Chapter 36Napakurap ako ng ilang beses matapos akong salubungin ng liwanag sa pagmulat ng aking mga mata. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa ilang oras kong tulog o dahil sa direct sunlight na—ilang oras na akong natutulog?
Napabalikwas ako sa pagkakahiga kahit medyo mahapdi pa rin ang mga mata ko. Umupo na rin ako at kinusot ang mata ko para makitang mabuti ang paligid.
I frowned as the place looked familiar. Napaisip akong bigla kung saan at kelan ko nakita ang lugar na ito. Nanggaling na ako dito, hindi ko lang masyadong matandaan.
Maliwanag ang paligid dahil sa sikat ng araw na nanggaling sa malaking bintana. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa mataas na lugar ako ng gusali.
Tirik na tirik na rin ang araw.
Tiningnan ko ang aking sarili nang sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi. Ayokong isipin na may kinalaman na naman ang pamilya niya kung bakit niya ginawa sa akin ito.
Wala naman akong kakaibang nararamdaman. Nakahinga ako ng maluwag nang wala rin akong nakitang kakaiba sa katawan ko.
“Huwag na huwag niyong aalisin sa paningin niyo si Talia. Malalagot tayo kay Aiko kapag may nangyaring masama sa kan'ya.”
Napatingin ako sa pinto kung saan nanggaling ang boses. Pinakinggan ko muna ang usapan nila bago ko napagpasyahang tumayo. Nagdahan-dahan lang ako sa paglalakad patungo sa pinto.
“Wala pa bang balita sa kanila?” tanong ng isa pang boses sa labas.
“Naghihintay nga rin ako ng tawag. Dapat kanina pa sila nakabalik kung—” sagot ng lalaki kanina pero hindi natapos dahil sa panibagong boses.
“Ano ba 'tong mga 'to. Imbis na magdaldalan kayo diyan sana tinutulungan niyo akong mag-prepare ng lunch.”
Bahagyang tumaas ang isang kilay ko nang makarinig ng boses ng babae. Pamilyar ang boses na iyon. Parang napakinggan ko na siya sa somewhere.
“Kita mo namang nagbabantay kami dito, Heather. Magluto ka na lang diyan. Sabi naman ni Aiko puwede nating gawin lahat ng gusto natin dito sa condo basta bantayan lang natin ang prinsesa niya.”
I gasped on what I heard. I know her. And this condo. Kaya pala mukhang pamilyar.
“Yuck! Prinsesa?!” Si Sam, Heather, o kung sino 'man siya na nakita kong kasama ni Aiko noon sa coffee shop at sa club. Hinding-hindi ko siya makakalimutan.
“Umiral na naman ang pagiging bitter mo. Kung sinagot mo na sana noon si Aiko wala sana tayo dito ngayon.”
“Hindi rin sana nabaliw ng ganito ang kaibigan natin.”
Parang may kumirot sa dibdin ko at tila pinagtaksilan ako sa aking mga narinig. Ganito pala ang pakiramdam na hindi ka gusto ng mga kaibigan ng taong gusto mo. As if they'll betray you anytime. And I'm not welcome.
“Manahimik nga kayo diyan! Baka marinig kayo ni Talia.” Panibagong boses na naman maliban sa dalawang boses ng lalaking nag-uusap kanina.
“As you wish, King Philip!” ani Sam.
Yeah, right! He's one of his friends. I heard that name before sa coffee shop.
Lumipas ang ilang minuto na nanatili lang ako sa pakikinig sa kanila. Nag-e-enjoy na rin ako kahit hindi naman talaga dapat. Some realization came to my mind.
Hindi lang pala pamilya ang nawala sa akin simula nang ilayo ko ang aking sarili sa mga taong pakiramdam ko sasaktan lamang ako. Hindi ko rin nabigyan ng pagkakataon ang sarili kong magkaroon ng kaibigan. At ang kaisa-isang tao pa na tinuring kong kaibigan at pamilya pinaglaruan at iniwan lang din ako.
BINABASA MO ANG
✔ || Midnight Mask
General Fiction[ El Paradiso Collaboration Series 1 ] WARNING: RATED SPG! Talia, a fond of perfection. Living alone, tons of money, beauty and brain. She's also known as the heartless, fearless, sophisticated, and expensive woman. But her life were full of surpri...