Chapter 26
“I'm sorry, Aki. I didn't mean — napasubo ako. Mapilit kasi si Lily. Inuubos niya pasensya ko kaya nasabi ko 'yon. I'm sorry.” Mariin akong nakapikit habang nakayuko sa mga kamay ni Aki na nakapatong sa mesa ko.
Mag-te-twenty minutes na siguro akong humihingi ng sorry kay Aki dahil sa ginawa ko. Kung pwede ko lang sanang bawiin lahat ng sinabi ko kanina ginawa ko na.
I wish I never said that.
Ayokong mangyari ang ginawa nila sa akin para lang makaganti. But, how? I just did what they did to me. I'm using Aki now.
“Mag-fifty times ko ng naririnig ang sorry mo. Sinabi nang okay nga lang. Masaya ako na sinabi mo 'yon sa kanila. I'm glad that I can help you. Handa akong gawin lahat para lang matulungan ka.”
“Pero hindi sa ganitong sitwasyon, Aki.” Nag-angat ako ng ulo at halos naiiyak siyang tiningnan. “Gagawan ko ng paraan para hindi matuloy ang kasal.”
That's right. Kung hindi matutuloy ang kasal hindi rin matutuloy ang kasinungalingan ko. Mabuti na lang beauty and brains ako.
“Shit! Bakit kasi sinabi ko 'yon?!” I poked my head.
I'm still stupid for saying those lies. Dumagdag pa iyon sa iniisip ko. Shit!
“Why? Bakit hindi na lang natin ituloy?” suggestion niya na kumuha ng atensyon ko.
“I'm not crazy, Aki. Bakit naman natin gagawin 'yon? Marriage is sacred. Para lang 'yon sa mga taong nagmamahalan.”
“Mahal naman kita,” maagap niyang sagot.
“Mahal din naman kita, pero hindi to the point na kailangan nating magpakasal.”
Hindi ko magawang tumingin ng diretso sa mga mata ni Aki. I know what he's doing. At alam ko rin na seryoso siya sa mga sinasabi niya. Kailangan ko lang umakto na hindi ko alam dahil ayokong pati siya mawala sa akin.
Wala nang natitira sa akin. Siya na lang ang mayroon ako.
“W-we can still do the ceremony with them... let's just lie about the papers.” Pansin ko ang pag-a-alinlangan sa boses ni Aki.
Ayokong manggamit ng ibang tao para lang makaganti. Nagawa ko na nga, ayaw ko nang dagdagan.
“Huwag na, Aki. Mas lalo lang gugulo. Anong sasabihin ng pamilya mo once na malaman nila ang totoo. Hindi ko maaatim na lokohin ang pamilya mo.” Tinuring ko na rin silang pamilya noong naging kami ni Aki. Hanggang ngayon may communication pa rin kami since naging investor ko ang Daddy niya.
I actually don't know that he has a brother. At hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang kwento nilang magkapatid. Bigla na lang kasi sumulpot si Aiko bilang kapatid ni Aki.
That's right... I need to find everything about him. Anything behind all of this. Bago ako magsisimula sa plano kailangan ko muna siyang kilalanin mabuti, mga bagay na hindi ko ginawa noong pinagkatiwalaan ko siya. Iyon ang isa sa mga katangahang nagawa ko.
“Ako nang bahala sa pamilya ko. Wala ka bang tiwala sa'kin?”
Nilingon ko si Aki. Kung tiwala lang din ang pag-uusapan, mas dapat ko siyang pagkatiwalaan. We have known each other for decades. Unlike his brother na nakilala ko lang sa club pero buong pagkatao ko ang sinira.
Tiningnan ko sa mga mata si Aki. Puno siya nang pagmamahal at sinseridad kaya mas lalo akong natatakot na gawin ang gusto niya. Lalo na kung alam kong sa huli may masasaktan at masasaktan sa aming dalawa.
“Hindi na tayo bata, Aki. Trust is not an excuse to marry me. Naiintindihan ko na gusto mong tumulong, pero huwag naman sana sa ganitong paraan. Alam kong mali na ginamit kita, kaya nga gagawa ako ng paraan—”
BINABASA MO ANG
✔ || Midnight Mask
Romance[ El Paradiso Collaboration Series 1 ] WARNING: RATED SPG! Talia, a fond of perfection. Living alone, tons of money, beauty and brain. She's also known as the heartless, fearless, sophisticated, and expensive woman. But her life were full of surpri...
