LABING WALO

32.6K 389 127
                                    


Chapter 18


Nagmadali akong bumaba ng sink para habulin si Aki na papalabas na ng bahay ko. Ngunit bago pa ako makalabas ng kitchen hinawakan ako ni Aiko sa braso para pigilan.

Hinarap niya ako sa kan'ya na may mapanuring mga mata. “Susunod ka pa talaga sa kan'ya? You're not even wearing your panty. For God's sake!”

Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang unti-unti nang humihigpit ang hawak sa braso ko. Masakit, ah!

“So? Sa tingin mo ba hindi pa niya nakikita 'to?” I chuckled, sarcastically.

Nag-angat ako nang tingin para tingnan ang reaksyon niya sa sinabi ko. Hindi nga ako nagkamali, naabutan ko siyang nagpipigil na sa galit at halos hindi na makatingin sa akin ng diretso.

“Yeah. Right. He's your ex, obviously your first --- fvck.” His jaw clenched. “Okay, then... tell me.” Sa pagkakataong 'to bumaling na siya sa akin at tiningan ako sa mga mata. Halatang seryoso na siya na nakapagpakaba sa akin. “Choose. Me or him?”

“Seriously?”

Bakit kailangan pa niyang itanong 'yan? I'm with him right now, so obviously I'm choosing him. He's also the father of our baby.

“I'm dead serious, Talia.” He said in a soft voice. “I'm tired proving myself to someone who can't see my worth. Akala mo ba hindi ako nasasaktan sa tuwing tinutulak mo ako palayo sa'yo? Nasasaktan din ako sa tuwing sumasagi sa isip ko na baka nga hanggang parausan lang ang tingin mo sa'kin. I'm scared... I'm scared when the day will come and you'll tell me you don't love me.”

Kung kanina ay galit na galit siya, kaagad na napalitan ng lungkot ang mga mata niya. Nasasaktan ko na pala siya... hindi ko alam.

“Do you still love him?” biglang tanong niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

“No,” mabilis kong sagot sa kan'ya. “We're just friends. I cared for him and treated him as if he were my family, but it doesn't mean I still love him. Ikaw...” Binawi ko ang aking braso sa kan'ya at saka siya tinuro. “Ikaw ang mahal ko, Aiko.” Dinikit ko ang aking hintuturo sa dibdib niya habang tinuturo.

Nakakapanibago. Sa tagal kong hindi ito naramdaman parang bagong-bago na naman sa akin itong lahat. Nasasaktan ako... nasasaktan ako para sa taong mahal ko. Nasasaktan ako para kay Aiko.

“Y-you what?” Rammdam ko ang panginginig sa boses niya. Para siyang biglang kinabahan sa sinabi ko.

Yes, that's fvcking true. I already love him. I fvcking love the guy I just met at the bar.

“Ikaw na ang mahal ko. Kaya sorry kung nasasaktan na pala kita. Sorry kung iyan na pala ang iniisip mo. Hindi kasi ako ganito, hindi na ako ganito simula noong naghiwalay kami ni Aki. Nasanay na kasi ako nang mag-isa, kaya never sumagi sa isip ko na isipin ang nararamdaman mo.” I pressed my lips together, fighting back my tears.

As expected, tuluyang umagos na parang gripo ang mga luha ko nang bigla niya akong niyakap habang hinahaplos ang likod ko.

“You're not the only one who feels this way. Kaya pangako, simula ngayong nandito na ako, hindi ka na muling mag-iisa.” He caressed my hair as I cried nonstop on his shoulder.

Tang*na! Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Dala na rin siguro ng pagbubuntis ko kaya kahit anong pilit kong patigilin ang sarili ko ay hindi ko magawa.

“Let's get married, Eve. I want you and our baby to be mine, officially.”

Tumango lang ako nang tumango habang humagulgol pa rin ng iyak sa may braso niya. Hindi ako makatigil kahit gusto ko nang tumigil. Napapagod na rin kasi ako kakaiyak.

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon