sa isip ko kung bakit ko i-co-consider ang pagpapakasal kay Heather. Gusto kong tulungan si Talia. Gusto ko siyang alisin sa maduming lugar na iyon. Hindi siya nababagay doon.

“Let's get married.” Walang anu-ano kong sinabi kay Heather habang kumakain kami sa sikat na restaurant malapit sa working place niya. I invited her for lunch para lang sabihin iyon.

“Fuck you. Narinig ko na kay Daddy 'yan.” She laughed when she thought I was joking.

Tumigil siya sa pagtawa nang makitang seryoso ako. Bahala na ang pinangako ko kay Nanay. Maiintindihan naman siguro niya kung bakit ko ginagawa ito.

“Are you serious? Magpapakasal ka talata sa'kin?” Hindi siya makapaniwala. Binaba niya ang hawak niyang tinidor bago pinag-krus ang mga braso sabay sandal sa upuan. “Paano ang pangako mo sa nanay mo? I know how serious you are when you said you won't marry without love.”

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon