TATLUMPU'T DALAWA

22.4K 262 40
                                        


Chapter 32


“A-anong he's gone?” Nangangatal ang boses kong tanong kay Paula matapos niyang sabihin ang salitang iyon. “Kasasabi mo lang na kaya ako nandito para protektahan laban kay Ark. Anong pinagsasabi mong he's gone?!” halos pasigaw kong sabi.

Naguguluhan ako. Hindi nagtutugma ang lahat ng mga sinasabi niya. She's toying me.

Hindi makatingin sa akin ng diretso si Paula. Umiiwas siya na tila may tinatagong katotohanan.

“Paula! Paano kita mapapatawad kung hindi ka nagsasabi ng totoo?”

Pansin ko ang paghinga niya ng malalim bago marahang lumingon sa akin. “Tinakas siya ng mga tauhan niya bago pa dumating ang mga pulis. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari sa'yo kapag iniwan ka namin sa hospital o sa bahay mo ng mag-isa.” She bit her lower lip.

Dismayado akong napatingin sa kisame. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil buhay siya at may pagkakataon pa akong pagbayarin siya sa mga nagawa niya o magagalit dahil buhay pa siya at nakatakas.

“Pero huwag kang mag-alala, Ate Tal, pinaghahanap na ng mga pulis si Ark at ang mga tauhan niya.”

“Dapat lang,” mariing utas ko bago bumangon. “Uuwi na ako. Tawagan niyo na lang ako kung magkano ang kailangan niyo.”

Last time I checked, pera ang palaging bukang bibig ng mga magulang niya sa tuwing dinadalaw nila ako. Inuunahan ko na sila ngayon para hindi na nila kailangan sabihin. Nakakahiya naman. Nag-abala pa silang alagaan ako.

Pinilit kong tumayo kahit ramdam ko pa rin ang pagod—menatally and physically.

“Ate, huwag ka munang umalis.” Hinawakan ako ni Paula sa braso, inaalalayan sa pagtayo. “At saka hindi naman kami humihingi—”

Natigilan si Paula nang biglang bumukas ang pinto at sabay napatingin kung sino iyon.

“Oh, saan kayo pupunta?” si Tiya Mina na may dala-dalang tubig. “Gising ka na pala, Natalia.” Malaki ang ngiti niyang pumasok ng kwarto bago marahang sinarado ang pinto.

Sinundan ko lang siya ng tingin. Lumapit siya sa amin sabay abot ng dala niyang tubig. “Uminom ka muna, Natalia.”

Tinitigan ko muna saglit ang tubig bago umiling. “No, thank you.” I said in a cold voice and looked away.

Sa totoo lang, nauuhaw at nagugutom na ako. Pero paano ko tatanggapin ang lahat ng inaalok nila kung alam kong isa si Paula sa naging dahilan kung bakit ako naririto. I'm not sure kung pati mga magulang niya kasali sa lahat ng kalokohang ito. I just can't trust them—for now.

“Ate... dito ka na muna sa amin. Delikado pa ang buhay mo sa labas. Hindi pa nakikita si Ark,”  pigil ni Paula sa pag-alis ko habang inaalalayan pa rin ako.

“Can you please stop calling me Ate? Hindi ka ba marunong mahiya? Pagkatapos mo akong ipahamak nagagawa mo pa talaga akong—”

“Ate! Pahinga ka muna.”

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin at muling pinaupo sa kama. Tiningnan ko siya. Nahuli ko siyang sinusulyapan si Tiya Mina.

Nagsalubong ang mga kilay ko, nagtataka sa ikinikilos ni Paula. She looks weird. Para siyang may tinatago.

“Anong problema?”

Nakuha naman ni Tiya Mina ang atensyon ko sa tanong niya. Naabutan ko siyang binaba ang tubig na hawak niya sa mesa malapit sa kama bago lumapit sa amin.

“May masakit ba sa'yo, Natalia?” tanong pa niya. Hindi ko alam kung totoo ba talagang nag-aalala siya o pakitang tao lang kagaya ng palaging ginagawa nila.

✔ || Midnight Mask Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon