LABING LIMA

41.2K 502 84
                                        


Chapter 15


“You're pregnant?” Malaki ang ngiti sa mga labi ni Aiko habang hawak-hawak ang pregnancy test na binigay ko sa kan'ya.

Nagtatalo pa rin ang isip ko kung tatanggapin ko ba ang pagbubuntis ko at hahayaan na panagutan ni Aiko ang bata. Sigurado naman akong siya ang ama ng bata, ang hindi ko lang sigurado ay kung kakayanin ko bang harapin ang lahat ng ito.

“W-we're pregnant, Eve. Magiging tatay na ako...” Tumingin siya sa akin, at tila nagbabadya ang kan'yang mga luha.

He's crying and happy at the same time. Hindi ko iyon puwedeng ipagkaila dahil kitang-kita ko sa mga mata niyang masaya siya.

Wala na rin akong nagawa nang bigla siyang lumapit sa akin at saka ako niyakap. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Naguguluhan pa rin ako sa kung anong puwede kong gawin.

“I can't be p-pregnant, Aiko.”

Hindi ko alam kung narinig niya ako, pero dahil bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at saka ako nagtatakang tiningnan. He heard me.

“What?” pagkukumpirma niya sa narinig sa akin.

Umiling ako at lumayo sa kan'ya. “Hindi ako puwedeng mabuntis.” Umupo ako sa swivel chair ko nang hindi tumitingin sa kan'ya.

“Tama ba ang naririnig ko, Talia? Bakit? Anong hindi puwede?!” Bakas sa tono ng boses niya ang pagtataka at namumuong galit. “Tumingin ka sa'kin. Bakit hindi puwede?” Pabagsak niyang pinatong ang kan'yang mga kamay sa mesa ko dahilan para magulat ako at lingunin ko siya.

His eyes were full of anger and hatred. “Dahil ba hindi ako si Aki? Iyan ba ang gusto mong iparating?” He added.

Kaagad akong umiling at hindi ko na rin mapigilang mapaluha. “N-no. This not about him anymore, o kahit ikaw...” ani ko kahit halos nagbubuhol na ang dila ko sa takot na may masabi na lalong makakasakit sa kan'ya. “Ako ang problema...”

Napahilamos siya tila nagpipigil na maglabas ng galit. “Hindi kita maintindihan, Talia! I fvcked you and you expect me na babalewalain ko lang na mangyayari 'to? Kung natatakot ka...” Tumingin siya sa akin diretso sa aking mga mata. “I'll  marry you.”

Natigilan ako at napatitig sa kan'ya. Tama ba ang narinig ko? He'll marry me?

“I'll marry you, Eve. Handa akong pakasalan ka kung iyon ang kinakatakot mo. Hindi ako papayag na lumaki na walang ama ang anak natin. I've been there, and I don't want our baby to experience that.”

Lumapit siya sa akin habang ako natutulala pa rin at hindi makapaniwala sa narinig. Hindi ko talaga inaasahan na aabot kami sa ganito. Buong akala ko hanggang doon lang kami sa kama, nag-e-enjoy at tinatamasa ang katawan ng isa't isa.

I didn't expect him to be the father of my child.

“I'll marry you, and raise our baby together.” He hold my hand and kissed the back of my palm.

Nakatitig lang ako sa kan'ya habang pinagsa-sama-sama ko sa aking isip ang lahat ng mga nangyari.

We're having a baby, and he'll marry me.

Am I not dreaming?

Gamit ang isa kong kamay, sinampal ko ang aking sarili para magising kung sakali na panaginip lang itong lahat. Kung panaginip lang ito... I don't wanna wake up.

I heard Aiko chuckled. “You're not dreaming, Eve. Magiging Mommy and Daddy na tayo, 'di ba, baby?”

I looked back at him and it turned out that he was looking at my tummy, smiling like an idiot.

✔ || Midnight Mask Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon