TATLUMPU'T LIMA

22.5K 266 56
                                        


Chapter 35


Dahil sa kuryosidad, hindi ko na pinalampas pa na malaman kung sino ang sinasabi ni Rafael na naghihintay sa akin. Tinawag ko siya dito sa kwarto. Mukhang may rason din siya kung bakit halos pabulong na ang boses niya kanina. Wala rin naman akong tiwala sa mga taong binigay sa akin ng ama Aiko.

“Lalabas ako mamaya para malaman kung sino ang naghihintay sa akin sa labas. Hindi kita pipilitin kung ayaw mong sabihin sa akin ang totoo. Pero bukas na bukas din aalis ka kasama ang mga tauhan ni—”

“Si Aiko. Siya ang nagpadala sa akin dito kasama ang mga tauhan ng kan'yang ama. At kanina ka pa niya hinihintay sa labas.”

Nalaglag ang panga kong nakatingin sa kan'ya, pina-process ang lahat ng mga sinabi niya. Aiko? Kaya ba pinipilit niya akong tawagan kanina pa?

Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa lahat ng mga nangyari sa akin. Mahirap nang maniwala at magtiwala kung paulit-ulit lang din naman akong masasaktan.

Nakatingin lang ako kay Rafael habang pinag-iisipan kung paniniwalaan ko pa ba siya.

“Alam kong hindi mo ako paniniwalaan. Here's my identification card...” Sumunod ang tingin ko sa kamay niya. May kinuha siya sa kan'yang bulsa. “Hindi Rafael ang totoong pangalan ko. Russel Ortiz. Kaibigan ko si Aiko. And I'm an NBI agent.” Sa tono ng pananalita niya parang hindi na siya ang Rafael na nakasama ko ng ilang araw.

Tinitigan ko ang ID na pinapakita niya sa akin at hindi makapaniwala na totoo nga ang mga sinabi niya. He's an NBI agent.

Napabuntonghininga ako bago pilit na tinago ang kaluwagan sa dibdib ko. It feels safe but still scared at the same time. Habang alam kong nasa panganib pa rin ang buhay ko, hindi pa rin ako matatahimik.

I coughed. “Nasaan si Aiko?” tanong ko sabay tingala.

Tumingin siya sa pinto papunta sa veranda. “Iyong kotse na nasa labas. Ilang araw na siyang nandoon para bantayan ka.”

“W-what do you mean? Siya iyong kotse na sinabi mo kanina?” Namilog ang mga mata ko at dali-daling nagtungo sa veranda. Ngunit bago pa ako makaalis sa kinatatayuan ko ay pinigilan na ako ni Rafa—Russel. Hinawakan niya ako sa braso.

Nilingon ko siya at nakita ang pagiging professional niya. Wala siyang emosyon na hindi ko madalas makita noong mga nakaraang araw dahil palagi siyang nakayuko at hindi makatingin sa akin ng diretso.

“Kakausapin ko ang mga bodyguards sa labas para magkaroon ka ng pagkakataon na makalapit kay Aiko. Siya na rin ang magpapaliwanag sa'yo ng mga bagay na gusto mo pang malaman.”

Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Kaagad niya naman itong binitawan nang napansin niyang nakatingin ako roon.

“Mauuna ako sa labas. Kakatok ako ng tatlong beses kung puwede ka nang sumunod. You already know where you can find him.”

Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong makapagsalita nang tuluyan na siyang lumabas. Napatingin ako sa veranda at natukso na muling silipin ang kotse. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa pinto at sa gawi ng veranda. Wala pa namang signal si Russel, titingnan ko lang kung nandoon pa ang kotse ni Aiko.

Hindi na ako makapagpigil. Nagtungo ako sa likod ng kurtina. Maingat kong sinilip ang labas at nakita nga doon ang kotse. Hindi pa rin siya umaalis.

Malaki pa rin ang pagdududa ko sa mga sinabi ni Russel. I just need to act like I believed him. Marami akong hindi maintindihan. Kung nakita niya ako kanina, bakit hindi niya ako nilapitan? Wala naman sigurong masama kung mag-uusap kami, hindi ba? We know each other. Sapat na siguro 'yon para makapag-usap kami.

✔ || Midnight Mask Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon